The Mystery Of the Keychain 2

26 1 0
                                    

Kinabukasan Nakita na ang bangkay ni Romel, Karumaldumal ang Pangyayari, Pero, Ang Mas nakapagtataka at nakakakilabot ay Yung Keychain, Nasa kamay nya, Hawak nya! Bakit nandoon, Ibinalik nanamin, Si Angela nanaman kaya ng Gumawa nito? Bakit? anung Kaylangan nya sa amin? Hindi Ako nakatiis na malaman kung anu talaga ang Mga Pangyayari, Nais ko pang Maghanap ng Ilang Impormasyon, Bumalik kami ni Mico sa Bahay nila angela, Ibinalik namin yung Keychian doon, Pag labas namin ng Gubat, Nakita namin si Lolo isko, "Bakit? Hindi parin ba matahimik si Angela, Nanggugulo parin ba sa inyo? Huli na ang Lahat pag Nakita nyo na ang Mata nya sa Keychain, Hindi nyo sya matatakasan, Mamamatay kayo." ang sabi ni Lolo isko sa amin.

"lolo gusto ko pang malaman ang ilang impormasyon, Kailangan kong Malaman ang lahat, Para tumigil na si Angela."-Me

"Naikwentu ko na ang lahat sa inyo, Ang Tanging Alam ko nalang ay Dapat mamatay ang Babaeng Itinakda na Magdala ng Kasamaan sa Mundo... At Yun ang Kailangan nyong malaman kung sino."-Lolo Isko.

"Pero lolo isko? ang Gulo! Hindi namin sya mahanap."-Me

"Ako rin, Matagal ko nang gustong hanapin sya, Pero, Bulag na ako, hindi ko na sya mahahanap,"-Lolo isko.

Umuwi kami agad, Ilang Araw din na hindi kami Nagkikita ni Mico, ako naman kasi, Busy sa paghahanap ng Mga sagot sa tanong ko, Hanggang sa isang araw napadalaw ang Dating kaibigan ni Papa na Wood cutter, Kinamusta nya ang Papa ko at ang pamilya ko. Nag usap sila ni Mama, Pagkatapos nun ay Ako naman ang Kumausap sa kanya, Tinanung ko lahat ang tungkol sa mga pinuntahan nila Papa noon, Hanggang sa Nabanggit nya yung Sitio Kapalaran. Yun daw yung huling pinuntahan na alam nya, Yun daw ang huli, Pero hindi nya alam kung saan yun. Umuwi na sya, At Nakahinga ako ng Maluwag kasi ang Huling pinuntahan ng Papa ko ay Ang Sitio Kapalaran, at Hindi sa Bahay nila Angela, sa gubat kung saan nandodoon ang Bahay nila angela. Pero, Sa kalagitnahan ng Gabi, Nanaginip ako, Nakita ko yung Pagkamatay ni Mike, Ni Wilson, Ni Ivy, at Ni Romel, Nakita ko kung paano sila pinatay ni Angela, At Ang Lagi nyang sinasabi, ay yung salitang mama, Yung Una at Huling salitang nagawa nya sa buong buhay nya. hangga't sa natapos, at si Angela nalang ang Natitira, Unti unting lumiwanag, at nakita ko si Mico, Lumalapit si angela kay Mico, may hawak syang patalim at Sinaksak nya si Mico, Umiiyak ako, Hindi ko sya magawang iligtas, Hangga't sa namatay na si Mico, Sa akin naman lumapit si Angela, Sabay hinawakan nya ako sa mata. Unti unting nawala si Angela, at pagmulat ko ng mata ko, nakita ko ang nakaraan. mula sa nasunog ang mukha ni angela, Hanggang sa Pinatay sya ng Woodcutter, Hindi malinaw ang Mukha ng Wood cutter, hindi ko nakita yung mukha nya, hindi ko sya nakilala. pagkatapos nun ay bigla nanamang nandilim ang lahat. at nag salita si Angela "Mama". at doon na ako Nagising, nakita ko ang mama ko, Ginigising nya ako, Kasi nagsisisigaw daw kanina ako habang natutulog.

Nabalitaan yun ni Mico, kaya naman ay pinuntahan nya ako, Dinamayan nya ako at nakinig sya sa lahat ng aking mga napanaginipan.

Lagi kong iniisip kung sino kaya ang susi at sagot sa aking mga tanong, Desperadang desperada na ako, pero, hindi malinaw ang lahat, sa akin, walang sino man ang nakakaalam kung anu talaga ang nanayari. at sino ang wood cutter at ang babaeng itinakda.. kaya naman kinagabihan, humiling ako kay angela ng clue sana mapanaginipan ko sya at sabihin kung sino ag pwedeng makasagot sa tanong ko.

Kinagabihan nga... Napanaginipan ko si Angela, pero, "mama" lang ang lagi nyang sinasabi sakin... Walang iba, Hindi lang yun yung gabing napaniginipan ko yun.. Kundi gabi gabi, at lagi akong napapaisip, at sa tuwing gumigising ako, Laging si Mama ang una kong nakikita. Hanggang sa isang araw, Habang nagliligpit ako ng Mga gamit ko sa Cabinet, Biglang nahulog ang dalawang litrato, yung litrato ng Papa ko, at yung litratong inibulsa ko noon na sunog. Sabay ko silang Pinulot, at napansin ko, Parang.. Yung puno, sa likod ni papa, ay nasa Litrato din ng sunog na Litrato, Pati yung bahay.. magkapareho. Doon ulit ako kinabahan na baka nga si papa ang May kasalanan sa pagkamatay ni Angela, Bumaba ako ng Bahay, Nakita ko si mama, Nakaupo, Nilapitan ko sya. nung lumingon sya sa kin, nakita ko yung mga mata nya, Parang sapa. Naiiyak na sya. "Bakit ma? anung problema?" ang tanong ko sa kanya. "Wala, naalala ko lang ang papa mo," ang sagot nya sa kin, Pero maya maya din ay nagsalita ulit sya. "Anak, Lagi kang mag iingat. Wag kang magpapalinlang. wala kng kasalanan sa nakaraan." Bigla akong nbapaisip sa sinabi ni mama sa kin, Tinanong ko sa sarili ko kung anu nga bang ibig sabihin ni mama? anung meron sa nakaraan? kinagabihan, nanaginip ulit ako, Nakita ko ulit si Angela, "mama" sya ng mama.

Hangga't sa ginising ulit ako ni mama. Doon ko napagtanto, Na baka ibig sabihin ni Angela, Na si "Mama" ang dapat kong lapitan para malaman ang lahat lahat ng tanong ko.

Pagbangon ko, kinausap ko sya agad... Di na ako nagpaligoy ligoy pa. "Ma, Gusto kong malaman, ang Tungkol Sa nakaraan, Anu ba talaga ang nagyari?" ang tanong ko Sa mama ko...

Sumagot sya, "anung ibig mong sabihin, anu ang kailangan mong malaman Sa nakaraan. Walang anu Sa nakaraan.. At Hindi mo na kailangang malaman kung anu man iyon.." ang sagot nya Sa kin, sabay lumabas Sa aking kwarto, sinundan ko sya,

" Ma... Parang awa mo na, kailangan Kong malaman ang lahat Para malaman ko ang matagal ko nang tanong at Para malaman ko kung Sino talaga ako, ang dapat Kong malaman, na Hindi ko pa nalalaman tungkol Sa aking nakaraan. Pls ma.. Pls."-me

"Hindi.. Ayaw ko.. Ayaw Kong magulo ang buhay mo."-Mama

"anung magulo ang buhay ko ma? Anu Ba talaga ang nangyari Sa nakaraan, gusto Kong malaman ang lahat Kasi, gulong gulo na ako ma."-Me

"Hindi... Natatakot ako Para sayo.."-Mama

"natatakot? Bakit matatakot ka? Ikwekwento mo Lang naman ang lahat ma, Kasi, Gabi Gabi akong ginugulo ni Angela. At desperada na akong malaman kung bakit."-Me

"Angela? Kilala mo sya? Kaylan pa?"-Mama

"Kilala nyo sya ma? Ibig sabihin nun, May alam ka, Ibig sabihin nun ako yung babaeng itinakda? Totoo ba iyon ma? Ma?! kaylangan ko ng sagot mo, Kaylangan kita para malaman ko ang lahat lahat! Parang awa mo na mama. Nakikiusap ako syo, sabihin mo lang ang lahat sa kin ma, Maawa ka sa kin."-Me

"Papa mo.. Ang Pumatay kay Angela."-Mama

Nanlaki ang Mata ko at napanganga sa Komirmasyong Si Mama mismo ang nag sabi na si Papa ang Pumatay kay angela, Wala akong nagawa noon kung hindi, Umupo, at Umiyak, Ipinaliwanag at ikwenento lahat ni Mama, Noong Ipinanganak daw ako, dumating ang papa ko Galing Sa Sitio kapalaran kung saan nakatira sila Angela, Nakahawak nun ang papa ko ng Susi kasama ang Keyhchain, Nagtaka si Papa kung bakit naisama yung keychain, ngayo'y iniwan nya ito, Duguan pa si Papa noon, Nakahawak din sya ng Isang sako ng ginto, Mabigat man pero kinaya nyang buhatin pauwi ang Ginto para sa amin, Pero pag dating nya sa bahay, Ipinanganak ako, Nun lumabas na ako, Biglang Nandilim ang Buong kalangitan, Umulan ng Malakas at Nagkaroon ng malalakas na pagkulog.  Biglang may anino ng isang batang babae ang nakita nila papa. "Mama" yung ang sinabi nya, Si Angela, Pagkatapos Nun ay Biglang Naging usok yung anino at pumasok sa Katawan ko. Nandilim ang mata ko pero, Maya maya'y Naging normal din ang aking mga mata. tinanong ni Mama si Papa kung anu talaga ang Nangyari, Inamin ni papa ang lahat, sa una, Hindi nya kayang patawarin si Papa, Pero, dumating ang isang araw na nagkasundo sila, Naging masaya ang aming samahan Pero, Isang araw namatay si Papa sa isang karumaldumal na pangyayari, Hindi namin maaasahan yun, ang Hindi ko alam, Pinatay pala sya ni Angela. Simula non ay nagpasya si Mama na ilihim nalang ang lahat sa akin para hindi ako mapunta sa lugar kung saan nakatira si Angela, at Hindi matupad ang sinasabi nilang Itinakda na Magbibigay ng Lagim sa Mundo. 

Pagkatapos nyang ikwentu ang lahat, Lumabas ako ng kwarto nakita ko yung pintuhan sa labas na parang may nagsara, narinig ko ring may Nagpaandar ng Kotse, Sinilip ko Pulang Kotse na tulad sa kotse ni Mico. 

Hindi namin alam, Narinig lahat ni Mico ang usapan namin at Hindi ko alam na may balak syang... 

PATAYIN AKO...

Dahil Ako Ang itinakda...

>>>>>Next Chapter<<<<<

The KeychainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon