Ang Nanay Kong Multo!

16 0 0
                                    

Ang Nanay Kong Multo!

Minsan ako’y nanood sa isang sinehan

Paborito ko kasi ang katatakutan

Pero ang antok ay di man lang napigilan

Ang palabas ay tuluyan nang natulugan

Sa pagkakahimbing ay napanaginipan

Ang isang lugar na balot ng kadiliman

Isang araw nagpunta ‘ko sa kagubatan

Nang isang saglit meron akong nasinagan

Isang dalagitang sobra sa kaputian

At nang makita ko’y agad kinilabutan

Ang aking mga mata ay agad kong tinakpan

Upang mawala sya sa aking harapan

Di ko maintindihan ang nararamdaman

Sa palagay ko ako’y kanyang tinabihan

Nanginginig ang aking buong katawan

Sa pag-aakalang ako’y kanyang sasaktan

Nagdesisyon na lang ako na sya’y takbuhan

Nang sa gayon tuluyan na siyang lumisan

Subalit bigla na lang akong kinabahan

Nang unti-unti niya akong nilalapitan

Nabigla ako kaya’t ako’y natigilan

Lumitaw na pala sya sa aking harapan

“Bumangon ka na,” ako’y kanyang sinabihan

Dugtong pa niya “,malapit nang magtanghalian.”

Nang makita kong nasa sariling tahanan

Ang nanay ko agad ang aking nabungaran

Hindi pala ako pumunta sa sinehan

Panaginip lang pala ang mga naranasan.

[ I try to made this para sana sa Dimension kasi kailangan nila ng humorous article..at nagawa ko pero di ko nai-submit dahil naiwan ko sa bahay kaya gumawa na lang ako ng panibago and that’s “Locker”]

Collection of Poems Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon