Chapter2: Bidding

11.2K 313 16
                                    


"Ready kana, Chen? tara na? " na-una nang lumabas ng apartment si Maya

Sumunod na rin ako sa kanya. Pupunta na kami ngayon kay Balyena kasi nga raw isasama niya ako sa event. Naka Fitted dress lang ako habang naka heels. Nag suot rin ako ng necklace,bracelate at earings. Tapos naglagay lang ako ng light make-up at yong buhok ko medyo kinulot ko sa dulo. Kailangan kong mag paganda baka malaking event yong papasukan namin. Ayaw ko namang mag mukhang kawawa.

Kahit naging mahirap ako may mga damit pa naman akong maayos at mga gamit ko na kakailanganin. Atsaka kailangan ko paring mag-ayos sa sarili ko, kahit mukhang daga ang pamumuhay ko. Total Malinis parin ako. Madumi man ang trabaho ko malinis naman ang katawan at konsensiya ko.

Nagpara kami nang taxi ni Maya pagkatapos sumakay agad kami. Sinabi namin kay manong driver kung saan kami pupunta. Sinabi namin sa kanya ang lugar. Doon lang naman sa Club na pinagta-trabahoan namin ni Maya. Nag text kasi si Balyena na doon lang daw kami magkikita.

"Dito nalang po, manong" sabi ko sa Driver

Tanaw na tanaw ko si balyena na sobrang fashionista sa suot niya. Nasa pinto siya ng Club nag hihintay sa akin. Sobrang tahimik ng Club dahil sarado kami ngayon.

"Bayad, manong" inabutan ko siya ng bayad pagkatapos lumabas na kami ng taxi at agad lumapit kay balyena na inip na inip na.

"Bakit ang tagal mo babae. Atsaka bakit kasama mo si Maya!?" masungit na saad niya

Sasagot na sana ako kaso na-unahan ako ni Maya.

"Sasama ako baka kung saan mo dadalhin si Chen"

Umismid lamang si Balyena at tinaasan ng kilay Ang kaibigan ko.

"Wala ka bang tiwala sa akin "

"Wala, kaya nga sumama ako eh" sagot ni Maya, inikot niya yong mata niya at namaypay sa dala niyang pamaypay

"Oh siya alis na tayo baka male-late na tayo" naka ismid parin siya.

Sumunod na kami sa kanya. Sumakay ulit kami ng taxi at sinabi niya sa driver kung saan kami pupunta...

"Caseno!" sabay na sambit namin ni Maya

Nandito na kami sa loob ng Caseno na pinagdadalhan ni Balyena sa amin.

"Akala ko ba event?" takang tanong ko sa mataba. Mag susugal ba kami dito?

"Oo nga event yong pupuntahan natin. Isang Auction Event" sabi niya at na-una nang mag lakad

Nagka tinginan naman kami ni Maya at nag kibit balikat nalang pagkatapos sumunod na kay balyena na feeling donya habang nag lalakad papasok sa pasilyo.

Kung tama ako. Iyong Auction, isa siyang ilegal gambling na kung saan mag bi-bid yong mga tao para bilhin ang isang bagay?

"Mukhang may binabalak ang matandang yan " bulong ni Maya sa akin

Hindi nalang ako nag salita dahil abot-abot na ang kaba ko habang nilalakad namin ang mahabang pasilyo na may kaka-onting taong dumadaan. Marami kaming pinasukan na pinto, nalito na nga ako.

"Takas na tayo" sabi ulit niya

"Wag muna, titignan muna natin kong anong gagawin nang balyena na yan. At kung bakit niya tayo dinala dito" balik na bulong ko

"Pero kinakabahan ako Chen mukhang may balak siyang masama sayo"

"Basta ,Maya, maging alerto lang tayo"

Kahit kinakabahan ako at parang nagsi-sink in na sa utak ko yong pinaplano ni Balyena sa akin. Kinalma ko nalang ang sarili ko. Ewan ko ba, parang may nag tulak sa akin na sundan ang balyena nato at alamin kong ano ang binabalak niyang gawin

Sold To A Superior Vampire (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon