Jodie's POV
4th Year hs student na ako at hanggang ngayon napakabitter parin ng mga nakasalamuha kong lover sa buhay ko. Hindi na ako naglove life mula noon. Actually, graduation na namin ngayon. Bitter parin yung top 3 na naging super important sa life ko bukod sa pamilya ko.
Naalala ko pa.. nung 2nd year ako. Si.. Terrence Younghusband
Si terrence, ang super duper crush ko since first year hanggang nung third year ata kami kundi lang dahil sa isang lalaki.. ay basta mamaya hehe!! Ewan ko ba kung bakit ako nainlove sa payatot na yun!! Hindi naman din siya pogi. Pero infairness napagaling magdrums. At isa pa!! Top 1 kami sa bangayan sa classroom. Aso't pusa, mag-asawa kung magaway daw. Syempre ako naman si kilig. Pero di ko pinapahalata. Isang araw, sinabi ko sa kabarkada niya na crush ko si terrence. Eh hinayupak!! Napakaingay ng baboy!! Sinabi. Hanggang sa nalaman na ng buong klase. At ang maganda sakaniya, hindi niya nilalayuan ang tao pag may gusto sakanya. Nagumpisa intrigahin kami dalawa. Pero hindi kami awkward sa isat isa. Pinagtabi kami nung 4th quarter as in yung solo ko siya charot hahaha. Trip nung adviser namin bwisit! Pero hindi kami awkward, todo parin kami sa kawalanghiyaan namin. Kopyahan, harutan at as usual.. ang bangayan.. Naalala ko pa nung picture na pinost ng bestfriend kong si Winouise Cruz nakacollage ang picture namin at ang caption "Lovers in table" doon kasi kami nagbabanagayan at nagkokopyahan haha.
Ang dami naming mga munting alaala.. Madaming klig eksenas... Love confessions.. Basta marami.. Hindi na kami naging magkaklase hanggang 4th year At ngayon, pati nung 3rd year hs walang usap usap. Nakakainis. Pero hindi nawala...
Pangalawa, si Daniel Ramos.. nung 3rd year hs naman ako.
Meron kasi na sumikat na teleserye noon, yung Got to Believe. Si chichay at joaquin. Very romantic. Ah eto, crush ko si daniel.. Mabait siya, gentleman.. Kaya ko siya nagustuhan. Hawig ni Daniel Padilla hahahaha. Lagi niya akong tinatawag na Chichay at batang ipis. Ako naman sa kanya, Joaquin at batang pupu. Yan yung mga tawagan sa G2B noon. Hindi kami katulad nung kay terrence eh. Mahinhin yang si Daniel. Awkward narin siya hanggang ngayon. Hindi narin kami naging magkaklase hanggang 4th year.
At ang panghuli at ang tragedic.. 3rd year din ako. Si Andrew Davidson. Mas bata pala siya sakin ng 1 month..
Si andrew, Kaklase nga pala siya ni bestfriend, Winouise. Si andrew, yung taong hindi torpe, sobrang sweet at sobrang effort. Naging mala-Got to Believe ang love story samin.. Pero hindi yung ending.. Hindi happy ending.. Mabilis masyado ang mga pangyayari.. Ang unang nagpakilala sakin. Si winouse ang naging daan niya sakin para maging close kami. Naging friends kami.. Okay kami.. one time, nagbakasyon siya sa america.. at nagconfess na siya sakin. May gusto na siya sa akin. At nagustuhan ko narin siya. Official MU na kami. Isang buwan ang MU, nabubuhay sa video call dahil nga nasa america siya. Gummybear at carebear ang tawagan namin. Napakasweet namin. At natapos din bigla dahil sa isang away lang. Minsan naiisip ko rin napaglaruan lang ako ng taong yun hahaha. Kasi nung after nung araw na nagusap kami na ayaw na nga namin, friends naang ulit kami, nagMU ulit sila nung babaeng before me. Si Kara Anderson. At ayun, sabi niya maging friends kami.. mas masaya daw iyon. Pero umiiwas siya at ang bitter niya!! Bahala siya ahahaha. Binolock nga ako sa fb, twitter, intagram at skype. Saan ka pa? hahaha. Basta ayun, walang pansinan.. without clear and acceptable explanations..
"Jodieeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Ano na bang ginagawa mo dyan sa CR? Nandito na si Ate Leo, yung magaayos sayo!"
Ay oo nga pala, graduation ko na nga pala. At yung baklushi nandyan na hahaha.
"Opo ma! Patapos na!"
"Bilisan mo"
"Okay!"
Sa School..
Fast forward!!
"CongratualationsSeniors Batch 2014-2015!!" Sabi ng principal naming madre.
"WOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOH GRADUATE NA TAYO!!"
"COLLEGE NA TAYO!!"
"PICTURE PICTURE!"
Sigaw naming mga 4th year..
At nagsihagisan na ng mga graduation caps. Ang saya!
Kanya kanyang, group picture.. At nagpapapicture sa mga kanya kanyang crushes.. Nakita ko si terrence at daniel.. kdot. Si andrew, junior palang kaya di pa siya graduate hehe.
Dito nagtatapos ang highschool life..
BINABASA MO ANG
Maybe its Destiny: Short story
Historia CortaBased on a true story.. and the other parts, based on my friend's dream.