Chapter 1

1.5K 35 0
                                    

Habang busy ako sa paghahalungkat ng mga gamit,nakita ko ang larawan ng buo kong pamilya.Si mama,si papa at ako.Emily Saavedra ang pangalan ko at ako lng naman ang nag-iisang anak ng isang pamilyang maykaya sa buhay na nakatira sa isang malaking subdibisyon.Mahal na mahal ko sila kahit na hindi ko sila nakakasama sa bahay.Si mama ay laging busy sa opisina,si papa naman ay palaging wala dahil sa kanyang pagiging real agent ng isang land company.Tuwing umaga,madalas ako lang yung kumakain sa hapagkainan,nag-aayos ng mga gamit pang-iskwela at mag-isang tumatahak sa daan patungo sa sa aking pinapasukang unibersidad.Nag-aaral ako bilang isang Grade 11 student at sa susunod na taon,makakatapos na rin ako sa sekondarya.Minsan naman pag maaga uuwi si mama,si papa naman ang wala kaya hindi ko alam kung kailan makukumpleto ang aming pamilya.Nagpapasalamat nga lang ako dahil may katulong kami,si Yaya Bining.Siya madalas ang gumagawa ng mga gawaing bahay at nag-aasikaso sa akin.Kaya masasabi mung napakalungkot talaga ng buhay ko.Napabuntunghininga nalang ako at napaisip kung swerti ba talaga ako sa pagiging isang mayaman.Mabuti pa yung iba,kahit naghihikahus sa buhay,masaya pa rin sila.
******************************
Masasabi kong nag-iisang tao lang talaga ang nagiging lakas ko sa buhay.Ang taong to ay ang nag-iisang walang hiyang bestfriend/boyfriend kuno ko  kahit  hindi ko alam na may relasyon kami..Hihi Pero isa lang gusto ko sa kanya,walang bisyo,magalang,palabiro at ang mahalaga,iniingatan ako parang isa akong bagay na madaling mabasag.Pinahahalagahan niya ako na para bang isa akong napakaimportanteng bagay sa mundo.Hindi ko man maipapakita ng lubos ang aking damdamin para sa kanya,nasisiguro ko naman na hindi ko  ipagpapalit kailanman ang taong ito.Ang aking Carlo Ramirez..
Nang minsan,nagyaya si Carlo na magjogging kami,alas-4 palang ng madaling araw gising na ako.Sinuot ko ang aking makapal na jogging pants na tinernuhan ng kulay asul na jacket.Nagdala na rin ako ng tshirt saka cardigan para may gagamitin kapag mapawisan kami ng sobra.Pagtanaw ko sa aking relo ay saktong alas alas kwatro-imedya na ay dali-dali kong tinungo ang alarm button at in.off ko to.Isinara ko ang pinto at dahan dahang naglakad palabas ng bahay sa takot na mahuli nila mama at papa.Tulog pa naman si yaya kaya kumbinsido akong tumakas sa bahay.Wala rin naman silang pakialam sa akin kung saan ako magpupunta.Pera lang talaga ang inaalala nila.Kaya matagal na akong sanay sa aming buhay.Binibigyan lng nila ako ng pera para ibili kung anuman ang gustohin ko.Narating ko na din ang gate at hindi ko na inabalang ilock para pag makabalik na ako sa bahay,madali ko lang itong pasukin.Naghihintay na ako ng taxi nang marinig ko ang cellphone ko sa bulsa kaya sinagot ko ito"oh,asan ka na ba??Sa tono pa lang alam ko na si Carlo na ito.Hininaan ko nalang ang boses ko para hindi ako marinig ng kung sino sa loob ng bahay.
"Naghihintay na ako ng taxi"sagot ko.
"Susundin nlng kita para hindi ka na mahirapan,alam mo namang mahal kita diba"nagpapacute na sabi niya.
"A,sus wag mo na akong bolahin Carlo,alam kong dumadamoves ka lang sakin eh!cge na maghihintay ako dito"bulyaw ko sa kanya sabay pinatay ang tawag.
******************************
Third Person POV
Walang kaalam-alam si Emily na habang naghihintay siya kay Carlo,may dalawang taong nakasuot ng bonnet na pumasok sa loob ng backdoor sa likod-bahay.Maingat sa kani-kanilang mga kilos ang mga taong mapagkakamalan mong mga akyat-bahay dahil suot na maiitim na bonnet.Pagdating nila sa kwarto ng yaya,agad nla itong sinakal at tinakpan ang bibig ng isang panyo na nilagyan ng pampatulog at agad nawalan ng malay ang katulong.Pagkatapos,tinungo nila ang  master's bedroom kung saan mahimbing na natutulog ang mag-asawang Saavedra at walang kahirap-hirap na pinagsasaksak ang dalawang mag-asawa at pagkatapos kinuha nila lahat ng pera sa vault maging ang ang mga mamahaling alahas ng ginang.Masayang lumabas ang dalawang taong nakabonnet at pakanta-kanta pang naglalakad sa kalsada na parang walang nangyari.

LuksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon