Salamat Sa'yo

25 0 0
                                    

Salamat Sa’yo

 Ako’y nasa isang sulok at umiiyak

Ng may isang taong lumapit

At tinanong kung bakit

Pero tuluyan na lang tumahimik

Dahil sa sakit na sinapit…

Sandaling ako’y tinitigan

Tinabihan niya ako hanggang sa ako’y tumahan

Kinuha niya ang panyo niya’t ang luha ko’y pinunasan

Ako’y nabigla nang ako’y kanyang hinagkan

Yon pala’y gusto lang niya akong damayan

Bigla na lang tumulo muli ang aking luha

Hindi ko alam kung bakit

Pero may nararamdaman na ginhawa

Dahil sa pagmamalasakit

Ng isang taong sobrang bait.

(nakilala ko pang mas lalo si Lord God nang maging member ako ng CFC YFC – Youth For Christ… I really enjoy it… promiz!) September 3, 2006

Collection of Poems Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon