Jodie's POV
Para akong pinukpok ng hallowblocks sa sinabi ni Andrew. anong trip ng galunggong na to? wait saan ko nakuha yun? siguro dahil sawa na ko sa gunggong.
"Oo date, wala kasi akong magawa dito sa bahay eh.."
"Ah ganun so ginawa mo pa talaga akong libangan?" naiinis kong sabi.
"Hindi ah! Gusto ko lang kasi maexplore tong manila, ngayon nalang kasi ako ulit nakabalik dito after ng world tour ko"
wow! world tour! dalawang big word! Saan siya nagworld tour? sa globo? -.- okay korni tama na.
"At talagang ginawa mo pa akong tour guide ha?"
"Jodie naman, gusto lang kitang makasama"
doon na ako natameme. ewan ko ba, may epekto ba sakin yung mga sinasabi niya?
"Uhm jodie?" biglang salita ni Kara.
"Uh wait lang ha.. (kay kara) bakit?"
"Is that andrew?"
"Uhh.. oo?" nagaalangan kong sagot
"Can I talk to him please?"
"Uhh... Uhm.." nagpabalik balik yung tingin ko sa phone ko at kay kara
"Sige.."
kinuha niya yun at agad na lumabas sa dining room. napaupo nalang ako sa upuan ko.
"Masarap ba?"
pagbasag ko ng katahimikan na namamagitan samin ni terrence.
"Ayos lang"
cold niyang sabi. Hindi ko alam kung bakit nagbago yung pananalita niya. Kung normal na terrence yan.. ang sasabihin niya "Hindi ang pangit ng lasa! Nakakawalang gana!" at sasabihin niya yun kapag nakatatlong plato na siya
"Ayos ka lang ba?" tanong ko
"Mukha ba akong di okay?" cold nanaman.
"Yes!" biglang sigaw ni kara pagbalik niya.
"Bakit?" tanong ko
"Pumayag na siya!" huh?
"Pumayag saan?" tanong ko. mukhang hindi naman intetesado si terrence
"DOUBLE DATE!"
Kung kanina para akong nabagsakan ng hallowblocks, ngayon para akong isang babaeng galing sa mental na nakatulala habang nandito ako sa kwarto ko at namimili ng susuotin. double date? nababaliw na ba silang dalawa ni kiara? sinasadya ba nila ito? anong kalokohan to? Naalala ko yung text ni andrew.
"Wear something yellow"
Duh! Alam ko meaning nun noh! Same color kami -.- asa siya. Napatingin ako sa yellow dress na nasa kama na regalo sakin ni winouise nung last b-day ko. may kasamang yellow flats pa yan at yellow headband at necklace at earrings at bag. Wala namang masama diba? so yun nga sinuot ko, pero yung bag at earrings lang ang sinama ko. sobrang pakikay naman ata kung lahat noh. Pagbaba ko, si terrence agad sumalubong sakin. he's wearing a plain blue v-neck shirt, jeans, at vans. Bakit ganun? Bakit sobrang pumogi siya ng ganito? Lumabas si kara ng guest room, she's wearing a white striped blue dress. Simple lang siya, parehas kami na earrings at bag lang ang accesories pero parang nakakaintimidate siya. Maganda kasi talaga siya. Grabe nagsisisi ako sa mga pinagiiisip namin ni winouise @.@ wahaha secret na kung ano yun.
"You look beautiful" nakangiti niyang puri sakin. agad namang napatingin sakin si toby na kanina pa pala ako hindi napapansin.
"Ikaw din" puri ko sakanya. natigilan ako nung nagholding hands sila ni toby. hinalikan pa niya si kiara, kahit smack lang. Masakit kaya!
BINABASA MO ANG
Maybe its Destiny: Short story
Truyện NgắnBased on a true story.. and the other parts, based on my friend's dream.