Prologue
Isa lang akong ordinaryong estudyante sa isang ordinaryong unibersidad dito sa dasmarinas. Di kagandahan, di ganon katalino, di rin sikat. Ako yung tipong hindi napapansin ng lahat kahit na maglupasay pa ako sa sahig. Pero siguro pag sumigaw ako baka mapansin na nila ako, hindi naman ako multo diba. Sabihin na lang natin na isa akong commoner slash average na estudyante. Third year na ako at dalawang taon na lang graduate na ako, kapit pa! Kung tutuusin, ang galing ko kasi nakasurvive ako ng tatlong taon na parang di ako nageexist para sa mga tao dito. May mga kaibigan ako, actually madami akong kaibigan eh, siguro mga dalawa hahaha pero seryoso dalawa nga lang talaga. Architecture ang kurso ko, aminado akong kpop ako pero yung tipong mild lang. Ang haba ng sinabi ko pero hindi ko pa rin nasasabi ang pangalan ko, hahaha joseonghamnida ㄱㄱㄱ.
Ako nga pala si Carmela,
ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw..
HAHAHA JOKE LANG SYEMPRE XD
Ako talaga si Monica, at..
AKIN LANG ANG ASAWA KO!
BOOM PANES!
HAHAHAHA JOKE ULIT XD
Ako talaga si Bea Chelle Ambata. Oo Ambata ang surname ko, bakit? Angal ka? Never heard ba? Try mo isearch sa facebook para malaman mong nageexist talaga tong surname ko ^^
Usapang pag-ibig naman tayo, alam ko namang yun ang climax ng bawat istorya na alam ko. Sa loob ng tatlong taong pamamalagi ko dito sa unibersidad, ni minsan hindi pa ko nagkagusto sa kahit na sinong estudyante dito. Hindi ako tomboy at hindi sa hindi ako naaattract sa kanila, siguro hindi ko lang talaga feel yung mga lalaki dito. Gusto ko kasi pag nainlove ako parang korean drama ang peg, yung tipong badboy siya tapos titino siya para sa akin (Boys Over Flowers), o kaya yung magkakaroon ng direksyon ang buhay niya dahil nakilala niya ko (The Heirs), o kaya matututo ulit siyang magmahal dahil inalis ko ang takot sa puso niya (Master's Sun), o kaya... basta! Madami pa! At hindi ako nawawalan ng pag-asa na isang araw dadating din ang lalaking bubuo ng sarili naming Korean Drama, yung tipong hihilingin din nila na sana ganon din yung mangyari sa lovelife nila. ^^ na sana..sila na lang ako.
Hihintayin ko ang araw na yun, hihintayin kong maging kasing kulay ng rainbow ang buhay pag-ibig ko, hihintayin kong maging kasing linaw ng 20-20 vision ko ang pangarap ko... hihintayin kong...
**********************************************************************************
Enjoy reading ^^
Park_shinah-eonnie