Reyna Ko

14 2 1
                                    

Celine'S POV

hindi ako mapakali sa sinabe ko, yan tuloy hindi ako makatingin nahalata nya siguro kaya naman ibinaling niya ang aking tingin sa kanya...

"Celine, pakiulit"

"hindi mo ba napakinggan?"

"dinig ko ang iyong tinig pero masarap itong ulit ulitin mapakinggan, pwede mo bang ulitin?"

"mahal na yata kita"

"mahal din kita, walang halong pagdududa. Mahal kita." sumisikip ang dibdib ko, ang saya saya ko na para bang gusto ko nang lumipad at sumigaw

"Celine, alam kong wala man lang rosas o kahit na anong effort sa harap mo ang nangyayare ngayon pero alam mo naman na mahal na mahal kita, Will you be my Girlfriend, say yes Celine Rodriguez, please."

"Hindi ko kaylangan nang effort Neil, hindi mo na kaylangan gawin yun kase alam kong mahal na mahal mo ako, at hindi ka humihingi nang kapalit simula nung umamin ka saken, lage ka lang nandyan at unti unti mong binuksan ang nakasarado kong mata pero hindi ko kayang sabihen na mahal kita nang buong buo..."

"Celine ako ang mag bubuo nang kulang..."

"yes Neil, Neil Cruz'S Property na ako.. hindi mo alam kung gano mo ako pinasaya ngayon"

hindi ko maintindihan pero lumuhod sya sakin at nakayuko

"Neil anong ginagawa mo?"

"nakayuko ako sa tinuturing kong Reyna, hindi ako makapaniwala na tinanggap mo na ako..."

itinayo ko sya at niyakap ko sya nang mahigpit Neil hindi mo lang alam kung anong saya ang nararamdaman ko ngayon...

kumuwala sya sa pagkakayakap ko sa kanya at kinuha nya ang aking kamay biglang tumingin sya sa bituin at isinigaw ang pangalan ko...

"Neil nasisiraan ka na ba? baka may makarinig sayo, isipin na lasing ka"

"pasensya na, gusto ko lang naman na bantayan ka nila pag wala ako sa tabi mo"

"ewan ko, uwi na tayo" hindi ko mapigilan ang ngiti at kileg.

Hinatid na nya ako samen... nang nasa labas sya nang bahay namen, hindi ko alam kung papapasukin ko ba sya sa loob o magpapaalam na sa kanya, pero nang pagbaba ko nang sasakyan nasulyapan ko na si Mama at Papa na nasa labas na para bang iniintay ang aming pagdating...

"Ma, Pa bakit kayo nasa labas?"
Tanong ko sa kanilang dalawa... na nakangiti naman kay Neil kaya naman napasulyap ako nang makita kong nag ngingitian sila... kinakabahan tuloy ako, kase naman alam ko naman na bawal akong maging masaya, malungkot at masaktan...

"Iniintay namin kayo, para makabati ako kay Iho, sa tagal nyang nag-intay sayo... siguro oras na para naman pasalamatan namin sya sa lahat nang ginawa nya." Tugon saken ni Papa... ha? Anong ibig nyang sabiben?

"Sorry, naunahan na kita sa sobra ko kaseng saya, na text ko na agad kay Tito... pasensya na"
Hay nakow! Natatawa ako pero pinigilan ko, baka kase kung anong isipin nya, baka isipin nya na tinatawanan ko lang sya.. syempre ang saya ko lang na handang handa at ang tapang tapang nya, na kaya nyang harapin ang aking mga magulang... nang walang halong takot. Siguro kase kilala na nya pero alam ko ang ugali nya hindi talaga sya uurong sa ano mang pangyayare kaya rin siguro namamangha ako sa lalakeng to kase naman hindi siya nagpapadala sa takot at hamon nang buhay.
Pumasok na ako sa loob at kita ko rin naman na umalis na si Neil pagkatapos nilang mag-usap ni Papa, hindi naman ako nag-aalala kase alam ko naman kung gano sila ka close kaya okay lang saken kahit umabot sila nang madaling araw mag-usap dun.
Humiga na ako kase napagod ako kanina pero hindi ko ramdam yung pagod at hanggang ngayon ay nakangiti parin ako, hindi ko maintindihan pero ang saya saya ko... naninikip nanaman ang dibdib ko kaya naman napagpasya kong kumuha nang maiinumin.
Pagbaba ko di ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nina Mama at Papa

"Payag ka na ba? Sigurado ka na bang di mo na uulitin yun?" Sabe ni Mama, alam kong ang bastos pero nakatago ako... hindi ko maintindihan pero parang may mali.
"Oo, nakita mo naman ang nangyare noon diba? Ayaw ko sa pagkakamali ko, ako pa ang papatay sa anak naten."
"Siguro kaylangan na nyang malaman ang totoo Pa" tugon naman ni Mama
"Hindi pa ngayon" balik na sagot ni Papa.
Ano ba yun? Nagpakita na ako at parang di naman nagulat si Mama at Papa kaya naman naitanong ko na rin kung anong pinag-uusapan nila
"Ma, Pa anong nangyayare?"
"Masaya lang kame na may nagpapasaya na ulit sayo." Sagot saken ni Mama
"Natatakot kase akong pakasalan ka na ni Neil at mawala ka na samen anak." Sagot naman saken ni Papa na niyakap pa ako...
"Matulog ka na anak, diba maaga pa ang pasok mo bukas? First day na nang school.. matulog ka na."
Sinunod ko naman ang payo saken ni Mama kaya umakyat na ako at pumunta sa aking kwarto...
Umilaw ang aking cellphone kaya naman tinignan ko kung sino ang nag text.. si Neil.

Goodnight, I miss you... see you tomorrow. Iloveyou.

Mensaheng nagdulot nanaman nang kaligayahan saken. Pinatay ko na ang cellphone ko at pinikit na ang aking mga mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tuloy parinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon