Chapter 7: Falling for you?

166 15 19
                                    

"Kainis! dalawang tao na panira ng araw!" 

"Nadyne? stress ka yata" Sabi ni Raven habang dala-dala ang bag niya, we saw eachother habang nag mamaktol tungkol dun sa weirdo at sa lowly excuse of a human na Jayce na yun. Umagang-Umaga pa nga lang stress na ako. seeing this, Raven got something from her pocket and handed it to me, blinking I saw a anime key chain character which is Yato, na pa smile nalang ako dahil sa small gift niya.

"I lagay mo sa phone mo, kasi plain masyado tignan saka para na din may tignan ka. so.. how was your textmate?" 

"ah..si Chrome?" I tipped my head to the side and shrugged, well actually what can I say? "uhm.. okay lang, normal naman kausap, interesting" 

"I wonder how he would look like?" Raven said while looking up the ceiling as she palced her bag on her desk, I just shook my head instead pero yung question niya sumagi sa utak ko, ano nga kaya talaga .. what would he look like? aminado ako my secret fetish is a guy with glasses, kasi smart looking kasi pag may glasses, someone that really looked so matured. naputol ang day dream ko nang nag salita si Raven.

"Heh.. alam ko type mo yung lalaking may glasses no? saka yung smart and mature, at tahimik at-"

"Ano ba! Rave! you don't have to blurt that out!" sumingit na ako bago pa niya matapos ang sasabihin niya dahil nakita ko na si Jayce na nakangiti sa akin. naku! sana hindi niya narinig yun! aasarin na naman ako ng amoeba na yun! 

"ahh.. kapag ba pag nag salamin ako, magiging crush mo na ako Nadja?~"

Diba? I told you! no need to even think about it, ang alam lang naman gawin ng taong ito ay mang asar, verbal bullying na talaga siya! 

"Hindi ka qualified sa list ko kaya wag kang assuming!" blinking naalala ko yung weirdo kanina dahil sa word na 'assuming' na mas lalo pang nag pa init ng ulo ko.

"Bakit hindi? smart naman ako diba" Tumingin siya kay Raven na para bang nag hahanap ng confirmation which Raven granted dahil tumango  siya habang nakangiti sa akin. hala! anu yun my bestfriend betrayed me!.

"Correction! hindi ka mature! at higit sa lahat hindi ka tahimik! para kang babae ang ingay mo, lahat ng maliit na bagay pinalalaki mo!"

He fell silent for  a moment as if nag i-iisip ng comeback niya which happened, dahil pareho kaming hindi nag papatalo alam ko mahaba-habang usapan to hangang maging away na naman to. 

"Well, wag ka rin assuming na mag kakagusto ako sayo, I don't see any reason to like you, you are not pretty, simple lang.. yung tipong nakikita lang sa tabi, ang besides... chopping board ka" Ngiti niya sa akin habang nakatingin sa.. bastos to ah! my hands automatically went to cover my chest, kapal din ng mukha porke gwapo ang yabang yabang.

"Pervert! kadiri ka! eh bakit ikaw m-"

"Hahaa..tama na baka kasi san pa mapunta yung usapan niyo"  Pumagitna si Raven na nakangiti, kailangan talaga ng time breaker pag kami nag usap dahil walang mag paparaya na umatras. Tumingin si Raven kay Jayce. "Saka Jayce wag ka mag salita ng tapos, naka kasi ma inlove ka talaga dito sa best freind ko"

"Me? No way! kapag nangyari yan Rave, magpapatali ako sa flagpole!" tawa niya habang tumitingin sa akin, si Raven din ay tumawa.

"Sige! deal yan ha! tatandaan ko yan Jayce Reinz! 8:23 am May 16 nag pledge ka sa harap mismo ng mga classmate mo na witness!"

"Rave ano b-" Tumahimik nalang ako ng pumasok na ang teacher at nag simula mag tawag ng attendance, tumingin ako kay Jayce na naka ngiti lang na parang ewan.

At nang dahil sa sinabi niya ay inig nore ko siya the rest of the day, hindi ko pinansin, hindi ko tinignan, buti nalang ka text ko si Chrome habang walang teacher, this situation continued for almost weeks, Si Jayce patuloy parin sa pang- aasar at pgpapahiya sa akin sa class, at naging si Miss runner up ulit ako. I think since I started texting with Chrome nalalabas ko yung mga frustrations ko,tungkol kay mama, sa studies ko.. at nalaman ko din na marimi kaming pagkakapareho. Pero habang tumatagal naging part na ng everyday ko si Chrome, kaya mas lalo akong na curious kung sino ba siya talaga, gusto kong malaman kung sino ang taong to.

Beloved X RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon