Locker

12 0 0
                                    

Locker 

Matagal na tayong magkaibigan

Nagkukuwentuhan at nagtatawanan

Kaya’t hindi ko alam ang mararamdam

Sa pag-ungkat mo ng tungkol sa pagmamahalan

Ayoko na sanang lumala ang gulo

Kaya’t napagdesisyunang lumayo na lang ako

Hindi ko na kasi matanggap ang pinagsasabi ng tao

At ayoko rin na masaktan ang puso

Isang araw, sa locker ako ay nagtungo

Nakita ang kapirasong sulat ‘Para sa kaibigan ko’

Binasa ko at napakunot ang noo

Dahil sa mensaheng nakasaad dito

“Bakit mo ako nilayuan?

Nasayang tuloy ang ating pagkakaibigan

Hindi ako ang gusto kang ligawan

Kundi ang kapatid kong noon ay ating pinag-uusapan."

Collection of Poems Part 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon