Chapter 5

32 0 0
                                    

"Uhhmmmmmmmmmmm, nasaan ako?"

Tumingin ako sa paligid.. WTH?! NASAAN AKO?. Tinignan ko yung relo ko, pakshet (really? HAHAHA nasasanay na ko sa pakshet na to ah XD) 9:30pm na??????????????????

Tumingin ulit ako sa paligid hanggang sa may nakita akong lalaki na nakasandal sa pinto, natutulog. Nanlaki ang mga mata ko. ABA SYEMPRE! isipin mo ah, nandito ako sa isang masikip at madilim na kwarto kung saan tanging ilaw lang na nanggagaling sa bintana ang nagbibigay liwanag sa kwartong ito. Tapos may kasama pa akong lalaki. Hinawakan ko kaagad ang katawan ko (MATIC NA YAN GUYS). Pero syempre kumpleto pa naman ang katawan ko, kumpleto ang gamit ko. Wala. As in wala lang. Tinitigan kong mabuti yung lalaki. Nilapitan ko siya habang tinititigan, hanggang sa nagising siya. Nagkatitigan kami. Nanlaki ang mata ko, (ulit), napaatras, sisigaw na ba ko? now na? pasigaw na dapat ako ng bigla niya akong kinausap.

" 괜찮아? (Gwen Chan Ah?) (are you okay),  다쳤어? (da chot seo?) (are you hurt), 일어날 수 있어? (Il Uh Nal Soo It Seo?) (can you stand)"

O_O ...

Natulala ako, ANO DAW?! Alien ka ba? HALA! para akong nasa palabas na "My love from another star" Si Do Min Joon alien siya tapos may makikilala siyang babae which is si Cheon Song-Yi na actress naman tapos.. TEKA! wala akong panahon para magkwento -_______-

Ito na ang cue ko para sumigaw.

"WAAAAAAAAAH...."

Napahinto ako sa pagsigaw dahil tinakpan niya yung bibig ko.

"Wag mo nga akong hawakan!"

"Im sorry miss, but please don't shout"

"Sino ka ba! Bakit ako nandito! Anong ginawa mo sakin! Bakit.. ah teka, english speaking nga pala to, mapapanose bleed ako nito.. Who are you! Why am I here? What have you done to me!"

SYET ENGLISH T.T RIP to my grammar.

"Im.. Im really sorry for what happened to you, I was just running and then we bumped to each other, I accidentally push you here in this room, you fell, you were unconscious, so that's it. Im really sorry, are you okay? Does your head hurts?"

Kinapa ko yung ulo ko. So nabagok ako? Nako naman -_-

"Im fine"

Tumayo na ko para buksan ang pinto pero hinawakan niya yung kamay ko, napatingin ako sa door knob... este sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko, tapos pinandilatan ko siya ng mata.

"What are you doing? I want to go home"

"No, don't open that door. *cough* , there are people waiting outside"

"WHAT? WHY?"

"Just *cough* don't open that door"

Abnormal ata to. BAKA ALIEN TALAGA SIYA. takot siya sa tao.... OMYGOD!

"Are you an alien?"

"WHAT?! NO!"

"Ah okay"

So hindi siya alien,,, sayang naman... Hays. pero teka gusto ko na talaga umuwi T_T. Patuloy sa pag-ubo si guy, kadiri may virus pa sa hanging hinihingaan ko -_-. Napatingin ako sa kanya, giniginaw, namumutla, halatang may sakit. Nakakaawang tignan.. At dahil mabait ako, edi naawa naman ako sa kanya, kaya ayun.

"I'll open the door, don't worry. I'll look around.. I'll be careful"

Binitawan niya yung kamay ko at ako naman ay binuksan ang pinto. Pagbukas ko, tumingin ako sa paligid, wala namang mga tao.. Lalabas na dapat kaso naalala ko yung lalaki. Tinignan ko siya..

"There are no people outside, don't you want to go outside?"

"Really? Thanks"

Tumayo siya, halatang hirap siyang tumayo kaya inalalayan ko siya. Inakbayan niya ko, ang lapit ng mukha niya sa akin kaya tumingin na lang ako sa sahig.. ANO BA YAN! SABI NG NANAY KO DON'T TALK TO STRANGERS, samantalang hindi ko lang kinausap tong lalaking to, nakaabay pa siya sa akin. IM SORRY DEAR MOTHER DEAR :( ... 

Lumabas na kami nung kwarto. Naglakad lakad, hanggang sa narealize ko...

"Teka... saan tayo pupunta? Saan ka ba? Nasaan yung mga kasama mo? May mga kasama ka ba?"

"What?"

"Ay oo nga pala, english nga pala dapat.. do you have any friends? where are they?"

"I don't ... Actually they went home"

"WHAT?! so you're alone? haysss. where do you live?"

"I.. I also don't know"

"So you don't have any place to stay??!! Ang malas ko naman -_-"

"Im sorry, you can just leave me here, maybe they'll come back for me"

"Okay"

Iniwan ko siya sa may bench at naglakad na ko papalayo.. Kinuha ko yung cellphone ko.

"Hala deadbat pa nga, kung minamalas ka nga naman oh"

Naglakad na ko papunta sa sakayan ng van, pumila hanggang sa nakasakay na ko.. Napuno na yung van.. Papaalis na yung van hanggang sa..

"Hala paano na yung lalaki kanina, hindi yan.. dadating yung mga kaibigan niya for sure"

Napatingin ako sa may bintana.

"Pero ang dilim na at wala ng masyandong tao, may sakit pa naman siya.. pero malaki na siya kaya niya na ang sarili niya... pero paano kung magdiskitahan siya dun tapos kunin yung mga gamit niya, tapos ibenta yung mga body parts niya o kaya siya mismo ang ibenta, ang cute pa naman niya.. hindi pa naman siya makaintindi ng tagalog.. pero baka okay lang siya.. pero paano kung hindi."

Nilagay ko yung cellphone ko sa bulsa ko tapos may nakapa ako.. Naalala ko nilagay ko nga pala yung keychain sa bulsa ko kaninang umaga, tinitigan ko yung keychain.

"STOPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPPP!!!!"

 **********************************************************************************

Enjoy reading ^^

Park_shinah-eonnie

VOTE NIYO PO HAHAHA XD

 STOPPPPPPPPPPPPPPP in the name of....

^_^

Fangirl meets Her DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon