Sino ba namang matinong anak ang magpapatay sa sarili niyang mga magulang dahil lang sa makasariling desisyon.
Hindi ko na inisip kung paano ako mabubuhay sa hinaharap.
Talagang nasa huli ang pagsisisi.
Hindi ko alam kong mapapatawad pa ba nila ako sa kasalanan ko.
Hindi ko din alam kung mapapatawad ko pa ba ang aking sarili sa mga nagawa ko.Sawa na akong umiyak.Parang mabibiyak na tong puso ko kakaisip kung paano ko aayusin ang buhay kong sirang-sira na.
Tinanong ko nalang ang mga magulang ko sa hangin
"Ma,Pa,anong gagawin ko?Paano ko mabubuhay ang sanggol na to kung ako lang mag-isa?Kakayanin ko kaya lahat ng pagsubok na to?"
At naramdaman ko bigla ang malakas na ihip ng hangin na nagsasabing 'Habang may buhay may pag-asa.'
Tila ba nakikipag-usap ang hangin sa aking isipan at doon ko naintindihan na may silbi pa ako sa mundong ito.
Napagdesisyunan kong buhayin ang anak namin ni Carlo ng mag-isa sa aking makakaya at palalakihin ko siyang puno sa pagmamahal at pag-aaruga.
Hindi man kagaya ng marangyang buhay na kinagisnan ko sa aking mga magulang,sisikapin kong maibigay lahat ng pangangailangan niya.
At sa tingin ko'y ito ang tama at ang kauna-unahang gagawin ko sa bago kong buhay.
Sa puntong ito'y tatapusin ko na ang aking pagluluksa.
-Wakas-
![](https://img.wattpad.com/cover/114870030-288-k116414.jpg)
BINABASA MO ANG
Luksa
HorrorTunghayan ang kuwento ng pagluluksa ni Emily Saavedra.Tulungan mo siya parang awa mo na.