ALALAY? Hmp! No way!
Ipinilig ko ang ulo. Nilabanan ang pagpasok sa isipan nang mga nangyari kanina sa silid ni Mr. Elizar.
Alalayin mong mukha mo!
Pasalampak akong naupo sa gilid ng aking kama. Gumawa ng ingay ang pagbagsak ko roon, mukhang tumama ang spring box ng kama sa sahig. And then I heard my mom's voice from downstairs.
"Violet! Ingatan mo nga iyang kama mo! Aba't kabibili mo lang iyan a?"
Umismid ako. Tumayo at tumambay sa bukas na pintuan. Itinutok ko ang paningin sa ibabang hagdan sa may sala.
"Anim na buwan na, 'Ma, ano ba? Tsaka pera ko naman ang ipinambili ko sa kama ko e!" I folded my arms and rolled my eyes at the same time.
"Pera mo na kung pera mo, pero hindi ibig sabihin ay magpapalit ka ng kama kada-sira mo. Mag-diet ka na nga kasi!"
"God! 'Ma! Will you please stop saying that? I like what I am and just accept that!"
Hindi ako nakarinig ng sagot. Sa halip ay narinig ko ang mga yabag ng tsinelas ni mama paakyat ng hagdan. Matigas ang reaksiyong lumapit siya sa akin. Lalo akong napaismid.
"I am just worried about your health, Violet. Tingnan mo ang daddy mo, nang dahil sa kakakain, hayun, inatake at muntikan na siyang mawala. Bata ka pa—este, may edad ka na, teka, paano ba ito..."
I could have smacked her if I chose to be rude, but given she was my mother and she still takes care of me, she deserved my respect.
"Kung sa edad nang pagnonobyo, aba, may edad ka na para hindi man lang magkaroon ng isa. Pero para mamatay dahil sa katawan mong iyan, bata ka pa. Iyon ang ibig kong ipakahulugan." Duro pa niya sa akin.
I pictured myself as an eight-year-old girl stuffing herself with chocolates, while her face and dress was covered with stain from it.
They were so disappointed when Rico and I broke up. Feeling kasi nila ay manugang na nila si Rico noon. Pero gaano man katagal ang isang relasyon, wala pa ring kasiguraduhan iyon. Even with marriage couples, cheating is unavoidable.
Pesteng 'walang forever' na 'yan, sino bang nagpauso niyan at nang maputulan ko ng dila?
"Violet, nakikinig ka ba sa akin?" Pumitik si Mama sa mukha ko para agawin ang atensiyon ko.
Kung pwede lang na hindi, I smirked in my head.
"Siya nga pala, dadalawin namin ang lolo't lola mo sa probinsiya bukas. Isang linggo kami roon. Please naman, lumabas ka, pwede? Huwag mong iburo rito sa bahay ang buhay mo. Have fun. Make yourself visible to men out there." Ikinampay pa niya ang mga kamay paturo sa katawan ko.
"Ano ako, pokemon? Kung interesado talaga sila sa akin, sila ang lalapit. Ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin." Umismid ako.
"Ay! Adelantada ka ngang babae ka!" Mabilis siyang lumapit para kurutin ako sa tagiliran.
"Mama! No!"
Pero huli na. Napapadyak ako sa sakit. Kung makakurot pa naman siya, sagad-sagad. Hindi pa kontento, hihilain pa niya iyon paitaas. Feeling niya siguro stretchable ang balat ko. Akala siguro niya hindi ako masasaktan dahil sa pagkapatong-patong ng aking mga bilbil. I looked at her vengefully.
"Ibaba mo iyang mga mata mo kung ayaw mong tusukin ko ang mga iyan!" Pinandilatan niya ako sabay duro ng dalawa niyang mga daliri sa mga mata ko.
"Ma' naman e! Hindi na ako bata para kurutin mo pa rin!" Hinimas-himas ko ang parte ng balat kong kinurot niya. Gusto kong umiyak sa sakit at hiya sa sarili.
BINABASA MO ANG
Virgin for Sale
RomanceFat? Ugly? Old? Ignorante ka ba? O baka kinulang ka lang ng kabaitan sa mundo? Sabagay, hindi iyon inborn, kundi natututunan. And excuse me! I am not fat--I'm curvy. I am not ugly--at least not like your face. I am not old--nag-iipon lang ako ng wis...