BRIDE for Rent--I just finished watching it. E kung singuwapo ba naman ni Xian Lim, why not? Napangiti ako sa sarili.
Nasa church activity sina Mommy at Daddy ngayong araw ng linggo. Nagpa-iwan ako dahil wala ako sa mood na lumabas. Nag-movie marathon ako sa aking silid, at lumantak ng dalawang kahon ng pizza na in-order.
Nag-break muna ako at nag-browse sa internet. Iniwasan ko ang facebook, gusto ko na ngang burahin ang account ko e. Puro romansa ang nasa feeds ko dahil nga buwan ng Pebrero ngayon. Naghahanap ako ng movie na pwedeng panoorin.
Natigilan ako sa isang title na nasa screen ng computer ko na bumungad sa akin- VIRGIN HAVEN, in bold letters ang nakasulat. Naitaas ko ang kilay. Na-curious. Kaya naman pinindot ko iyon at napunta ako sa isang website. Pula ang layout ng site. At sa home page ay may nakasulat na:
If you are not a virgin, do not sign up.
Natawa ako, sobrang tawa. Peste, ano ito? Nagdalawang-isip ako kung anong gagawin. Magre-register ba ako? Well, for one, I'm a certified virgin, but what for? Is this a porn site? Or trafficking maybe? My curiosity is eating me out. Nakagat ko ang labi, nag-iisip.
Shit. What am I doing? This is stupid. Tumayo ako para magbanyo. Baka sakaling pagbalik ko ay mawala na ang curiosity ko sa website na ito. Pero minadali ko ang pag-ihi at mabilis na bumalik sa silid ko. Naroon pa rin sa screen ang website, parang hipnotismo na hinihikayat akong mag-register.
Kinuyom ko ang mga palad. No. turn it off, Vi. Virus lang iyan. Pangungumbinsi ko sa sarili. Pero sadyang mahina ako sa tukso. Tinalo na ako ng kuryosidad ko. Mabilis akong umupo at nag-register. Kinakabahang pinanood ko ang pag-ikot ng pulang arrow habang naghihintay na mabuksan ang laman niyon.
Peste. Peste. Peste ka, Vi. Kinutkot ko ang aking mga kuko.
Tumayo ako at lumayo sa desktop dahil sa sobrang nerbyos. Umupo ako sa paanan ng kama at niyakap ang malaking puting teddy bear na siyang kata-katabi ko sa pagtulog. Shit, what did I do? Pinanginigan ako ng katawan. Looks like I'm going to be in trouble.
Welcome Virgins. Please take note that you are not required to expose your real identity. Be reminded that this site does not take responsibility for anything that will happen to you. Check the box for the terms and conditions for using this site before you can proceed.
What? Napa-iling ako. Natatawa. Pero dahil curious pa rin, nagpatuloy ako. Binasa ko ang About Us page, it does sound safe after reading it. Iyon nga lang, importanteng gumamit ng alias dahil nga hindi mo alam kung sino, o ano ang layunin ng mga naririto sa website.
The site teaches, advices, exchanges ideas about their self being a virgin. My age limitation din, twenty and up. May hihiningi lang na ID number ng kumpanyang pinagtatrabauhan ng member.
So, our identity is not one hundred percent safe after all because the site can find out this thing. But that's the risk I have to take if I want to continue to be here.
What the hell, what's there to lose? Kahit saan naman ay exposed na ang identity ng bawat isa. Nasa computer age na tayo, may access ang bawat technology sa pagkatao ng bawat isa. Natawa ako, alam kong binibigyan ko lang ng justification ang kagagahan ko. I don't care, I'm curious.
Alias? Napangisi ako sa naisip na pangalang gagamitin. I typed, Virgin4Sale, and I left the rest of the form blank that is not required. Inilagay ko ang phone number ko para maka-receive ako ng notification sa mobile phone ko. Nangingiting umalis na ako sa website na iyon tsaka inayos ang sarili para matulog.
BINABASA MO ANG
Virgin for Sale
RomanceFat? Ugly? Old? Ignorante ka ba? O baka kinulang ka lang ng kabaitan sa mundo? Sabagay, hindi iyon inborn, kundi natututunan. And excuse me! I am not fat--I'm curvy. I am not ugly--at least not like your face. I am not old--nag-iipon lang ako ng wis...