Chapter 11: The Truth

168 6 0
                                    

Nagkagulo ang mga tao sa loob ng Reception venue nang biglang sugurin at sapakin ni Martin si Eri. Napaupo ito sa sahig dahil sa lakas ng impact ng suntok. He never punched back. He understands him. Kahit siguro siya ang nasa kalagayan nito ay gagawin rin niya ito.

"Hayop ka! Minahal ka niya. Tapos iniwan mo lang siya ng ganon ganon lang? Hindi mo man lang siya nagawang ipaglaban sa mga magulang mo! Anong klaseng lalaki ka?" Martin sarcastically said.

"Alam ko maling mali ang ginawa ko. Pinagsisihan ko iyon ng halos isang taon. At hanggang ngayon nag sisisi pa rin ako, Martin. Kaso mukhang wala na at huli na ako." Hindi napigilan ni Eri ang mapaluha.

"Hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal niya, Eri. Naiinggit ako sayo pare. Kasi, buntis siya nung makilala ko. Ako ang tumayong ama sa mga anak niya. Kahit na hindi ako magawang mahalin ni Cielo na katulad ng pagmamahal niya sa iyo, binalewala ko yun. Inisip ko nalang yung pagmamahal ko sakanya." Napaluha na rin ito. Nasasaksihan ni Cielo ang lahat ng mga kaganapan. Wala na siyang lakas para pigilan pa ito. Alam nyang malalaman din ni Eri ang totoo.

Natigilan si Eri sa mga nasabi ni Martin. Unti unti niyang napagtanto ang lahat. He is the father of the Twins.

"You mean... I.."

"Oo, Eri. Ikaw ang Ama ng mga anak ni Cielo. Hindi niya nagawang sabihin sayo, natakot siya na baka iwanan mo ulit siya. Kasi alam niyang duwag ka."

Martin walked out the venue. Sumunod naman si Cielo kasama ang kanyang mga anak.

Hanggang sa makauwi si Eri sa kanyang condo ay iniisip pa rin niya ang mga nalaman niya mula kay Martin. Ang laki pala talaga ng kasalanan niya kay Cielo.

On the other hand, Cielo was pressured too. Hindi rin siya makatulog sa nangyari sa reception kanina. Aside from crashing the wedding after-party of Angela, the truth came out. Pero, gumaan din ang pakiramdam niya kahit paano. She's just looking forward kung ano ang mga gagawin ni Eri sa mga susunod na araw ngayong alam na nito ang totoo.

She was about to go to sleep nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. May nag text. It's from Eri.

"Cielo, im so sorry for what happened earlier. I didnt mean to hurt you. I just want to clear things up. Meet me tommorow sa plaza. 3pm. I'll be waiting for you. Goodnight." Iyon ang nakalagay sa message. Hindi na ito nireplyan pa ni Cielo. Until now, she's still hurt sa mga sinabi nito sa kanya.

On the next morning, pinag iisipan pa rin niya ang imbitasyon ni Eri. Nagdadalawang isip siya to face him after what happened sa reception.

"Give him a chance anak. Everybody deserves a second chance. Besides, he's the father of the twins." Her mom said.

"Ma, madamot ba ako? Masamang tao na ba ako kung ipagdadamot ko sakanya ang mga bata?" Cielo asked.

"No, anak. Kasi hindi mo gagawin yun. Hindi ganyan ang pinalaki kong anak. You see, kahit marami siyang pagkukulang, karapatan pa rin niya makilala ang mga bata, he didnt know that you were pregnant then, sa pagkakakilala ko kay Eri, he is a good man. Kung alam lang niya, hindi siya sumama sa mga magulang niya." She smiled. Napag isip isip din niya ang sinabi ng ina. She hugged her tight. And she say thank you for always guiding her.

She decided to meet Eri at the plaza.

Paalis na sana siya ng bahay nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Its already 5 pm in the afternoon. She doubted kung andoon pa si Eri ng ganoong oras and besides umulan pa ng malakas. Malamang wala na ito roon. But she has this feeling na kailangan niyang tumuloy. So, she grabbed her jacket and umbrella at tumuloy pa rin. Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan papuntang park.

Nang dumating siya sa park ay agad niyang hinanap ito. She didnt see him everywhere. Then, naalala niya ang bench. She immediately went there.

Tama nga ang kutob niya. Eri was there. Sitting at the bench. With a bouquet of flowers sa tabi nito. Basang basang na ito sa ulan. Cielo cant believe that Eri actually waited there for an hour kahit na umulan pa ay hindi ito umalis. She was not expecting anything like that. Nilapitan niya ito at pinayungan.

"Oh Cielo, anjan ka na pala. Uhm. Sorry. Basa na yung mga bulaklak. Hindi ko kasi expected na uulan kaya hindi ko tuloy napabalot sa plastic. Okay lang, itapon na natin." He explained.

"Eri, anong ginagawa mo? Hindi mo ba naisip na pwede ka magkasakit sa ginawa mo?" She's worried sick about him.

"I just felt na pupunta ka. That's why i waited for you."

He smiled. Ang gwapo pa rin nito kahit na basang basa sa ulan at mukhang basang sisiw.

"Halika nga dito, doon tayo sa mag usap sa loob ng kotse." Hinila niya ito papunta sa kotse niya.

Kumuha siya ng tuyong towel sa emergency kit niya at ipinunas ito sa basang basa na mukha ni Eri.

"Wow. Emergency kit?" Ngumiti ito.

"Oo, para ito sa kambal, kung sakali na magkalat sila, i'm ready. Yan ang isa sa mga natutunan ko when i had them. Kailangan lagi kang handa." She smiled.

"Is it okay kung.. Uhm, if i removed my shirt?" Nahihiyang sabi nito.

Pumayag si Cielo at tumalikod nalang. She had no choice. Baka pulmonyahin ang tao kung hindi nito tanggalin ang basang tshirt niya.

Ibinalabal nalang nito ang towel sa katawan niya para hindi mailang si Cielo. Nag umpisa na itong magsalita.

"Im sorry Cielo. Kung hindi ko kayo napanagutan ng mga anak ko, i didnt mean to..." Hindi pa tapos magpaliwanag si Eri ay nagsalita na si Cielo.

"I'm sorry too. It's my fault. Hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil natakot ako. Kasi baka hindi mo matanggap." Hindi niya napigilang mapaluha.

"Paanong hindi ko matatanggap? Mahal na mahal kita, Cielo. Alam mo yan. Kung nalaman ko lang, babalik ako agad. Kahit na pigilan pa ako nila mama. Babalikan kita agad." Hindi na rin napigil ni Eri ang sariling mga luha sa pagtulo.

"Mahal mo pa rin ako? Eh si Claire?" She asked.

"Diba sinabi ko na sa iyo, Claire is just a friend and workmate sa canada. Ikaw nga itong nagsinungaling sa akin, you told me that Martin was your husband." He exclaimed.

"Nagawa ko lang naman yun kasi ayokong isipin mo na mahal pa rin kita eh." Yumuko ito sa sobrang hiya.

Eri laughed. He knows na mahal pa rin nila ang isat isa.

"Talaga? Mahal mo pa rin ako?" He said.

She nodded. Yes, all this time, mahal pa rin talaga nila ang isat isa.

Eri touches her face. He's about to kiss her. Cielo felt nervous, its been a year since the last time she's been kissed. She couldnt say no dahil gusto niya rin.

Their lips pressed into each other. Naging mainit ang kanilang first official na pag uusap. Eri turned off the lights. He locked the car doors. He began unzipping her dress. Cielo didnt mind. All she knows is she's happy right now and she's willing to give herself to Eri, once again. And it happened.

(END OF CHAPTER 11)

Almost Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon