Celine Mahal kita!

64 11 0
                                    

Celine'S POV
"Huy Neil ikaw pala, sorry kulit kase talaga ni Dyn.. yan tuloy, nasaktan ka ba?" pag-aalalang sabe ko sa kanya.
"Matagal na Celine.. pero hindi mo ako nakikita, hindi mo nakikita na nasasaktan na ako..." nagulat ako sa mga sinabe niya na para bang natahimik at wala akong maisagot pero nag bago ang nararamdaman ko nang bigla niyang pagtawa...
"Ano ka ba? Binibiro lang naman kita..." sabe niya saken pero kitang kita ko sa mga mata nya ang sakit na nararamdaman niya.
Neil bakit ngayon? Bakit ngayon lang!

Neil'S POV
Eto nanaman sila, nakita ko nanaman ang babaeng mahal ko na kahit kaylan di ako kayang mahalin.. hayst tandang tanda ko lahat nang nangyare pero mas tanda ko ang sakit na naranasan ko.. pero wala akong pinagsisihan, mahal ko si Celine nang walang halong pero... kahit na alam kong mahal niya parin siya. Eto parin ako, nagmamahal parin at umaasang mahalin nya rin ako...

FLASHBACK
"Huy Dyn ayos na ba ang lahat? Ano? Natawagan mo na ba sya? Ang mga cheerleader ayos ba lahat lahat?"
"Kumalma ka nga Neil... ayos na lahat" binigyan niya ako nang napakasimple pero napakatamis na ngiti...
"Ang swerte nya sayo... mahal na mahal mo talaga sya diba?"
"Oo mahal na mahal... kaya nga ako nag-intay nang pagkakataong ito, noon pa sana... sabay naman sana kameng manliligaw sa kanya pero nauna siya at nakita kong masaya siya sa kanya... wala akong nagawa kase nakita kong masaya ang babaeng pinangako kong mamahalin ko habang buhay at pasasayahin ko... masaya man siya sa pileng nang iba. Tatanggapin ko na lang... pero ngayon. Ako naman. Pagkakataon ko nang sabihen sa kanya ang lahat lahat.. sasabihen ko sa kanya na mahal na mahal ko siya."
Nakita kong nakatalikod saken si Dyn... nung humarap siya ay luhaan sya. Ahahaha si Dyn talaga touch siya sa lahat nang bagay...
"Ang saya saya ko para sa kanya, kase alam kong mamahalin mo siya.."
natatawa ako na napapangiti sa itsura niya.. para siyang bata. Ang nakakabata kong kapated yan ang turing ko sa kanya...
nakapatay na lahat nang ilaw si Celine na lang ang iniitay ko...
Syempre espesyal ang araw na to para saken pero mas lalo na sa kanya...
mamaya maya makikita ko na ang babaeng mamahalin ko habang buhay. 
Nakahanda na ang lahat nang biglang pumasok si Celine...

Tuloy parinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon