Ballpen

11 1 0
                                    

Ballpen

Dahil sa ballpen, kami’y nagkakilala

Araw ng exam noon nang kami’y magkita

Paglapit niya sa aki’y di ko napuna

Pabulong niyang sinabi sa akin ang pakay niya

“Pwede bang humiram ng ballpen?” tanong niya

Hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya

Parang hindi ko narinig ang sinabi niya

Para akong nawala sa sarili nang makita siya

Inulit niya ang kanyang tanong at ako'y namula

Kumuha ako ng ballpen sa bag at ibinigay sa kanya

Ngumiti siya at nagpasalamat, ako nama'y hiyang-hiya

Pakiramdam ko tuloy nagmukha akong tanga

Nang makaalis na siya bigla na lang akong sumaya

Love at first sight” kung baga

Laking pasasalamat ko sa ballpen kong extra

Dahil dito, nahanap ko ang aking tadhana.

(Para sa mga babaeng “girls scout” ika nga...magdala kayo palagi ng ekstrang ballpen..malay nyo mahanap niyo na ang prince charming niyo...ooohhhaaa,oooohhhaaa)

Collection of Poems Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon