Chapter 6

1.7K 43 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 6

Nung matapos akong mamili ,bumalik na ako sa kotse at inilagay dun ang nakabalot na pares ng hairclip.

Kulay black ang binili ko habang may kumikinang na glitters dun sa design niyang bulaklak.

Magugustuhan niya kaya to? Ewan.

Hinagilap ko si Reiku at nakita ko siyang grabe ang kain ng isaw. Ilan na kaya ang naubos niya?

Ilang sandali pa, naglakad na siya papunta sa direksyon ko habang may hawak na isaw sa magkabilang kamay . Yung tindero naman ay may sinasabi pero di ko marinig, medyo may kalayuan kasi.

Nung makalapit na siya saken,

"Shin, eto oh" inabot niya saken ang dalawang isaw

Ngumiti lang ako sa kanya at sinabing hindi ako kumakain nun.

Napatingin nalang ako dun sa tindero na mukhang pagod na pagod na sa katitinda.

Kinuha ko na yung wallet sa bulsa ko sabay abot ng pera dun sa matanda.

"Hijo, anglaki naman ata neto!"
"Sa inyo na yan, Manong" ako at hinila na papasok ng sasakyan si Reiku

Tumingin ako sa kanya bago ini on ang engine. Halos takpan na ng buhok ang mukha niya pero balewala parin sa kanya yun. Kailan ko kaya ibibigay sa kanya tong hairclip?

Habang nagda drive, tiningnan ko muna yung relo ko. Naku, 10:02 na pala.

Mas lalo kung binilisan kaya mabilis rin kaming nakapunta sa school.

"Reiku, hindi kita pweding  isama sa loob kaya dito ka nalang muna okay?"

Tumango tango naman siya. Iniwanan ko siya sa may bench at tumakbo na ako papunta sa room ko.

Pagdating ko dun, nagsimula na si Prof. Geesnel sa pagdi distribute ng testpapers.

"Muntikan ka ng mahuli, bro" si Mark

"Oo nga, san ka ba kasi nagpunta?" si Gab

"Class quiet!?" sigaw ni Prof.
"Exam time ngayon kaya bawal makipag usap!" siya at naupo na sa harapan habang naka number 4

"Focus..."
"Focus..."
"Focus..."

Ako habang nakatingin sa testpaper.

"Reiku, umalis ka nga muna diyan sa utak ko!" sigaw ko sa isip

KERUS P.O.V

Sa wakas natagpuan narin namin siya. Mamayang gabi, kailangan na niyang makabalik sa tahanan namin.

Masyado ng mapanganib para sa mga tao dito sa siyudad kapag nanatili pa siya.

Nasinagan na siya ng Full moon. Kapag nasinagan siya ulit ng bloody moon, pati ang taong kasama niya ngayon ay malalagay sa panganib.

Yun ang hindi ko mapapayagan. Nangako ako sa ina niya na walang masasaktang mortal. Poprotektahan ko ang anak namin tulad ng pinangako ko.

"Zoren, ihanda mo ang iba pa, may kailangan tayong gawin ngayong gabi bago pa mahuli ang lahat" ako habang umiinom ng dugo

"Masusunod pinuno" siya at lumabas na

Si Reiku ay hindi puro. May dugo siyang mortal at natural lang yun dahil mortal ang kanyang ina.

Pero nagtataka ako, mula pagkabata ay hindi pa niya nailalabas ang pangalawa niyang katauhan at base sa pag aaral na ginawa namin, ang solusyon lang ay ang sinag ng full moon at bloody moon.

At ngayong gabi na ang bloody moon kaya kailangan ko na siyang maiuwi.

"Reiku ,anak..." bulong ko

Dagdag pa sa problema ko ang pagkawala ng alaala niya dahil sa paglabas niya ng lagusan. Wala man lang siyang pasabi na balak niyang alamin kung anong meron sa mga tao.

Aaminin kong nanirahan din ako sa mundo ng mga tao noon pero nung mamatay ang kanyang ina, bumalik na ako sa tahanan ko at isinara ang lagusan.

Si Reiku ang naglumilit saken na buksan ko uli ito at dahil mahal ko siya, pinagbigyan ko ang hiling niya.

Hindi ko alam na ganito pala ang mangyayari. Hindi pa perpekto ang pagkakabalik ng lagusan kaya siguro nawala ang alaala niya dahil hinigop ito.

Saka lang yun maibabalik kapag bumalik na siya. Pero paano ko siya makukumbinsi kung hindi niya ako kilala?

Habang nakaupo ako sa mesa, biglang may kumatok.

"Pinuno?" tawag niya saken

"Zoren, anong kailangam mo?"
"Nais ko lang ipaalam na naihanda ko na po ang lahat" siya

"Magaling, ngayon ay pwedi ka ng magpahinga"  ako

Narinig ko namang papalayo ang yapak niya.

"Maghintay ka lang, anak ko. Ililigtas kita" bulong ko sa sarili

SHIN'S P.OV

Dahil sa kai insert ni Reiku sa utak ko, di tuloy ako makapag concentrate. Ang ginawa ko nalang ay nagpasuntok kay Vince since siya ang pinakamalapit saken.

"Sigurado ka diyan, Bro?" pabulong niyang tanong

Nairita naman ako dahil sa tanong niya.

"Kailan pa ba ako nagbiro, ha?" balik kong tanong sa kanya

Sinuntok niya ako sa mukha pero balewala parin. Oo, masakit yun pero hindi parin sapat.TSK!

Buti nalang nasagot ko lahat ng tanong dun, na familiarize ko pa kasi yung nakaraan naming discussions eh.

Bago ako lumabas ng room, nagpaalam muna ako sa tatlo kong tropa.

Paglabas ko, dumiretso agad ako sa lugar kong saan ko iniwan si Reiku pero wala na siya dun.

"Reiku!" tawag ko sa kanya pero walang sumasagot

Sa di kalayuan naman, may pinagkakaguluhan dun kaya agad naagaw ang atensyon ko

Lumapit ako dun at nakita kong sinasabunutan ni Alexis si Reiku.

Parang uminit ang dugo ko dahil sa ginawa niya.

"Alexis Han!" sigaw ko kaya nabuwag ang grupo nila

"Kenshin?" siya habang gulat na gulat

Tiningnan ko siya ng masama,  pagkatapos nun, inalalayan ko si Reiku para makatayo.

SHit! Umiiyak siya!

Hinarap ko si Alexis habang may galit sa mga mata. Sa paligid naman, abala ang mga tsismosa sa pagkuha ng video para mas pasikatin pa ang Ms. CAMPUS nila.Tsk!

"Subukan mo lang gawin ulit ito, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko" sabi ko sa kanya ng may pagbabanta habang si Reiku naman, nakadikit sa dibdib ko at humihikbi.

"Tsk! Alam mo bang usap usapan na sa whole campus na girlfriend mo ang isip bata nayan?! siya at nakapamewang pa

Ngumiti lang ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Reiku. Pagkatapos nun, pinaharap ko si Reiku sa lahat ng tsismosa dun saka inayos ang buhok niya.

"Ano naman ngayon kung GIRLFRIEND ko nga siya?" diniin ko pa talaga yung word na girlfriend kaya halos napanganga silang lahat

Halos pumutok naman sa inis si Alexis dahil sa sinabi ko. Patay na patay yun saken eh.

Iniwan naming dalawa ni Reiku ang school na puno ng bulong bulongan. Bahala sila...

A/N: 'kala ko kayanin na dun sa part na mata transform si Reiku eh. Hindi pala, paasa ako guys kaya SARRY 😅😅✌

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon