Chapter 8: Franz Reinz

347 15 13
                                    

“Nadja~ Nadja~”

Nakakainis! Kanina pa tawag ng tawag ang taong to! Ang sarap na talaga mag mura. Porket siya ulit ang nag top? He is going to slap that title in my face again? Tama po ang narinig niyo? This month siya ulit ang nag Top meron kasi kaming tinatawag na Top student of the month at strike niya lahat yun for three months now. Ewan ko, I tried my best pero parang kulang pa rin.

“Ano ba!? You are so annoying!”

“Wala lang gusto ko lang sana Makita yung irritated mong face” sabi niya habang lumalabas na ang teacher sa room. I just rolled my eyes and shrugged, Ewan ko lang sa taong to kung anong problema niya kulang yata sa attention at pag mamahal. Pero whatever I mean it’s not my business anymore, I don’t want to cross the line the big barrier between us, and we are rivals! When I heard the bell tumayo na ako agad at hinila ang bag ko pati mga notes ko, I need to leave here ASAP! Tumakbo ako sa hallway and sighed. Absent si Raven kaya wala akong maka-usap. Blinking I flinched when I felt vibration, kinapa ko yung jeans ko at kinuha yung phone ko. Napangiti nalang ako sa text. Galing kay Chrome!

[How are you?]

yep aaminin ko crush ko si Chrome o kung sino man ang tao na aka text ko, we both have a lot of things in common, favourite niya ang secondhand serenade, which I liked too! Avid fan kaya ako! Minsan pinag u-usapan din naming ang  mga random na bagay. And to be honest I enjoyed and looking forward to his messages.

[Medyo badtrip.. nakakapikon yung Jayce nay yun! Pinapa mukha niya talaga that im just second and won’t be able to beat him!]

Beside sa pagiging friend he is also my counsellor at pinag sasabihan ng mga problems ko, sa family kay Jayce, sa lahat.. ewan ko ba pero I trust him.

[ok lang yan! I know kaya mo din maging number one!]

Napangiti ako ulit habang nag lalakad pa-uwi, bigla akong napaisip, three months na din kaming nag u-usap at kilala niya ako pero hindi ko siya kilala which is so unfair.. napatingin ako sa phone ko, I didn’t even heard his voice or anything.. kaya bigla nalang akong nag type at ang reply ko ay off-topic.

[Chrome? Bakit ayaw mo mag pakita sa akin?-

“Ano ba!” napasigaw nalang ako ng nahulog ang phone ko, I instantly picked it up to check it’s condition. Hello hindi ako mayaman para makibili agad ng new phone! “Tsk! naman oh! Tingin naman kung san ka dumadaan!” Tinignan ko yung taong nakabanga ko at manlaki ang mata ko si..

“Ikaw!” Turo ko sa lalake na nakabanga ko… siya na naman si Mr. Black guitarist emo stalker! Ang outfit niya ay usually black, black shirt, pants at ang everlasting black dark shades, yung long hair niya nkatali. Kahit kalian hindi ko pa nakita ang mukha ng lalakeng to at wala din akong plano! May mga tao  kayang  ‘Dragonfly’ gwapo lang pag naka shades, meron ding mga taong ‘electricfan’ masyadong mahangin kagaya ng kumag na Jayce nay un!

“Mr. Black guitarist emo stalker! Hindi kaba tumitigin sa dinada-anan mo?!”

“Huh? Mr. black guitar-what? and you again? Ms. Creepy addict.. “

“Ms. Creepy addict? Binanga mo na nga ako!”

“well.. Ikaw naman nag simula mag bigay sa akin ng nickname and oh right, hindi kita binagga, ikaw yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo”

“Ah, Talaga?”

“Bakit? Sino ba may hawak ng cellphone at  nag te-text habang nag lalakad?”

Aray.. tama yata yun ah, napatingin ako sa cellphone ko at napa-iling, nakakahiya ako naman din pala ang may kasalanan dito.. oh God! I need an excuse!

Beloved X RivalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon