(2)

35 0 0
                                    

Jodie's POV

natulala ako sa sinabi ni kara.. talaga palang maha ko si terrence. at mahal din siya ni kara.. ayoko ng makasakit pa.. tapos si kara pa ulit.. paano ito..

"Jodie? Okay ka lang?" ah, si winouise

:"(napaupo) yeah, ayos lang."

"weh, wag mo nga akong maloko loko. Kilala kita mula utak hanggang buto ng daliri sa paa kaya wag mo kong niloloko."

"nakausap ko si kara. Sinabi naman niya sakin yung tungkol sakanila ni andrew (kinwento)

"Oh eh yun naman pala eh bat parang balisa ka?"

"wala lang..."

"its about Terrence?"

"P-Paano mo nalaman?"

"Haller, kalat na kalat na po sa buong bansa na ikakasal ang mga anak ng dalawa sa pinakamayamang kompanya sa pilipinas."

"Ahhh... ganun na pala ka kalat...".

"Jodie..."

"Gusto mo malaman yung dahilan kung bakit di ko pinagbigyan si Andrew? Kasi umaasa ko na maaaring may pagasa pa kami ni terrence. Wala na pala."

END OF POV

Winouise's POV

Naaawa ako sa bestfriend ko habang tinitignan ko siya. Gusto ko man na tanggalin yung sakit na nararamdaman niya, hindi ko magawa kasi wala naman akong magagawa.

"Tara na?" yaya ko sakanya

tinignan ako ni jodie at tumango

Pagdating namin doon, pinaupo ko siya kung saan nandun sina Lourdelyn. Pumunta na ako sa harap para magspeech.

"Welcome! Alam ko medyo masyado na tayong busy ngayon. May kanya kanya ng business. Mga succesful na tao na tayo. Pero maraming salamat dahil nakarating kayo sa reunion na to. Alam ko mga matured na tayo. May mga may asawa na nga dito. Pero diba ang sarap alalahanin ng mga memories nung highschool? Yung masasaya at malulungkot. Na bumuboo ng memories natin noon. At itong school year na ito ang pinakamemorable kaya inimbitahan ko kayong lahat. Have fun guys!!"

Pinuntahan ko sila joanna. Mukhang okay narin yung mood ni Jodie kasi tawa na siya ng tawa. Uupo na sana ako ng may biglang magsalita.. Ang hampaslupang GRO..

. "well well, tignan mo nga naman ang mayari ng siena. Hanggang sa trabaho ba naman dito ka babagsak? Kawawa ka naman." si leonada..

Napatingin ako sakanya. Maganda mood ko ngayon, pero ginagalit ako ng haliparot na babaeng to eh.

"Oh? Atleast ako succesful at may ipagmamalaki. Eh ikaw? Pati ba naman trabaho kalandian parin babagsakan mo? Di ka na nahiya tss. Sabagay pinanganak ka namang may lahing higad." sagot ko naman sakanya

Napansin kong nagtatawanan na ang lahat, sa wakas napahiya ko narin tong malanditerang babaeng to

"Ang hard huh!" sabi ni joanne sakin

"kelan ka pa naging mataray?" tanong naman ni delyn sakin

"Mabait ako noh. Eh nakakaimbyerna po kaya yung mukha niya. Ang sarap gawing clown sa birthday party ko."

END OF POV

Jodie's POV

hahaha oo nga tama. Oyy, kuha lang ako ng pagkain ha. Sobrang nagugutom na ako eh."

Maybe its Destiny: Short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon