(4)

20 0 0
                                    

Jodie's POV

Naupo ako sa kabilang dulo ng sofa kung saan malayo kay Terrence. Sobrang tahimik.. kahit pa nakafull volume na yung tv. Napansin ko na kanina pa siya palinga linga ng tingin sakin. Bumuntong hininga ako.

"Si andrew, oo sweet siya. caring at gentleman na pinapangarap ng napakaraming kababaihan noon at ngayon. Nung una naman, hindi ko naman talaga siya gusto. siya naman yung lumapit sakin, hindi ako. hanggang sa ayun nga, naging friends kami. kinilala ko siya, kinilala niya ako. hanggang sa ayun na nga, inaamin ko naman na nagustuhan ko talaga siya. M.U na kami nun, sobrang sweet sa isa't isa, napakadaming tawagan, videoc call na higit pa sa kung ilang beses ako kumakain sa isang araw. Pero minsan kasi, yung sobrang sweet? sobrang care? parang minsan nakakasakal narin. minsan nakakasawa na. lahat ng tao sa paligid ko, ayaw na mawala yung kung ano mang namamagitan samin kaya pinush ko pa ng todo haha. pero, talagang wala na eh.. wala ng spark. hindi tulad nung ta..."

natigilan ako. muntik ko na palang ipaalala sakanya yung past namin. buti nalang nakontroll ko pa. napansin ko na hindi siya nagsasalita. nakatitig lang pala siya sakin.

"May problema ba?"

tanong ko. ngumisi siya, oh no hindi ko gusto yung ngiting yan ah

"Ang cute cute mo parin ano?"

ha? baliw na ba siya?

"Ano bang sinasabi mo?"

umatras ako, teka nasa dulo na pala ako ng sofa! palapit siya ng palapit.

"Jodie..."

yung boses niya... woooooh! bakit kasi di ako nagpalagay ng aircon dito sa sala?

"T-Terence?"

sobrang lapit na niya sakin. magkadikit na nga yung noo namin, bigla niya nalang ako... well, tinulugan =.= as in magkadikit yung noo namin tapos natutulog siya. hinawakan ko yung leeg niya

"Hala terence! Ang init mo!"

umungol lang siya bilang sagot. pinahiga ko siya sa sofa.

"Teka.."

pumunta ako ng kusina at kumuha ng maliit na palanggana, nilagyan ko yun ng malamig na tubig at ice. kumuha rin ako ng bimpo mula sa bodega. pagkatapos, umupo ako sa tapat niya. pinunasan ko yung braso niya, nilagyan ko ng bimpo yung noo niya. napansin ko na hindi na pala siya payatot. malaman na siya at may biceps na rin. wow ha, nagimprove din pala tong payatot na to. matapos ko siyang punasan, medyo bumaba narin pala yung lagnat niya.

Tinitigan ko siya. Hindi parin siya nagbabago. Hindi siya gwapo, na madalas na hinahanap ng mga babae, including me syempre wahaha aminin! Pero may something sakanya na gustong gusto ko talaga. Hindi ko alam kung ano yun, pero basta. Gusto ko siya, ay hindi... ma..

*ring* *ring*

Napatayo ako nung may tumunog mula sa banyo. Agad ko iyong pinuntahan, ah cellphone ni terrence. kinuha ko iyon para makita kung sino yung tumatawag.

Kara calling.. *Accept* or *Decline*

Natigilan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko, kung sasagutin ko ba o hindi? Pinindot ko yung accept.

"Hello?"

pagbati ko.

"He-- who are you?! Babae ka ba ni terrence ha?! At ang kapal naman ng mukha mo na kunin yung cellphone niya!!!"

sigaw niya

"Si jodie to"

mahinahon kong sagot

"J-jodie? Bakit nasayo yung cellphone ni terrence?"

nagaalalang tanong niya

"Tatapatin kita kara, stranded sa bahay ko si terrence kasi sobrang lakas ng ulan. Nilalagnat pa siya kaya hindi ko siya mapauwi. Siguro bukas nalang"

mukha namang nahimasmasan siya

"Text me the address, susunduin ko siya ngayon din"

"Kara hindi pwede, delikado dahil sobrang lakas ng ulan. itetext ko sayo yung address at bukas ka nalang pumunta. akong bahala sakanya, wag kang magalala"

bumuntong hininga siya.

"Okay fine. basta iupdate mo ako everytime kung kamusta siya ha?"

"Oo sige."

"Salamat jodie."

"Walang problema."

binaba na niya yung telepono. hay... Kinabukasan... Nagising ako sa tunog ng doorbell. Actually, ulit. Nagising na ako kaninang 7 para makapagluto.Tatayo na sana ako mula sa sofa para buksan yung pinto pero naunahan na ako ni terrence. Magaling na pala siya.

"Terrence!! I missed you!!"

niyakap siya ni Kara. tumitig nalang ako sa tv na nakaon parin hanggang ngayon.

"I missed you too.." sagot ni terrence. para akong binagsakan ng napakaraming semento. oo nga pala, may lovers pala sa harap ko. at masakit na makita ko yung sweetness nila. TALAGANG SA HARAP KO PA.

"Oh, jodie.."

ngiti sakin ni kara. hay salamat at napansin niyo narin prisensya ko noh?

"HAHA. Hello"

nginitian ko din siya ng pilit.

"Salamat sa pagaalaga mo kay Terrence ha?"

"Nako wala yun?"

"Sige una na kami ha?"

paalam niya. Doon na ako napatayo.

"Umm, kasi nakapagluto na ako. Kung okay lang, dito na kayo magbreakfast?"

nagkatinginan silang dalawa.

"Sure"

nakangiting tugon ni Kara. Habang kumakain, tahimik lang ako. Habang yung dalawa sa harap ko, naglalambingan.

*Ring* *Ring*

Napatingin ako sa cellphone ko. May tumatawag pero unknown number.

"Hello?"

sino naman kaya to?

"CAREBEAR!!!!!!"

What the..

"Andrew?!?!"

napansin ko na biglang natigilan si Terrence sa pagkain. Si Kara naman nakatitig lang sa pagkain niya pero hindi siya sumusubo.

"Yes naman, natatandaan niya parin boses ko!"

napairap ako

"Baka ikaw lang tumatawag sa akin ng carebear -.-"

"Hmph, nga pala date tayo!" 

nababaliw na naman to..

"DATE?!"

Maybe its Destiny: Short storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon