CHAPTER ONE

6.6K 104 16
                                    

FEBRUARY 14--Mataman kong tinititigan ang kulay pula na markang nakabilog sa date ng kalendaryo sa ibabaw ng desk ko.

 I dreaded that day to come. I hate it. Unlike the other working cubicles around me who are looking forward for that day to come.

Ipinatong ko ang kaliwang pisngi sa katiting na espasyo sa mesang kinalalagyan ng keyboard ng working computer ko. Gusto kong iumpog iyon sa mesa.

"MS. BUSTOS, hindi mo ito kama para tulugan mo."  Mataray na boses  na nagpatuwid sa aking pagkaka-upo.

"Yes, ma'am. Ay! No, ma'am! Ay! I mean, hindi pa po ako tulog, ay peste! Hindi ko nga po ito kama." Mabilis akong tumayo para harapin ang supervisor ng kumpanya ng Mob.Com na pinagtatrabauhan ko.

"Peste? Ako? Aba't Ms. Bustos, hindi ka binabayaran dito para magmura at matulog. Alam mo naman sigurong bawal magmura sa kumpanyang ito lalo pa't kada-minuto kayong kumakausap sa mga customers na tumatawag. Iyan ang trabaho mo bilang customer support."

"Naku! Hindi ho, ma'am De Jesus. Hindi ko kayo minura. Nadulas lang ho ang dila ko. Hindi ko ho sinasadya." Halos pagpawisan ako sa sobrang kaba na baka masisante ako. Ito kasi ang ikatlong demerit ko, ibig sabihin, malaki ang tsansa na matigok ako sa department na ito at ma-demote, o masisante.

"Nakakatatlo ka na. Umayos ka. Come to my office before your shift ends today." Pinandilatan niya ako bago tumalikod para sa ibang cubicles naman manakot- este, mag-rounds.

Umayos ako sa pagkaka-upo. Inayos ko rin ang headphone na nasa tainga. Naghahanda akong sumagot sa susunod na tawag. Tiningnan ko ang maliit na kalendaryong nakaupo sa aking lamesa, nainis uli ako kaya itinaob ko iyon. Napabuntung-hininga ako't sinagot ang tawag na kapapasok lang.

This is going to be a long day again. A long boring life that I have to live every day. I can feel it dragging me all the way to my grave. Ipinilig ko ang ulo. Work, work, work! Concentrate, Violet, duldol ko sa isip.

I hate my life. Yes, I know. Mahalin ang sarili para mahalin ka rin ng iba, hindi ko alam kung saan ko narinig o nabasa ang phrase na iyon. Marahil sa internet, o baka libro. But who cares, it does not apply to me. I tried to do it but I failed. Hindi lang isa, limang beses pa sa loob ng sampung taon. Peste lang, ganoon ba ako kahirap mahalin?

"Hello? Are you listening to me?" sigaw sa kabilang linya.

Humila ang sigaw na iyon sa naliligaw kong isipan. Mabilis kong sinagot ang babaeng kausap ko na kanina pa putak nang putak tungkol daw sa linya ng internet niya na sobrang bagal.

"Yes, ma'am, I'm listening. Katulad po ng sinabi ko kanina, kung mabagal po ang paggana ng cellphone ninyo habang naglalaro kayo ng candy crush, iyon po ay dahil sa dami ng mga app na naka-install sa device ninyo. Minsan po may kasamang bugs at virus ang ilang app kaya I suggest po na burahin ang hindi naman po ninyo masyadong ginagamit na app, o kumuha po kayo ng virus cleaner para protektahan ang device ninyo."

"Namemera na naman kayo! Ang sinasabi ko lang ay mabagal ang internet ko kaya ayusin ninyo. Ang mahal-mahal ng ibinabayad ko kada-buwan tapos wala ka namang maitutulong. Tawagin mo nga ang manager mo!" patuloy ito sa pagsigaw kaya nailayo ko ang headphone sa tainga.

God! May mga tao talagang hindi marunong makinig at ipinipilit ang alam na minsan ay wala naman sa lugar. Did I say I hate my job? Peste, dahil sa mga customer na katulad ng kausap ko, ang hambog na nga, ayaw pang makinig.

"Ganito na lang ma'am, pakisunod na lang ang steps na sasabihin ko," at mahinay kong muling ipinaliwanag ang dapat nitong gawin. Kung hindi siya satisfied mamaya, tumawag na lang uli siya, at sana ay hindi uli siya sa akin matoka.

Virgin for SaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon