Prologue

2.2K 92 7
                                    

"Jinky!" pagtawag sa pangalan ko.

Isang beses akong lumingon bago ipinagpatuloy ang ginagawang pagliligpit sa mga gamit ko. Nalikom ko na ang mga gamit ko, tinatapos ko na lang linisin ang ilang kalat para hindi naman nakakahiya sa susunod na gagamit nitong table.

"Jinky... ba—bakit?"

May humawak sa braso ko, hindi na ako nagulat kung sino iyon dahil kilala ko naman ito. Isa siyang malapit na tao para sa akin, bestfriend kung ituturing.

"You know what it is, Elsa. Hindi mo na kailangan pang magtanong," seryoso kong pahayag habang abala pa rin sa ginagawa.

"Oo, alam kong nagliligpit ka. Bakit nga? Aalis ka ba?"

Napahinga ako nang malalim. Nang matapos maglinis ay tumayo na rin ako. Roon ko lang ito binalingan. Tipid akong napangiti at saka hinawakan ang balikat niya.

"Sa totoo lang ay ayokong gawin ito, pero naisip ko kasi na ito ang tama. Hindi lang ako lumalayo para sa inyo ni Andrew— para rin sa akin, Elsa. Gusto ko munang magpakalayo-layo, magpahinga at matuto sa mga mali ko. Ayokong dumating sa punto na tutularan ko si Cheryl dahil totoong nararamdaman ko iyong pinaghuhugutan niya. So, thank you for everything— sis, kumare, sissy, friend, Elsa."

Elsa Adsuara... ang babaeng higit kong minahal bilang kaibigan, na hindi ko aakalaing pareho kaming hahantong sa ganitong sitwasyon.

"Paano naman ako?" kaagad niyang tanong.

"Don't worry, I'll be back."

Sa paglayo ko ay hindi ko malaman kung saan ako pupunta, kasi sa totoo lang na maliban kay Elsa at Andrew ay wala na akong malalapitan. Sila lang naman iyong naturingan kong malapit sa akin, sila iyong mga tinanggap kong kaibigan.

Sila rin ang tumanggap sa akin na gaano man ako itinataboy ng pamilya ko ay silang dalawa ang sumalo sa akin. Ngayon na wala sila ay parang nagkaroon ng puwang ang puso ko— parang may kulang sa pagkatao ko.

Hindi ako masaya dahil literal naman na nasasaktan ako. Sila iyong pangunahing rason ko kung bakit kailangan kong lumayo, ilang taon din akong na-suffocate sa sarili kong pagmamahal kay Andrew.

Gusto kong mag-unwind, magpahinga at lumimot kahit sandali lamang. Hindi biro iyong mahabang panahon na inilaan ko para hintayin na maka-move on si Andrew sa ex-girlfriend nito. Bandang huli ay malalaman kong si Elsa pala iyon.

Nagtataka nga ako, bakit parang masyado naman akong ginigipit ng tadhana? Iyong dalawang tao na malapit sa akin ay parehong may nakaraan pala. Pakiramdam ko pa ay pinagtaksilan ako kahit hindi naman.

In the first place, unang napunta si Andrew kay Elsa kung kaya ay walang agawan na nangyari. Walang inagaw sa akin, ako lang itong umaasa dahil akala kong may pagkakataon at may pag-asa ako kay Andrew.

Hindi ko nga alam kung ako lang ba talaga itong assuming? O masyado lang ding pa-fall si Andrew? He gave me a mixed signal. Akala ko ay gusto niya ako. Dala lang pala ng galit niya kay Elsa kaya niya ako nilapitan— ako ang ginawa nitong panakip-butas at pangsalag para maka-move on siya.

Ewan ko, ano man ding isipin ko para ma-justify itong sakit na nararamdaman ko ay natapos na. Wala akong karapatan na kwestiyonin silang dalawa. Sadyang nasasaktan lang talaga ako after all the amount of efforts I've done.

Sa reyalisasyon pang wala na akong mapuntahan ay napadpad ako rito sa Isla Mercedes. Hindi ko rin mawari kung bakit dito pa; sa lahat pa ng lugar sa mundo?

Kung sabagay, wala na nga rin palang tatanggap sa akin. Maging ang sarili kong pamilya ay pilit akong pinagtatabuyan. Mas lalong wala na akong halaga sa kanila dahil wala na akong trabaho.

Nights Of PleasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon