Jodie's POV
Sobra na akong nakatutok sa movie na pinapanood ko. horror kasi toh and for the first time in my life tinry kong manood nghorror ng magisa. hindi naman pala masama. ayan na hinahabol na ng multo yung bida, hala ayan na!
"Ahhhhh!! Dun! Magtago ka dun!"
sigaw ko na parang ako yung direktor. bigla na lang may kumatok.
"Ayyy! Istorbo naman oh!"
tumahimik naman kaya hinayaan ko na muna. maya maya biglang nagsunod sunod yung katok. padabog akong tumayo mula sa sofa at dumiretso sa pinto. pagkabukas ko, bubulyawan ko na sana kung sino yung kumakatok ng makilala ko kung sino ito.
"Jodie?"
"T-Terrence?!"
napatitig siya sakin na parang gulat na gulat, maya maya napakamot siya sa ulo niya.
"Haha, h-hi jodie"
parang kinakabahan niyang bati sakin. napataas yung kilay ko.
"At anong ginagawa mo dito ha?"
"Um.... bumibisita?" nagaalangang sagot niya.
"Bumibisita o Nambubuwiset?!"
oo na, hard na ko. tanggap ko na yun.
"Hay, papasok nalang oh. Giniginaw na kasi ako dito eh"
huh?! magpapapasok ako ng lalaki sa bahay ko? no way! as in no way! tatay ko nga di nakakapasok dito si Terrence pa kaya?
"Ayoko nga. manigas ka diyan"
"Jodie, please?" pagmamakaawa niya sakin.
napaisip ako, wala naman sigurong masama kung magpatila lang siya ng ulan dito diba? bakit ba kasi ang hard ko sa lalaking to? hay nako.
"Oo na sige na"
pagkapasok niya, pinaupo ko siya sa sofa, inabutan ko rin siya ng towel
"Oh, para mabawasan yung lamig"
nung una tinitigan niya lang yung towel. dahil sa inis ko binato ko nalang sakanya. medyo natawa pa nga siya. pumunta ako sa kusina. ano bang pwedeng ipainom sa lalaking yun para mabawasan yung lamig ng katawan niya? juice, nah malamig yun. coffee? pampaggising yun. tubig? hindi din. milo? eh pampaenergy naman yun. gatas kaya? para sa buto naman yun. ay sabagay for stronger bones yun bagay sakanya para di mabilis magkalas kalas yung buto niya hahahahaha!!! okay serious na jodie. aha! oo nga pala may pang hot choco pala ako dito! bumibili ako ng ganun kasi gustong gusto yun ni winouise pag pumupunta siya dito. ewan ko ba dun kahit summer naghohot choco -.- pagkatimpla ko, agad kong inabot sakanya iyon nginitian niya ako pagkaabot niya nito. dahan dahan niya itong hinihipan at napapagaya na pala ako sakanya. nagulat nalang ako nung ngumisi siya sakin. halaaaaaa!!
"Uh... uhm... ah... ku-kukuha lang ako ng damit hehe"
tumakbo ako pataas ng kwarto ko. ano ka ba naman jodie! focus naman jusko!!! agad kong tinawagan si joanne, delyn at winouise. Conference call.
"May nangungulo nanaman po" Reklamo ni winouise
"Ano ba yun jodie may shooting ako eh" reklamo ni joanne
"May klase ako oy!" reklamo ni delyn.
"Teka pls, nandito si Terrence sa bahay!" pasigaw at nagaalalang sagot
"Ah yun--- ANOOOOOO?!?!?!?!" sabay sabay sila, sakit sa tenga!
nilayo ko yung telepono sa tenga ko dahil sabay sabay silang sumigaw.
BINABASA MO ANG
Maybe its Destiny: Short story
Short StoryBased on a true story.. and the other parts, based on my friend's dream.