Bakit?

64 10 0
                                    

Celine'S POV
Pag pasok ko sa court di ko alam pero ang dilim pero biglang tumunog ang kanta ang lumiwanag..
ang daming lobo... nang mahalata ko may notes pala.
Ballon number one...
Sa bawat ngiti mo mundo ko ay nagbabago, ikaw nag bibigay inspiration sa nag-iisang ako na nagmamahal sayo...
Hindi ko alam pero ang saya saya ko sa nabasa ko...

Ballon number 2
Wag kang luluha, wag kang malulungkot.. nandito lang ako.

Ballon number 3
Tuwing nasasaktan ka, mas nasasaktan ako.. pwede bang pasayahin na lang kita para makamit ko rin ang kaligayahan ko?

Ballon number 4
Mahal lang kita sapat na ako.. pano pa kaya pag minahal mo rin ako? Wala na siguro akong mahihiling pang iba...

Ballon number 5
Habang binabasa mo to di ko alam ang tumatakbo sa isip mo.. pero sana alam mo ang tumatakbo sa puso ko... Ikaw.

Ballon number 6
Wag kang mag-alala sa iba, aanhin ko sila kung mapupunta ka saken?

Ballon number 7 
Hindi istorya mo, o istorya ko.. pwede bang ating dalawa?

Ballon number 8
Hindi ako ang hinihiling nang marame pero ikaw ang hinihiling ko.

Ballon number 9
Kaibigan noon ... pwede bang ka-ibigan naman ngayon?
 
Hindi ko alam pero ang biles nang tibok nang puso.. hindi ko alam kung sino ang nasa likod nang lahat nang ito pero inaamin kong napapasaya niya ako.. sobra.

Ballon number 10
Natatakot akong saktan ka.. pero mas natatakot akong mawala ka sakin dahil wala akong ginawa para maging akin ka...

Ballon number 11
Hindi ko alam kung tutuloy ka pa ba.. o uurong ka na.. pero tandaan mo, umalis ka man nandito ako handa kung kaylan ka magiging handa...

Hindi ko alam kung aalis ba ako o ipagpapatuloy ang paglalakad...
Hindi ko alam ang nararamdaman ko pero ipagpapatuloy ko to... dahil gusto ko syang pasalamatan...

Ballon number 12
Hindi ako makapaniwala na tinuloy mo at di ko alam ang dahilan mo...
Mahal kita at ito ang dahilan nang ginagawa ko.

Ballon number 13
Sinaktan ka niya noon, halika saken at ako naman ang magpapasaya sayo...

Habang naglalakad ako wala na akong nakitang lobo nagtataka ako...
Biglang naglabasan ang tatlong lalakeng may hawak na rosas at isa isa itong ibinigay sa akin...

"Boom"
Nagulat ako sa pangyayare di ako makagalaw sa kinatatayuan ko... nang makita kong naglabasan ang mga cheerleader may dala silang banner na nakasulat ang number 17...
di ko maintindihan. May meaning ba yung 13 ballons and 3 guys with roses? So.. 13 plus 3 equals 16... 16? 17? Huh? Bakit parang ang gulo?
Nahati sa dalwa ang mga cheerleader na gumawa nang daan para makarating ako sa lalakeng nakatalikod sa akin...
nung humarap siya may cake siyang dala dala na may kandela na 18...
si Neil.
Naglalakad siya papunta sa akin...
nang makarating siya nakangiti ito
"Happy 18th panga" natatawa ito..
pero naiinis ako.. anong gusto niyang ipahalata na malake panga ko?
Kakasura talaga tong lalakeng to.
"Bakit ba panga tawag mo saken?"
"Malalaman mo rin yan.. now make a wish..."
nang paghipe ko sa kandila.. biglang may malakeng screen at nandun ang pictures ko...
nang biglang nagpakita si Neil sa video at may mensahe siya...
"Hey panga...
happy birthday! Sorry di ako narating kahapon kaya naman ito ang ginawa ko for you today... wag mo akong babatukan kase nasa tabe mo lang ako, hihihi diba? Uyyy titingin pa yan... oo panga nasaken nanggaling lahat nang yan, at ako ang may pakana nang lahat nang ito... nagulat ka ba sa mga mensahe sa lobo? Totoo yun panga. Mahal na mahal kita. Alam mo ba kung panga? Kase PANGAko sayo na mamahalin kita, PANGAko sayo na pasasayahin kita, PANGAko sayo na di kita sasaktan."

Di ko alam pero napapaluha ako...
nang tumingin ako sa kanya nakaluhod siya saken...
"Celine Rodriguez will you be my girl?"

Tuloy parinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon