MY STUPID GIRLFRIEND
CHAPTER 10
🎶 Play Where are you now by HONOR SOCIETY while reading 🎶
Hindi ko talaga maintindihan ang mga parents ko eh. Gusto lang naman nila ako isama sa Italy dahil may family reunion daw kami dun.
Tsk!
Kailan pa ba nila ako naging pamilya? Ang alam ko lang, matagal na nila ako inabandona.
Dali dali akong pumasok sa kwarto at padabog na sinara ang pinto.
"Wala ka talagang modo! Wag mo kong tinatalikuran kapag kinakausap kita! si Dad
"Anak, pag usapan natin to. Kausapin mo naman kami" panunuyo ni Mama saken
Hindi ko sila sinagot at binuksan ko nalang ang laptop ko para manood ng movie. Kahit gaano kalakas pang volume, naririnig ko parin sila.
"Ken! Pag hindi mo to binuksan, sisirain ko tong pinto! si Dad
Parang tumataas na yung presyon niya.
Bahala siya diyan.
"Pag hindi kayo tumigil, tatalon ako dito sa bintana!" balik kong sigaw sa kanya
Siyempre, nagbibiro lang ako pero di ko pinahalata. Baliw lang kaya ang nagpapakamatay. Siguro nung dati, gusto ko si kamatayan pero ngayon snob na ako sa kanya.
Tinabi ko yung kurtina na nakatakip sa bintana at dumungaw.
"Medyo may kababawan din pala. Pag tumalon ako, hindi naman ako mamamatay. Mabalian lang siguro ng leeg." sabi ko sa isip at sinara na ulit ang bintana
"Bwisit!" si Dad at narinig kong lumakad papalayo
"Ken Anak, buksan mo naman tong pinto" pamimilit ni mama saken habang kumakatok sa pinto
Ano pa nga bang magagawa ko? Tinabi ko muna yung laptop at nagtungo papunta sa pinto. Nung mabuksan ko na, agad akong tumalikod at umupo pabalik sa kama.
"Anak, intindihin mo naman sana kami. Once a year lang naman to eh. Yun lang naman ang hinihingi ng Dad mo sayo kaya pagbigyan mo na" mahinang sambit ni mama
Bigla namang bumalik sa alaala ko yung scenario na umalis sila para lang sa business trip papuntang Melbourne. Nung time na yun, may family gatherings kami sa school pero wala sila. AYUN, inuna nila ang business kesa sa 'kin.
Kinuyom ko ang kamao ko at hindi umimik. Pinipilit parin ako ni mama pero sorry nalang, may kailangan pa akong gawin dito sa Pinas eh.
"Lumabas na kayo" walang gana kong sabi sa kanya
Bumuntong hininga si Mama saka naglakad papunta sa pinto pero nagsalita muna siya bago sinara ang pinto.
"Anak, sana pag isipan mo" siya habang ngumiti
Ano kayang nakain nila at parang tinuring nila akong membro ng pamilya Abueva ngayon?
Himala siguro.
Kahit tanghalian na, wala akong ganang kumain.
Bigla kong naalala si Reiku nung once sabay kaming kumain. Napangiti ako sa alaalang hindi niya alam kung paano kumain.
Nahagip naman ng tingin ko yung hairclip na ibibigay ko sana sa kanya kaso nawalan na ako ng pagkakataon. Kailan ko kaya siya makikita ulit?
Next day?
Next week?
Next month?
O baka naman next year?Hindi ko na yata kaya yun. Masyado ng masakit yun. Kung kailan pa ako nagmahal ng madalian, saka pa mawawala ng mabilisan ang taong yun.
Ay, mali! Hindi nga pala siya tao kundi lobo.
Nasan na ba kasi siya? Talaga bang wala na siyang balak bumalik. Palibhasa naging lobo siya eh ayaw na niyang magpakita. 'Kala niya siguro natatakot ako sa kanya ah.
Lagot talaga siya saken, pag hindi siya nagpakita hahalikan ko siya. Paano nga ba? Eh wala nga siya dito diba?
Tumunog ang tiyan ko kaya napahawak ako dito.
Lintik naman. Panira eh!
Bumaba na ako at pumunta sa garahe. Kita mo? Di ko na naman nakita sina Mom and Dad. Panaginip lang siguro yung kinausap ko kanina.
Pinaharurot ko na ang sasakyan at huminto sa Korean Resto kung saan kami kumain ni Reiku noon.
"Sir, table for?" siya habang nag iintay ng sagot ko
"May kasama ako pero invisible" walang gana kong sagot sa kanya at pumwesto na
Pagkatapos kong kumain dumiretso ako sa EAST CITY para bisitahin ang school este sina Gab pala.
Dumaan muna ako sa locker ko at kinuha ang gamit ko dun.
Isasara ko na sana nang may mapansin akong nakaligpit sa isa kong notebook kaya kinuha ko ito.May nakalagay pang "smile before you open"
Tsk! Ano to? My admirer ako?
Pasensya na pero may admirer narin ako eh.Lumingon lingon ako at nahagip ko yung tatlong estudyante na nagtatago sa may haligi. Tsk! Mukhang sila ata ang may gawa nito.
Mas mabuti siguro kung si Reiko ang may gawa nito. Babasahin
ko talaga, at hindi lang yun, itatago ko pa sa pinakasulok ng kwarto ko para walang ibang makakita kundi ako lang. Pero ito, hindi naman kasi si Reiku ang nagsulat nun kaya snob ako.Naglakad na ako papunta sa room 102 pagkatapos kong isara ang locker. Pagdating ko dun, nakita ko yung tatlo kong tropa habang seryosong nag aaral.
Kung sa bagay, kahit campus celebrity sila, kuno, matatalino rin naman sila.
Umupo ako sa tabi ni Vince since siya naman ang seatmate ko. Nasa likuran lang kasi namin sina Gab and Mark.
"Oh Bro, kasama mo ba siya ngayon?" si Mark
Hayst. Bakit niya ba tinatanong? sa isip ko
A/N: Read me, hhaha and vote please then "follow" is highly appreciated ....
BINABASA MO ANG
My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)
WerewolfStorya ng isang lalaking tahimik ang buhay pero nang matagpuan niya ang isang babaeng 'kala niya taga ibang planeta ay nagbago ang lahat. Tunghayan ang kwento ni Kenshin Abueva at Reiku Mondragon. Cover by @cweshhtells