Mahal na rin siguro kita

35 4 0
                                    

Richard'S POV
Anak gising na... miss na miss ka na ni papa, sabay na lang tayong matulog kung gusto mo, pero ngayon imulat mo muna ang iyong mga mata mo, anak ko.
Hindi ko kinaya kaya naman napa-ubub ako sa kakaiyak... hanggang sa maramdaman ko ang kanyang kamay na unti unti gumagalaw...
Ang kanyang mga mata ay unti unti din niyang minulat at unti unti rin itong ngumiti...
"Papa.." nayakap ko sya nang napakahigpit sa kasiyahan na aking nadadama hindi ko alam pero kita kong ang hirap sa kanyang mata... 

"anak hindi mo na ba kaya?" hindi ko napansin na lumuluha na pala ako kaya nya pinahidan at unti unti akong niyakap 

"no dad, hindi ko hahayaang maging malungkot kayo kaya dito lang ako" sa mga sinabe nya lalo lang akong humagulhol... Alam nang Diyos kung gano ako kaswerte sa batang ito na kung pwede lang sarile kong buhay ay ibibigay ko. 

sorry anak sa pagkakamaleng hindi ko masabe sayo at sorry sa sekretong di ko maamin sayo, mahal na mahal lang talaga anak ko... 


Celine'S POV

pagkatapos nang isang buwan sa hospital ang saya saya ko kase nakauwi na ako... at hindi pa dyan nagtatapos ha? kase mag kikita kame ni Neil mamaya kaya naman ang saya saya ko... 

Neil is calling you 

oh my God ang aga naman nyang tumawag akala ko ba mamaya pang alas 4 ang pagkikita namen? pero wala alas 2 tumatawag na sya ano ba naman yan. 

"yes Neil?" hindi ko mapigilan ang ngiti at sayang nararamdaman

"wala lang, gusto ko lang marinig ang boses mo" ano ba Neil...hindi ako yelo pero natutunaw ako sa kileg! bwiset ka 

"magkikita naman tayo mamaya" 

"yun na nga ang di ko maintindihan, magkikita at nagkikita naman tayo araw araw pero tuwing di kita naririnig at nakikita namimiss at nararamdaman kong kulang ako" 

"Lyn? di ka makasagot? sige na nga paalam, maghanda ka na dadalhin kita sa favourite place ko" 

"sige, kita na lang tayo..." 

"op op op anong pinagsasabe mo Celine Rodriguez? gusto mo bang masapak ako ni tito at mabungangaan ni mama kung di kita kakaunin? tas nako takot akobaka mapaano ka pa ako pa masampal ni Tita" 

"hay nakow Neil Cruz ang oa mo na ha" 

"oo na Celine Cruz este Rodriguez, see you later" sana araw araw na lang ganito na walang problema na dumadating sa buhay ko na makakapirwisyo nang iba 

nang makatapos ako nang pagbibihes ay bumababa na ako at nakita ko na si Neil ang lalakeng gagawin ang lahat mapasaya lang ako

"ready ka na ba?"

"ready na kahit saan mo ako dalhin alam kong magiging masaya ako" 

"ihahatid kita sa simbahan kung gusto mo hanggang altar pa" loko loko talaga to, sabe ko kase sa kanya bago kame pumunta sa gusto nya, nais ko munang mag sinde nang kandila sa simbahan at mag dasal 

"Neil pakinig ko yun ha? wala na bang permiso ko ? dadalhin mo ang anak ko sa altar" natawa ako kay Dad close na close sila ni Neil sayang di sya naging close kay.... hay nako Celine wag mo nang isipin, masaya na sya ngayon kasama nang pinagkatiwalaan mo.... 

"tito baka po kase di kayo pumayag kaya itatakbo ko na ahahh" 

"hay nakow kayo talagang dalawa" sagot naman ni mama na bumababa na nang hagdan 

"morning tita, sige alis na po kame ni Celine" 

"mag-iingat kayo" 

"opo tita, tito... iingatan ko po ang anak ninyo" 

at sa wakas nakalabas na din kame sa bahay kase naman parang wala nang tapos ang pagkwekwentuhan nila. 

Habang nagdridrive si Neil ay kumakanta sya na unti unti nagiging dahilan nang pagtiteg at pag ngiti ko sa kanya na hindi ko napansin na nakarating na pala kame sa aming paruruonan 

"Celine makakababa ka na" 

"oh my God" 

"yes Celine dito tayo unang nagkita at nagkakilala, tara halika lumulubog na ang araw dun tayo sa puno sa bundok para makita mo ang kagandahan na tinatago nang pwestong ito" 

nang lumitaw na ang mga bituin ang saya saya ko, ngayon lang ako nakakita nang ganito kadaming bituin

"ang ganda diba?" sabe saken ni Neil habang nakatingala sa langit 

"oo, bakit ka naman napapapunta dito?" 

"tumayo ka may ipapakita ako sayo" kinuha nya ang aking mga kamay at hinila ako para dumais sa nag-iisang punong naririto 

papasayahin kita kahit hindi ka akin

masaya akong makita kang masaya 

punong puno na nang sulat ang puno pero sa bandang gitna ay walang nakasulat 

"Neil bakit walang nakasulat sa gitna?" 

"iniitay ko kase ang pagkakataon na kasama kita, at sabihen sayong mahal na mahal kita sa ilalim nang punong ito kung saan kita nabangga nung una beses tayong pagtagpuin ni tadhana, iniintay ko na isulat mo ang pangalan mo katabi nang pangalan ko na para bang wala na makakapaghiwalay sa ating dalawa" tumalikod sya sakin 

"pero hindi yan ang dahilan nang pagpunta naten dito ngayon, gusto ko sanag titigan mo ang buwan at sabihen mo sa kanya ang nais mong sabihen sa kanya, alam ko kaseng namimiss mo parin sya... kahit masakit iintindihin kita" 

Neil pinangako ko sayong hindi na kita sasaktan, hinding hindi na. 

"Lyn anong ginagawa mo?" 

"natapos ko nang isulat ang pangalan ko, ano? titingin ka na lang ba?" tumayo sya at sinulat ang pangalan nya, niyakap niya ako at may binulong siya sa akin 

"mahal na mahal kita" napakalamig nang boses nya 

"Neil mahal na rin ata kita" ang nag-iisa kong sagot sa kanya.



Tuloy parinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon