Chapter 9: The Unexpected Meeting

153 6 0
                                    

One year passed.

Cielo gave birth to a cute and healthy twin babies.

Parehong lalaki ang kanyang mga anak. She named them, Erickson and Carlo. Sinunod niya sa pangalan ng mga lalaking minahal niya. She decided that surname niya ang ipapagamit niya sa kanyang mga anak. They're turning one year old today. Next week is Angela's wedding day. Tuwing naaalala niya ang kasal nito ay naaalala niya rin ang nalalapit nilang pagkikita ni Eri. One year na rin silang walang communication. She never dared to sent an email to him, and so does he. She expect na may sariling buhay na rin ito sa canada. Baka nga may asawa at mga anak na rin ito.

Abala si Angela sa paghahanda sa gagawing birthday party ng kanyang mga anak. Nakapag pa reserve siya sa isang fast food chain kung saan gaganapin ngayon ang party in a few hours

With the help of her bestfriends and Her mom, mukhang magiging successful ang party.

But not only them was involved in the preparation.

"I did the banners." Martin said. Tapping her shoulders.

She met Martin at the christmas party of their company last year. And now, he's part of the company bilang Marketing Supervisor.

Masugid na manliligaw niya ito. But she is still not ready na magmahal muli. Martin is nice and caring. Gwapo rin ito. Matangkad and he's neat.

"Dont worry, i'll pay you for those." She laughed.

"A date will do." He smiled.

"Hmm... I'll think about it." She tapped his shoulders and walks away.

All set. Ten minutes before the party starts. Nagdadatingan na rin ang mga bisita. And they're setting up.

When the visitors are completed they start the party. Umpisa palang mukhang magiging successful ito. And she's right. The party was a blast.

Nang matapos ang party, isa isa nyang nilagay sa isang malaking bag ang mga gifts. Naging hands on din siya sa pagliligpit. From their party room, makikita ang ibang customers na kumakain sa fast food na iyon. Habang abala siya sa pagliligpit, nakaramdam siya ng pagod kaya she stopped for awhile. Pumunta muna siya sa restroom.

Napansin niyang namumutla na siya kaya kinuha niya ang red lipstick niya sa bag at ipinahid ito sa kanyang mga labi.

Suddenly, a woman came in at nanalamin din ito.

Mukha itong galing sa ibang bansa. From the way she dressed and the color of her hair. Maganda at sexy ito pero mukhang mataray. Marami na rin kasing nag iba sa mga features niya simula nung nanganak siya. Kaya hindi niya maiwasang mapatingin sa ibang magagandang babae.

"Miss? I'm sorry but i hated it when someone is staring at me while i'm putting my lipstick on." She sarcastically said.

"Sorry." Nagmadali siyang lumabas at bumalik sa party room. Nakita niyang lumabas na ang babae at pabalik na ito sa kanyang table. Sinundan niya ito ng tingin. Nakita niyang may kasama itong lalaki. Nakaputing short sleeves na polo. May jacket at helmet ito na nakalagay sa isang silya sa tabi nila. Familiar sakanya ang polo na iyon pero inisip niya na baka nagkataon lang dahil marami naman ang ganoong polo sa mundo. Kahit mejo malayo siya ay nakita pa rin siya ng supladang babae. Inirapan siya nito at itinuro sa kasamang lalaki. The guy turned around. At laking gulat niya. Maging ang lalaki ay na shocked din. Napatayo pa mga ito sa kinauupuan niya. She didnt expected this. Not this time.

Ibinilin niya sa mga yaya nito ang kanyang mga anak. And she ran outside. He followed her.

"Cielo, wait." He shouted.

Wala nang magawa si Cielo. Tumigil siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya kayang humarap.

"Eri, please. I've moved on. May mga anak na ako."

Pinuntahan siya nito at humarap sakanya. Walang nagbago kay Eri. Gwapo pa rin ito. Lalo siyang nahiya dahil ang tingin niya sa sarili niya ay losyang na dahil nadagdagan ng konti ang kanyang timbang.

"Maganda ka pa rin, Cielo. Ang swerte ng napangasawa mo." He smiled as he touches her hair.

Hindi niya masabi dito na wala pa siyang asawa at anak nito ang mga batang nasa loob ng fastfood chain.

"Pwede ko ba makilala ang asawa mo?"

"Ha? Ah eh.... Kasi... Wala pa..." She was gonna tell him the truth nang tawagin siya ni Martin na nakatayo sa may entrance. Lumapit ito sa kanilang dalawa.

"Sino siya?" He asked while staring at Eri.

"Siya ba ang asawa mo? Hi, pare. Ako si Eri."

He extended his hand at malugod naman siyang kinamayan ni Martin.

"Yes, siya ang asawa ko, si Martin." Cielo blurted.

Nagulat si Martin sa sinabi ni Cielo but that moment made him happy.

"Eri? Oh, my wife's ex? Ikaw pala yon. I heard so many things about you." May pagkasarkastiko ang tono nito.

Napatingin si Eri kay Cielo. Pero binawi rin ito ni Martin.

"Dont worry, i only heard good things. Bakit may mga bad things ba? Hahaha! Just kidding, bro."

Napangiti nalang ito sa malamang biro ni Martin.

"Eri? What's happening there?" Papunta sa kinatatayuan nila ang babaeng kasama ni Eri.

"Oh?! You again? Eri, magkakilala ba kayo ng babaeng ito?" She sarcastically said.

"Uhm, Cielo, Martin, this is Claire. She's my friend from Canada. Nagbabakasyon din siya dito kasabay ko." He smiled

Claire drew a fake smile. Its obvious that she doesnt like Cielo at all. Nagyaya na rin itong umalis kaya nagpaalam na si Eri sa kanilang dalawa. Nag aya na ring umuwi si Cielo.

Hindi mapigilan ni Cielo ang maluha sa unexpected meeting na iyon nila ni Eri. Hindi pa pala siya handa na makita ito ngunit nangyari ang dapat mangyari. Mahal pa rin niya kasi ito hanggang ngayon. Pero sa nakita niya na may kasama itong babae naisip niyang tama ang hinala niyang nakamove on na ito.

"Diba sabi niya na kaibigan lang niya yun? Why didnt you told him the truth?" Martin said while driving.

Nasasaktan din siya sa nakikita niya. Alam ni Martin na mahal pa rin ni Cielo ang kanyang ex at ang ama ng mga anak niya.

"Imposibleng kaibigan lang niya yun, Martin. Maaring nagsinungaling lang siya. Just like what i did. Sorry ha. Nadamay ka pa." She smiled.

"Its okay, basta para sayo, Cielo."

Napakabait talaga ni Martin. Sana natutunan nya nalang itong mahalin para tapos na ang pagdurusa niya.

(End of Chapter 9)

Almost Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon