Chapter 2

1.1K 36 0
                                    

Naglalaro ng basketball si Carlo sa court habang si Emily naman ay umiinum ng tubig mula sa kanyang dalang tumbler.
Hindi niya namalayang nabitawan na pala niya ang kanyang iniinum bagay na kanyang ikinabahala dulot na rin ng kanyang kabang nararamdaman na hindi niya maintindihan kung bakit.Bigla na lang siyang naging balisa ng walang rason.
Talagang hindi siya mapakali kaya tinawagan niya ang kanyang yaya at napagtantong hindi ito sinasagot kaya ipinagsawalang-bahala nalang na ito sa pag-aakalang tulog pa ang kanyang yaya.
Pagkaraan ng ilang minuto,nagyaya si Carlo na bumili ng pagkain sa pinakamalapit na 7/11.
Pagpasok ko pa lamang,may pumukaw na ng aking atensyon at ito ay ang balitang nakikita sa telebisyon.
Ayon dito,2 biktima ang namatay dahil sa akyat-bahay gang at kinuha ang mahigit 20 milyong pera at mga alahas.
Makikita ang walang pakundangang saksak at laslas ng mga katawan nakahandusay sa sahig at nagkalat na mga dugo ng mag-asawang Saavedra sa loob ng kanilang kwarto.
Tumigil si Emily sa pagkain at napagtantong ang nasa balita ay ang kanyang mga magulang.
Hindi niya lubos maisip kung paano niya nagawang iwan ang mga ito.
Dali-dali niyang nilisan ang pinagkainan at hinila si Carlo kahit hindi pa ito tapos kumain.
Hindi makapaniwala si Emily na sa isang iglap,wala na ang kanyang mga magulang,pero sa kabilang banda,gusto niyang matuwa dahil wala ng pipigil sa kanya  sa kahit anong gusto niyang gawin.
Ang ipinagtataka niya lang ay parang wala lang kay Carlo ang nangyari.Ni hindi mo makikita ang pagkabahala o takot sa kanyang mukha.
Basta na lamang niyang hinigit ang binata at humaharot sa kanilang bahay sakay ng kotse ni Carlo.

Pagkaabot niya sa mismong gate,napakaraming pulis ang sumalubong sa kanya ngunit agad siyang tumakbo at walang nakapigil sa kaniyang puntahan ang lugar kung saan pinagsasaksak ang kaniyang mga magulang.
Malakas na hiyaw at iyakan ang sumunod na mga nangyari.
Biglang may humawak sa kanyang likuran at iyon ang kanyang yaya na kasalukuyang mayroon ng malay.
Ayon sa katulong,tinakpan ang kanyang bibig ng panyong may kemikal dahilan para agad siyang nawalan ng ulirat.Hindi rin niya alam na ang puntirya ng mga tulisan ay ang yaman ng pamilya Saavedra.Nagtungo ang katulong sa mga pulis upang kuhanan na siya statement samantalang si Emily naman ay walang pakialam sa mga tao at kapitbahay na nakikiusyuso sa nagyari sa kanilang pamilya.Patuloy lang siyang humagulgol at hindi alintana kung magkaabot na ang kanyang mga luha at sipon.Talagang wala siyang ideya kung bakit ang pamilya pa niya ang napili ng mga tulisan na patayin at kunin ang lahat ng kanilang yaman.
Samantala,sa labas ng bahay ng mga Saavedra,nakatayo si Carlo at makikita ang unti-unting pagsilay ng isang ngiti sa kanyang mga labi.
******************************

LuksaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon