Chapter 1

66 0 0
                                    

"Hihintayin ba kita o hahayaan na lang kitang titigan yang langaw sa pader?"

sabi ni Angelica.

Si Angelica ay isa sa dalawa kong kaibigan. Angelica Mejica. Kaklase ko siya sa lahat ng subject simula first year pa kami. Siya yung tipo ng kaibigan na babatukan ka kahit wala kang ginagawa. Hahampasin ka pag kinikilig siya at ang worst, kapag kinausap na siya ng crush niya.. hala sige ang sabunot sa akin maipakita lang niya na sobrang kinikilig siya. In short, siya ang brutal slash maharot slash maganda kong kaibigan.

"Anong langaw, wala namang langaw ah"

"Ah baka umalis na, nainip din kakaantay sayo"

"Sira, nasaan si Jenny?"

"Nauna na, may date pa daw siya mamaya eh. Oh ano? Magtatanong ka na lang ba dyan o uuwi na tayo? Halos tayo na lang tao dito sa campus oh, tama na pakikipagbonding mo dyan sa langaw"

"Sabi ko nga, tara! ^^"

"Ay nga pala, punta muna tayo ng NBS may titignan kasi ako"

"Oh sige, basta bilisan natin ah, manunuod pa kasi ako ng showtime eh"

"Showtime? Yung show nila Anne? Wow! For the first time! Hindi about sa korean ang papanuorin mo! Pero teka, diba tanghali yun?eh 5pm na te!"

"Eh hindi naman yun yung tinutukoy ko eh, Korean pa din tinutukoy ko! Baliw ka, palabas ng exo yung tinutukoy ko!"

"-_- akala ko naman, alam mo kahit mild lang yang pagka-KPOP mo, dapat iwasan mo na yan ha, tulad nung isang araw nalaman mo lang na may concert ang EXO dito sa Pilipinas eh hindi ka na gumastos ng pangkain mo"

"Alam mo, Angelica, okay lang yun. Once in a lifetime opportunity lang to kaya dapat i-grab! Hwaiting ㄱㄱㄱ"

"Hay ewan ko sayo"

Pumasok na kami ng National Bookstore at nagikot-ikot, pumunta si Angelica sa may mga folder, habang ako pumunta naman sa mga libro.

"Wow may mga ganitong kwento na pala ngayon, KPOP star and I tsaka Chinito Boss"

Kumuha ako ng tig-isang copy nung kpop star and i tsaka chinito boss, well basta may kinalaman sa korean go lang ng go! Pero mild lang talaga pagiging fangirl ko sa mga ganitong bagay, maniwala kayo hahaha XD. Pumunta na ko sa may mga folder para hanapin si Angelica.

"Angelica pupunta lang ako ng cashier ah"

"Oh sige susunod na lang ak... teka! Ano nanaman yang binili mo?!"

"Libro teh, magbabasa ako. Bakit? Bawal na ba akong magbasa ngayon?"

"Well, kung magbabasa ka ayos lang naman pero kung ito ang babasahin mo aba aba friend ang mahal nito ah"

Sabay kuha nung libro na hawak ko. Matagal ng ganito si Angelica sa tuwing bibili ako ng mga bagay na wala namang connect sa studies namin at syempre hindi ko rin naman siya masisisi kasi alam kong bilang kaibigan niya ako, nag-aalala lang siya sa akin. 

"Angelica, minsan lang to promise"

"HA-HA-HA gaano kadalas ang minsan ateng"

 "Ito lang, last na to."

"Parang 2 weeks ago narinig ko na ang parehong linyang yan"

"Hahaha! Syempre hindi ko naman kasi maiwasang bumili ng mga ganitong bagay"

"Ewan ko sayo, bayaran mo na yan tapos sabay mo na tong folder ko ha"

"Yehet~ sige ako na magbabayad ng folder mo!"

"Ano to?! Suhulan?! Pero well, sabi mo nga grab the opportunity"

Pumunta na ako ng cashier para magbayad after nun umuwi na kami ni Angelica.

SA BAHAY.

toot toot toot toot toot toot toot toot toot toot toot toot.

Type dito, type doon.

Ito ang bonding namin nila Jenny at Angelica. Ang mag group chat. Every night ganito kami, para kaming hindi nagkakasama sa school sa sobrang dami naming pinaguusapan. One-to-sawang kwentuhan at one-to-sawang asaran. Minsan about sa school ang topic namin, minsan naman about sa mga prof naming nakakainis, minsan yung mga naudlot naming usapan nung pauwi na at madalas about sa love. LOVE LOVE LOVE.

**********************************************************************************

Enjoy reading ^^

Park_shinah-eonnie

Fangirl meets Her DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon