A Vacation Trip

38 2 0
                                    

_Hi, ang pangalan ko ay Hazel, At Nagsimula ang kababalaghan sa buhay sa isang Vacation trip, Kasama ko noon si Mico, Boyfriend ko, Sina Mike, Ivy, Wilson, at si Romel, masaya kaming Nagimpake ng aming mga gamit ng araw na iyon, first time kasi kaming magpa-Bagiuo, at Excited na kami, Si Mike lang ang nakapunta na sa Bagiuo, kaya naman sya ang nagdrive sa amin papuntang Bagiuo, Bago kami magsimulang bumiyahe, chineck muna namin ang aming mga gamit bago bumiyahe, Teka, May nakalimutan ako, agad akong pumasok sa bahay para kunin ang Kamera, Pagpasok ko sa kwarto, agad kong hinanap sa drawer yung Kamera, Wala doon yung kamera, Sunod kong hinanap sa Cabinet ang kamera, Nakita ko doon yung kamera, Kinuha ko pero pagkuha ko ng kamera, May nahulog na isang lumang litrato, Litrato iyon ng papa ko, Namiss ko tuloy ang papa ko, Namatay na kasi sya eh, sa hindi pa nalalamang dahilan, Isa palang Wood Cutter ang papa ko nung araw, pero, nagpatuloy sya sa kanyang pag-aaral at iniwan ang Pag wowood cutter nya, kaya naman, medyo naangat naman kami ng mama ko. Bumusena ang Kotseng sasakyan namin, nataranta ako, Paglabas ko sumakay agad ako sa Kotse ni Mike. At Agad na kaming bumiyahe papuntang bagiuo._

_Malas! Traffic! seguradong matatagalan nanaman kami sa biyahe nito. Inip na inip na kami kasi mga 2 oras na, Traffic parin, kaya naman nung nakalampas na kami sa traffic ay Umiba ng Deriksyon si Mike, Hindi naman doon ang daan papunta sa Bagiuo bakit sya pumupunta doon sa deriksyong iyon? Maya maya pa'y lumiko kami sa madilim na Daanan. "mike? Bakit dito tayo lumiko." Tanong ko sa kanya. "Wala kasing traffic dito, shortcut ito papuntang bagiuo sabi ng Daddy ko, Deritsohin lang daw natin ito, Makakapunta na tayo sa Bagiuo." ang sagot ni Mike sa tanong ko. Hindi ko alam pero, Parang hindi ako Komportableng doon kami dumaan, Pinagpapawisan ako kahit napakalakas naman ng Aircon na nakatapat pa sa akin. nanginginid ako at di ako mapakali, Napansin iyon ni Mico. kaya tinanong nya ako, "Ok ka lang ba Beh?" ang tanong ni Mico sa kin tapos niyakap nya ako. Di ako nakasagot. "Oh? Bakit ka pinagpapawisan eh, Ang Lakas ng Aircon sayo pa nakatutok." Ang muling tanong nya sa kin. pero ang sabi ko nalang "Wala, Ok lang ako, baka, Exciting lang itong nararamdaman ko."_

_Isang oras na simula nung lumiko kami dito, yung kaba ko, Mas lalong lumalala nang hindi ko naman alam ang dahilan ko, Feeling ko, Para kaming nasa panganib, Pero, inisip ko nalang na Iniisip ko lang yun kasi mahilig akong manood ng mga Horros movies, Napanood ko yung Wrong turn. Iniisip ko na baka mangyari rin sa aming ang nangyari sa mga bida sa Wrong turn. Mga dalawang oras na, Tulog na ang lahat ako at si Mike nalang ang gising, di ako makatulog kasi sa mga iniisip ko. Pero, narinig kong biglang nagsalita si Mike. sabi nya "Shet!" nagulat ako kung bakit nya yun sinabi pero mamaya maya rin ay Unti-unting tumitigil ang Sasakyan, Ginising ko si Mico. "Mico, Gumising ka mukhang may Problema tayo." ang Sinabi ko sa kanya, Bumama si Mike, Bumaba na rin kami ni Mico, NaWalan ng gasolina ang Kotse, At malayo na kami sa Syodad nun kaya walang Kahit na anung Gasoline station o Tindahan man lang sa paligid, Pero may isang bahay na nakatayo sa Gilid ng kalsada pumunta kami doon, Kumatok kami, Pinagbuksan kami ng isang Batang Babae, kasama nya ang lolo nyang Bulag. 

"Sino yan apo?"-Lolo Isko

"Mga Estranghero lolo, Nawawala po ata sila."- Karen

"Ah.. Magtatanong po sana kami kung saan po ang pinaka mapalit na Gasolinahan dito?"-Mike

"Walang Kahit na anung Gusali o anu mang meron sa Syudad sa lugar na ito, Kami lamang ang nakatira dito. Bakit ba kayo napadpad dito? Saan ba dapat kayo papunta?"-Lolo isko

"Papunta ho sana kami sa Bagiuo, Kaya lang po nawalan kami ng Gasolina."- Me (Hazel)

"Bagiuo? Hindi papuntang Bagiuo ang daan na ito, Nagkamali kayo ng daan, Hindi to, pa-Bagiou, Delikado ang Lugar na toh, May mga Masasamang Espirito ang nakatira dito, At kailngan nyo nang makaalis dito bago pa magdilim ang buong Paligid, Masyadong delikado ang lugar na ito para sa mga kabataang tulad nyo."-Lolo Isko

"Narinig nyo ang lolo ko umalis na kayo rito!"-Karen

_Siranhan kami ni Karen, at wala kaming nagawa kundi bumalik sa Kotse at magisip ng paraan pano makakaalis sa lugar na iyon. Wala kaming maisip pero ako, takot na takot nung Lumalapit nang Gumagabi, Iniisip ko ang sinabi ni Lolo Isko, Iniisip ko baka nga totoo ang kanyang sinasabi, Nagulat ako nung Biglang may Nagakbay sakin, Akala ko kasi Multo yun pala si Mico lang pala. Pinagtawanan nila ako, At sinabi nila sa kin na duwag daw ako at Ang tanda-tanda ko na, nagpapaniwala pa ako sa mga multo. Dahil doon, Nagtampo ako kay Mico kasi Pati sya pinagtatawanan nya ako, Lumayo ako sa mga kaibigan ko at agad namang Sumunod sa kin si Mico para humingi sa kin ng tawad. "Sorry na Beh. Pls?" ang Sweet na sabi ni Mico sa kin, Di ko pinansin si Mico, Pero habang pinagmamasdan ko ang mga puno sa Paligid may nakita akong Batang babaeng Pumasok sa mga kahoyan, Makaputi ang babae, at mahabang mahaba ang buhok nito. Tumayo ako, Para sundan yung Batang babae pero, Pinigilan ako ni Mico, "Wag," lumingon ako sa kanya, Tapos nakita ko sa likod nya na papunta rin dito sila Mike, Wilson, Ivy at si Romel.

"saan ka pupunta Sis?"-Ivy

"ah.. May nakita kasi anung batang babaeng pumasok sa kakahuyan, Sundan natin, Baka mayroon yung pamilya."- Me

"Wag.... Pano kung White lady yung nakita mo?"-Romel

"OMG Romel, Isa ka pa,  Tanda mo pa pero nagpapaniwala ka pa multo multo! parang hindi ka lalaki."-Ivy

"Hoy, Ivy, Parang hindi ka naman takot sa multo, eh nung pumasok tayo sa horror house abot hanggang sa kabilang kanto yung Hiyaw mo, may dumaan lang Matandang babae napapahiyaw na.."-Romel

"Whatever!"-Ivy

"Guys wag na kayong Mag-away, Baka tama nga si Hazel, baka may Pamilya yung batang babae, Baka matulungan nya tayo. Bilisan natin. "-Mike

_Sinundan namin ang Batang babae, Pero, Nakataring na kami sa kabila ng Kagubatan at Hindi na namin pa nakita doon yung bata, Pero, Nakita naman namin doon ang Isang lumang bahay, Nakita ulit yung batang babae na nasa 2nd floor ng Bahay, Nakita ko syang sumilip sa amin pero nagulat ako nang unti-unti syang nawala. Papasok na sana si Mike sa bahay pero, pinigilan ko sya kasi, sa nakita ko, Natakot ako, lalo na't dumidilim na, nauna akong umalis, Sumunod sa akin si Mico, Tapos Sila Wilson, Ivy at romel, Nahuli si Mike, Pagbalik namin, May hawak nang Keychain si Mike, Isang luma, pero magandang Keychain. Gawa ang keychain sa Kahoy, may nakaukit na Mukha ng Batang babae na Halos mata lang ang nakikita, at sa likod nama'y may nakasulat na "-Mama" . Pinakita sa amin ni Mike ang Keychain. Nagandahan sila Romel at Mico sa keychain at pinag agawan nila ang Key chain. Habang nag aagawan ang tatlo, Biglang tinigilan sila ni Lolo isko._

"Tumigil kayo! Anu yang ginawa nyo?"-Lolo Isko

"ah.. wala po Lolo, Nag kakatuwaan lang po kami."-Romel

"Nagkakatuwaan? Bakit nyo kinuha ang Key Chain na yan?! Di nyo ba alam na masama ang kumuha ng Gamit na hindi nyo Naman inyo! Di Nyo alam ang kapalit nyan pero Mas Malaki ang mawawala sa inyo pag naningilin ang may ari nyan. Kaya ibalik nyo yang keychain na yang sa lalong madaling panahon."-Lolo Isko

_Hindi nalang nagsalita ang Tatlo, At hindi nila Ibinalik ang Keychain. Doon na kami, Nagpalipas Ng Gabi, sa kotse ni Mike. Habang natutulog ako, Bigla akong nakaramdam ng Bigat ng katawan, Pakiramdam ko May nakapatong na tao sa leeg ko, Gumising ako, Nung Nagsalamin ako sa salamin sa Harap ng kotse ay nagulat ako, nakita ko ang batang babaeng duguan ang mukha, ang Sunog ang buong katawan nya. Naghihihiway ako, Ipinikit ko ang aking mata, At nung pagbukas ko'y umaga na pala, at Ginigising nila ako kasi humiyaw ako habang natutulog. Nagulat sila't nagising dahil doon sa Paghiway kong yun. Tinanong nila ako kung bakit, Pero hindi ako nakapagsalita sa takot. Lumabas ng Kotse si Mike at nagulat nalang sya kung bakit may karga naman nang gasolina ang Kanilang Kotse. Dahil doon ay Pinagpatuloy namin ang aming Biyahe. Hanggang ngayon di ko pa Makalimutan ang nakakatakot na panaginip kong iyon, Hanggang sa Umalis na kami sa lugar na iyon, Muli kong nakita ang batang babaeng naka white sa Gilid ng Daan, Pinagmamasdan ako, Pero nung Nadaanan na namin sya'y nilingon ko sya, At biglang nawala nalang na parang bula ang Batang babae._

>>>>>Next Chapter<<<<<

The KeychainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon