Chapter 10: Fearless Confrontation

152 5 0
                                    

"Yaya, Doon muna kayo sa bahay ha. Ipapasundo ko nalang kayo pag reception na." Cielo said as she instruct her two nannies of her twins.

This is the day. Angela's wedding.

Ito dapat ang araw na pinaghandaan niya ng almost one year. Pero kahit nagkita na sila ni Eri ulit, kinakabahan pa rin siya. At ayaw niyang maulit ang nangyari sa birthday party ng kambal niya.

"Wag nalang kaya ako tumuloy?" She told Alice.

"Gaga! Kung dahil lang kay Eri, unfair naman sa ikakasal." She sarcastically said.

"Oh ayan na pala si Martin eh." Ellie said when she saw Martin's car.

Sumakay silang tatlo sa kotse nito.

Halatang kinakabahan si Cielo. Napansin ito ni Martin kaya hinawakan nito ang malamig niyang kamay.

"Cielo, are you okay? Are you nervous dahil makikita mo ulit ang ex mo?"

Ellie and Alice got confused. They have no idea sa sinabi ni Martin.

"What do you mean by ulit? Cielo, may hindi ka ba kinukwento sa amin?" Alice said. Bumaling ito kay Cielo.

"Oo nga. Bakit hindi ka na nagkukuwento sa amin? Ano yan? Akala ko ba secret ng isa, secret nating tatlo?" Ellie blurted.

"Sorry guys. Hindi ko na naasikasong ikwento sainyo. Hanggang ngayon kasi gulat pa rin ako sa nangyari eh. I didnt expect any of them to happened sa birthday ng anak ko." Cielo turned around to face her friends.

She tells them what happened.

"Whaaat? Nagkaroon kayo ng unexpected encounter after the party of baby kambal?" Nanlaki ang mga mata ni Alice.

"And you told him na asawa mo etong si boss Martin?" Ellie blurted.

"Anong magagawa ko, tutal he assumed na asawa ko itong si Martin, edi sinabi ko na. Tutal may kasama din naman siyang girl eh. Malamang girlfriend niya talaga yun." Cielo smiled.

Napailing nalang ang dalawang kaibigan niya sa kapraningang ginawa niya.

Maya-maya lang ay dumating na sila sa simbahan. Marami nang tao ang naroon. Napakaganda ng palamuti ng simbahan. Naalala niya tuloy nung ikinasal siya kay Carl. That was the best day of her life. Wala na atang mas masaya pa roon. She smiled.

Sa kabilang upuan nakaupo si Eri at Claire. Nakita siya ni Eri at tila napako ang mga mata niya kay Cielo. Ang ganda pa rin talaga nito. Dahil alam na niyang siya si Carl, sinariwa rin niya ang alaala ng kanilang kasal na pinakaimportanteng nangyari sa buhay niya.

"What's the matter, Eri?" Napansin ni Claire na nakatingin ito sa kabilang upuan. There she saw Cielo and her company.

"Andito nanaman siya? Bakit ba lagi siyang nandiyan kung nasaan tayong dalawa? Sinusundan niya ba tayo?" She sarcastically said. Hindi siya pinansin ni Eri at patuloy pa rin sa pagtingin sa dating asawa at girlfriend.

Natahimik ang lahat nang maglakad na ang bride sa aisle. Napakaganda ni Angela sa kanyang wedding gown. Ang laki na rin ng pinagbago nito. Naging palangiti ito. Halatang masaya na siya sa piling ng mapapangasawa.

Sa reception, hindi magawang lapitan ni Eri si Cielo dahil laging nasa tabi nito si Martin. Buong akala niya talaga ay asawa talaga ito ni Cielo. Nagpaalam muna si Eri kay Claire na pupunta sa restroom.

While on his way, he noticed the two nannies na nagkukuwentuhan sa sulok. May karga silang mga natutulog na bata, ang kambal na anak nila ni Cielo. Noong una ay parang may hesitation siya sa paglapit sa mga bata pero naisip niyang wala namang mawawala kung lapitan niya ang mga ito.

"Ay mare, tignan mo yung lalaki o.. Ang gwapo.." Sabi ng isa sa mga nannies.

"Teka 'day, mukhang papalapit ata dito. Mukhang kukunin ang number ko." Sagot ng isa.

"Ambisyosa, baka ako ang lalapitan, hintayin mo nalang."

Kahit karga nila ang mga alaga nila ay inayos nila ang mga buhok nila.

"Hi mga ate. Mga anak ba yan ni Cielo?" He smiled.

"Hi kuya, oo, eto si Erickson. Siya ang panganay. Pero 1 minute lang ang tanda niya." Hinarap nito ang mukha ng bata. May kakaiba siyang naramdaman ng makita niya ang maamong mukha nito.

"Eto naman si Carlo. Mabait ito at palatawa." Hinarap din ito sakanya ng yaya nito. Ang saya ng pakiramdam niya nang makita nya ang kambal. Tila may kumumpleto sa kanyang pagkatao. Hindi rin niya maintindihan ang naramdaman.

"Eri..." Tinawag siya ni Cielo. Pagkatapos ay nagpunta ito sa sulok kung saan wala masyadong tao. Sumunod naman ito sakanya.

"Anong ginagawa mo?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Gusto ko lang makilala ang mga anak mo. Kamukhang kamukha mo sila." He smiled.

"Eri, tahimik na ang buhay ko. Bakit ka pa bumalik?" Pinipigil ni Cielo ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Sana nga hindi nalang ako bumalik eh. Marami na pala ang nagbago. At saka bakit galit na galit ka sa akin? What did i do to you?" He's confused.

"I'm not mad at you. I'm just dissapointed. Umalis ka nang hindi man lang nag paalam, parang wala lang ako sa buhay mo. Tapos ngayon babalik ka?"

"Alam mo naman ang situation noon diba? Masyadong complicated. Ang mga magulang ko andito. Wala ako magawa, Cielo. Kung alam mo lang na gustong gusto na kita yakapin nun sa airport. Pero hindi ko magawa. Kung meron man siguro akong kasalanan dito ngayon, yun siguro ang hindi kita naipaglaban sa kanila." Napaluha na ito sa sobrang pressure.

Natigilan si Cielo. She felt the sadness and pain inside Eri's heart. Hindi na siya nakakibo. He's right. Wala siyang kasalanan. Walang may kasalanan.

"Bakit hindi ka makasagot, Cielo? Sa totoo lang, dapat magalit ako sayo. Kasi sabi mo ako lang, na maghihintay ka sa pagbabalik ko. Na ako pa rin ang mamahalin mo. Pero what happened? One year lang! For godsake! Hindi mo nahintay? Nagpabuntis ka na agad sa Martin na yan? Bakit? Anong meron siya na wala ako? Mas magaling ba siya sa akin?" He blurted.

Hindi nakapagpigil si Cielo at nasampal niya si Eri. Napalakas ang sampal niya rito. Punong puno kasi ito ng tensyon.

"Wala kang alam sa mga pinagdaanan at pinagdadaanan ko ngayon, Eri. Kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ko ng ganyan." She cried and went outside the Reception venue.

Naiwang tulala si Eri. At that moment, narealize niyang naging harsh siya kay Cielo. He wanted to follow her and say sorry. But its too late. He already hurt her feelings.

Nakita ni Martin na palabas ng venue si Cielo na umiiyak. Binitawan niya ang hawak niya baso at agad na sinundan ito.

Nang makita siya ni Cielo, ay hindi na ito nagsalita. Bigla nalang itong yumakap sakanya. Naramdaman nya ang kabog ng dibdib nito habang nakayakap sakanya.

He already knew who was responsible for this.

Pinatahan niya muna si Cielo at nagmadali siyang pumasok sa loob ng venue.

(End of Chapter 10)

Almost Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon