Chapter 15

1.3K 37 0
                                    

MY STUPID GIRLFRIEND

CHAPTER 15

Nasa labas parin ako ng tent. Halos manginig na yung buong katawan ko sa sobrang lamig eh.  Okay lang sana kung nasa bahay para kung ganitong malamig eh pwedi akong magtimpla ng kape pero hindi eh, andito ako ngayon sa gitna ng gubat .

Umaasang may magpapakitang taong lobo. Yung mahal kong taong lobo na yun. Yung baliw kung umakto. Yung mahilig sa kalokohan. Yung pinapataas ang presyon ko at higit sa lahat ,yung taong lobo na una kong reregaluhan ng hairclip.

Hanggang kailan niya ba ako paghihintayin?

Hanggang mag umaga?
Hanggang sa susunod na linggo?
O baka naman habang buhay?

"Reiku, sige na naman oh. Magpakita ka na kung hindi...

Baka dumito na ako hanggat kaya ko pa". sa isip ko

Halos kalagitnaan na ng gabi pero wala parin. Tumingin ako sa langit habang balot parin ang katawan sa balabal.

Wala ng mga bituin at wala na rin yung full moon.

Buti naman.

Tumayo na ako at bumuntong hininga habang nakapikit nang biglang may naramdaman akong kakaiba sa paligid.

Ito na kaya yung hinihintay ko?

Lumingon lingon ako sa madilim na bahagi ng bawat sulok. Kung saan ako may naririnig na kaluskos, dun ang atensyon ko.

"Reiku!" sigaw ko sabay baba ng balabal

Hindi ako makakakilos ng maayos pag balot ang katawan ko eh.

"Reiku! Andito ako at hinihintay kita kaya magpakita kana saken! sigaw ko ulit

May kumaluskos sa kanan kaya nilingon ko.

Ngayon ay sa kaliwa naman.

"Ano ba yan, wag ka namang manakot oh" sabi ko

Kinaya ko ang lamig para habulin ang ingay na yun. Lumalayo ng lumalayo kaya lakad din ako ng lakad.

Ang ginaw na pero okay lang.

Tinuloy ko ang pagsigaw sa pangalan niya hanggang may nagsalita pero hindi ko makita. Madilim kasi at nakalimutan ko pang dalhin ang flashlight ko.

"Asar....!"

"Shin"

Pamilyar saken ang boses niya pero bakit parang galit siya? Paglingon ko sa likuran, may susunggab sakeng puting lobo na namumula ang mga mata.

Napabalikwas ako ng bangon habang humihingal. Balot ako ng pawis. Tumingala ako pero hindi na yung tent ang nakita ko kundi puno.

Napakaganda ng paligid.

Anong lugar to?
Paano ako napunta rito?

Sunod sunod kong tanong sa sarili habang tumatayo.

Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar at grabe, nakakamangha dahil ngayon lang ako nakakita ng ganito.

Naalala ko yung panaginip ko. Si Reiku yun pero bakit niya ako susunggaban?

Sinampal ko ang mukha ko dahil baka itong nakikita ko ngayon ay ang totoong panaginip pero namula lang ang pisngi ko.

"Aray..." bulong ko sa sarili

Langit na siguro to. Baka namatay ako nung sinunggaban ako ni Reiku.

Naku naman, paano na?

Hinanap ko kung nasaan na ang mga gamit ko pero wala akong makita.

Nasan na? Nasan naaaa!?

Kahit yung hairclip lang ang makita ko, okay na eh. Kahit sa magnanakaw nalang yung ibang gamit basta isuli lang niya saken yung hairclip.

Sa di kalayuan, may papalapit sa direksyon ko. Parang gusto kong magtago pero hindi ko naman alam kung saan.

Baka kasi kung anong gawin niya saken eh.

Baka hindi ko na makita ang taong lobong hinahananp ko.

"Mabuti naman at nagkamalay ka na" seryoso niyang sabi

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa mahagip ng mata ko yung kwintas ni Reiku.

"Reiku" bulong ko at humakbang papalapit sa taong yun

Halos puti na lahat ng buhok niya pero nagagawa niya paring maglakad. Ang galing naman.

Bigla akong hinarang ng dalawa niyang kasama at nakita ko naman siyang itinago ang kwintas sa loob ng suot niya.

Sumenyas yung matanda sa dalawang nakaharang saken pero sila lang ang nagkakaintindihan.

Ilang sandali pa ay hinawakan ako nung dalawa sa magkabilang kamay at pilit na pinapasunod sa kanila.

Nakarating kami dito sa kwarto na may mahabang upuan at dun ako pinaupo nung dalawa. Naupo rin yung matanda.

Pagkatapos naming maupong dalawa ay pinaalis na niya yung dalawa ring may hawak saken kanina kaya kami nalang ni tanda ang naiwan dito.

Parang babalik yata ang ugali kong panget dahil sa matandang to ah. Kasi naman kung makatingin, head to foot at parang tutusukin kana rin ng mga mata niya.

Teka, bakit nga ba nasa kanya ang kwintas ni Reiku?

Matanong na nga.

" Bakit na sa inyo ho yang kwintas?" mahinahon kong tanong habang nakaturo pa sa kwintas na nasa leeg niya.

Kahit itago niya pa yun, eh halata naman na kay Reiku yun nuh?

"Bakit? Kilala mo ba si Reiku??" siya habang seryosong nakatingin saken

"Mr. KENSHIN ABUEVA, HUMINAHON KA LANG AT KAUSAPIN MO SIYA NG MAAYOS. BAKA ISA RING LOBO ANG KAHARAP MO NGAYON AT BAKA KAININ KA NIYA NG BUHAY" sa isip ko saka bumontong hininga

"Opo, kilala ko siya" diretsa kong sagot

"Talaga? Pati rin ba ang totoo niyang katauhan ay alam mo?" siya

"Oo, isa siyang taong lobo"

Tama kaya ang sagot ko?

Tumayo siya at tumalikod saken.

"Ang apo ko ay sadyang matigasin ang ulo. Lumabas siya ng lagusan kagabi at kinuha ka habang inaapoy ng lagnat" nagulat ako sa sinabi niya kaya napatayo rin ako

"Dinala ka niya rito nang walang pahintulot saken kaya..."--

Siya sabay harap saken.

"Pinarusahan ko siya. Pinatapon ko siya sa malayon lugar na tiyak ay di na siya makakabalik"

Parang uminit ang dugo ko. Kaya ba suot niya ang kwintas ni Reiku?

"Ano? Paano mo nagawa yun samantalang kasasabi mo lang na apo mo siya?" napalakas na ang boses ko

"Ang sinumang lumabag sa batas ko ay makakatikim ng parusa. Ilang beses ko ng binalaan ang batang yun pero sinunod niya parin ang batas niya"

"Wari koy napamahal na siya sayo kaya kung balak mo siyang sundan, gawin mo at hindi kita pipigilan" dagdag niya

Kinuyom ko nalang ang mga kamao ko habang nakatingin sa kanya na palabas na ng pinto.

"Ito ay magsisilbing pagsubok para sa iyo mortal, pag naibalik mo siya dito, papayagan na kitang isama siya sa mundo niyo" siya saka sinara ang pinto

Bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa galit. Pati pawis ko ay sumasabay din.

"Reiku, maghintay kalang"

Lalabas narin sana ako nang mahagip ko ang mga gamit ko sa may paanan ng mahabang mesa na yun. Kinuha ko yun at naglakad na palabas.

A/N: Last 5 chapters kaya tuloy lang ang support guys. Malapit na tayo sa ending kayA walang bibitaw ah..
Siyanga pala, abangan niyo ang nxt story ko dito SOON. 😉

My Stupid Girlfriend (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon