Chapter 1: I'm Not Ready

1.2K 14 5
                                    

"I'm Not Ready"

"When i first saw him, i didnt like him. I totally hate him. Kahit anino niya ayoko makita. He's like a devil that lives here on earth. Am i just too hard on him? Well, kung classmate mo siya since kindergarten, you would know what i am talking about here. But behind those naughty acts, pranks and attitudes, there's this responsible, kind, loving and funny person inside him. I didnt know how we became friends, siguro tadhana na rin ang nagbigay ng tulay sa sa aming magkaibang mundo. "

Hindi na napigilang humagulgol ni Cielo at hindi na niya natuloy ang kanyang mga sasabihin. She stared at her husband's wake. Agad na tumayo ang dalawang bestfriend nya na sina Alice at Ellie. Huling araw nalang at ililibing na ang kanyang asawa na si Carl.

Carl died in a motor accident. He and Cielo are married

for two years. And it was not easy for Cielo. She loved him very much and he loved her too. For her, it's the end of the world that she wished na sana isama na rin siya ni Carl sa kabilang buhay. Good thing, andiyan ang mga kaibigan ni Cielo. Alice and Ellie are her friends since elementary days. They witnessed the Hatred turns Love affair between Carl and Cielo.

"Nakakatuwa silang tignan. I still remember when Carl used to hide her bag when we were still in grade 3. At eto namang si Cielo, nahihilo na sa kakahanap. Siyempre, bata. Pag may hindi mahanap na bagay, iiyak na. Hindi ko maalala kung ilang beses pinaiyak ng batang Carl ang batang si Cielo." Kinuwento pa ni Alice ang mga nakakatuwang bagay sa kanyang speech sa burial ni Carl. Nakangiti bagamat naluluha si Cielo sa kwento. At unti unti niyang sinariwa ang mga eksena noong mga panahon na yun.

(Flashback - Year 1997)

Nagpaalam si Cielo sa kanilang guro na pupunta sa CR at pinayagan naman siya nito.

"sige, hija. Pero bilisan mo kasi malapit na mag uwian. Magdadasal muna tayo bago umuwi."

Nagmadaling tumakbo si Cielo palabas.

Naging busy ang lahat sa pag aayos ng kani kanilang mga gamit. Maging ang kanilang guro. Pagkakataon ito para sa batang si Carlito.

"Anong gagawin mo?" sabi ni Johnson. Isa sa mga kaklase nila at matalik na kaibigan ni Carlito.

Noon pa man ay hindi na pabor si Johnson sa mga inaasal nito. They have different insights sa mga bagay bagay. Johnson is quiet and more of a good son type. While Carlito is the naughty kid in town. And yet they've been bestfriends since they become neighbors.

"Wag ka maingay Jojo, baka may makapansin. Wag ka maingay kay Teacher ha." Habang itinatago nito ang bag ni Cielo sa labas ng bintana.

Pagkatapos ay pareho silang bumalik sa kanilang mga upuan. Hindi alam ng batang si Carlito ay nakita siya ni Alice. She was going to confront her when their adviser stood up in front of class.

"Okay class, since andito na si Cielo, Lets Pray."

Hindi namalayan ng batang si Cielo na nawawala na ang kanyang bag.

Nang matapos ang dasal ay akmang aayusin na ni Cielo ang kanyang mga gamit nang mapansin nyang wala na ang bag nya.

Sumigaw siya. Natahimik ang buong klase. Maging ang kanilang guro ay naalarma din. Agad na lumapit ang kanilang guro sa natatarantang si Cielo. Sinabi nya ang dahilan ng kanyang pag sigaw. Lumapit naman si Alice sa kanilang guro.

"nakita ko po si Carlito. Tinago niya ang bag ni Cielo sa labas ng bintana."

Tatakas sana ang batang si Carlito. Pero nahuli na siya ng kanilang guro. Ibinalik nya ang bag at isinama siya sa principal's office.

Almost Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon