Patentero

59 7 0
                                    

Celine'S POV
Nag text si Dyn... ano kayang sasabihen nang babaeng to.

*Lyn!!!! Ano na? Wala ka ba man lang ma iikwento saken? Ano taguan na
ba? So anong nangyare?*

*Dyn tawag ka na lang kaya saken...*

At naka tatlo kameng oras sa telepono kaya naman nung binababa ko na ito ay alas dos na pala

eto kase si Dyn ang kwento akala ko pa naman ako ang dadaldal pero sya talaga umimik nang umimik....

"Lyn, Lyn gising na!!!"
Oh my God! Ang taas na nang araw...
nasan kaya yung cellphone ko?

May nag text... pag bukas ko nang message ay galing ito kay Neil...

*Morning my Girl, sorry kung "my Girl" na ang tawag ko sayo ha? Nakakain ka na ba? Kung hindi pa bumababa ka na at kumain na, Lyn diba sabe ko naman sayo na hayaan mo lang akong mahalin ka? Hindi ako hahanap nang kapalit.. totoo yun. Pasasayahin kita. Sinaktan ka nya noon, ako naman ang magpapasaya sayo... hindi ko alam pero ang saya saya ko pag nakikita kitang ngumingiti. Kaya please smile.. kase simpleng ngiti mo lang napapasaya mo na ang buong araw ko. Morning Celine Rodriguez."

*Lyn? Alas 12 na hindi ka parin nag rereplay anong nangyare sayo?*

*Lyn?*

Oh my God 102 missed calls galing kay Neil...
hayst naman Dyn eh! Pag baba ko nakita ko si Neil sa sala na nakaupo, pawis na pawis...

"Morning Lyn!" Sabe nya saken, hiyang hiya ako kase natunaw na daw ang dala nyang ice cream para saken, baliw din tong lalakeng to, ice cream ang aga aga pa eh!

"Lyn, mag bihes ka... may pupuntahan tayo."

"San mo ako dadalhin?" Sagot ko naman sa tanong nya.. hindi ko alam pero gustong gusto kong sumama

"May tiwala ka naman saken diba? Hindi naman kita ililigaw, liligawan lang"

Loko lalakeng yun ang aga aga napapangiti ako eh!

----------------------------------------------

Anong sabe nya kanina? Sya daw bahala saken eh lokong lalakeng to! Nasiraan kame sa gitna nang kalsada kaya naman eto nag tutulak ako! Sinasabe ko sayo Neil, pag baba mo dyan masasampal kita nang isa!
Bumababa sya bigla sa sasakyan...

"Hayaan na naten yan dyan! Halika na lakadin na lang naten..." hindi ko alam kung sasampalin o hihilahin ko ang tenga nya. Nanggigigel ako sa pak mumuka nya... hinila nanaman nya ako at ibinababa sa likodan nya..

"Pagod ba pagod na ako..."

"Ha? Hindi ako ganon ka bigat! Pftt! Bahala ka ibaba mo na nga ako!" Nasusura talaga ako!

"Napapagod akong nakikita kang napapagod... alam kong hindi ka mabigat, gusto ko nga lage kitang pinakakain para naman mag kalaman ka... natatakot kase ako na baka isang araw madala ka na lang din bigla nang hanggin."  Matutuwa ba ako sa sinabe nya? Anong ibig nyang sabihen na muka akong kalansay?
Ang kapal naman nang muka nya...

"Namumutla ka Lyn, ayos ka lang ba?"

"Jusko pinagtulak kita, nakalimutan kong may..."

"Sweet nyo naman po" pag putol nang bata sa amin...

"Mag-asawa na po ba kayo?"

" alam mo pangalwa ka na sa mga nagtatanong nyan... pag nakatatlo pakakasalan ko na tong babaeng to"

"Bakit di ninyo po gawen?" Tanong nang bata kay Neil...

"Kase di pa sya handang mahalin ako eh... ehm alam mo ba yung patentero?"

"Opo"

"Ganon kase ang nangyayare sameng dalawa ngayon eh, hindi kase makagalaw si Ate mo kase natatakot sya mahule kaya ako na lang nakikipag laban para maabot sya at manalo kame"

"Hindi po ba mahirap yun?"

"Bakit naman?"

"Kase pano kung mahule kayo? Edi parehas kayong magiging taya"

"Siguro nga pero hindi naman sya napagod... ako lang ang nakipag laban. Hindi ko naman inaasahan na gagalaw sya eh... kuntento na akong makasama sya."

May hapdi akong na ramdaman sa mga sinabe nya, hindi ko alam pero napaka sakit marinig na handa syang masaktan para lang saken...

"Kuya pwede po ba tayong maglaro nang patentero?"

"Wait lang ibaba ko lang si ate mo...
Lyn ayos lang ba sayo?"

"Oo naman walang problema..." mahileg kase talaga sya sa mga bata, kaya hindi ko naman sa kanya ipagkakait ang moment na to...

"Pero pano yung date naten?"

"Mas masaya to..." sagot ko na lang sa kanya at tumakbo na...

Magkakampe kame ni Neil... at limang bata naman ang aming kalaban, hindi ko maintindihan pero ang saya saya ko pag kasama ko sya.. kahit anong gawin namin maasahan kong hindi ako malulungkot pag nandyan sya...
nang maka tapos nang isang laro, talo kame ni Neil pero masaya naman kaya naman napak pasyahang mag hiwalay kame... kaya eto ako ngayon nasa harapan nya, hindi ko alam kung pano ako makakalampas kaya naman nililito ko sya nang medyo malayo na sya saken... bigla na lang akong tumakbo pero nahuli nya ako... slow motion ang lahat kase nang tumatakbo ako nakikita ko syang lumalapit na nakabuka ang mga braso na para bang yayakapin niya ako... nang muntik akong mahulog ay sinalo nya ako, pero natumba kameng dalawa...

"Ayos ka lang ba Lyn?"

Tumayo ako at nilisan sya hinabol naman niya ako...

"Lyn ano bang  problema mo?"

"Naiinis ako sayo!"

"Kase nahulog tayo? Nasaktan ka ba? May sugat ka ba?"

"Wala"

" so bakit? Please tell me.."

"Tignan mo! Duguan na yang braso pero ako parin inuna mo!
Ganon ka ba katanga na uunahin mo ako kahit na ikaw na ang nasaktan?"

"Lyn..."

"No, Neil! I hate myself kase nasasaktan ka na dahil ko. Lumayo ka na lang"

"Lyn laro lang yun..."

"Hindi dahil non!"

"Oo naiintindihan kita Lyn pero pag lumayo ka, parang pinatay mo na ako.
Lyn wala akong pakealam kung nasasaktan ako, umaasa ako at lahat lahat na lang.. mahal kita Lyn. At sa ganito lang kuntento na ako."

Hinila ko sya at hinalkan habang tumutulo ang aking luha. Nasasaktan ako... sobra na akong nasasaktan.
I kiss him... at sumagot naman sya sa halik ko... ipinikit ko ang aking mga mata.

Neil'S POV

Mag kalapat ang aming mga labe nang maramdaman kong bumibikat sya... nang imulat ko ang aking mga mata ay maputla na ang babaeng nasa harap ko at naka pikit na ang mga mata nito...
Lyn wag ngayon, wag mo akong iiwan...

Tuloy parinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon