Chapter Five
Mr. Eclipse
Mga bebe ko. This chapter is Saoirse's point of view. Ito na ang purong wikang Filipino. Hahaha joke, kailangan pala niyang mag-ingles paminsan-minsan. Hihihi sana po magustuhan niyo.
*^* = *^* = *^*
Kakabili ko lang ng miryenda sa tindahan pagkatapos ng part-time job ko. Grabe ang init na talaga dito sa Tuguegarao hindi ko na kinakaya. Napansin kong may isang matandang lalaki na nakahiga sa gilid ng kalsada. Nakakaawang tignan dahil wala siyang patungan o silong sa ilalim ng nagbabagang init ng araw.
Muntikan ko ng maitapon 'tong ensaymada ko ng bigla siyang bumangon at hinimas ang kanyang tiyan. Gutom na gutom na ako pero tinitigan niya ako ng nakakaawa. Wala pa nga akong isang higop at kagat dito sa mga binili kong coke at ensaymada, pero itong paa ko lumapit agad sa matanda at nagsarili naman ang kamay ko sa pagbigay ng pagkain sa kanya.
"Eto po oh. Hindi po ba kayo naiinitan?" tanong ko sa matanda na nagpasalamat pagkatapos kong ibigay ang pinakamamahal kong miryenda.
"Mainit ija, pero kaya kong humiga dito kahit kailan ko gusto." sagot ni lolo. Ang strong ni lolo, in fairness.
"Hay nako lolo, kung gusto niyo pong magpahinga, pwede naman po kayong pumunta sa bahay ko at doon kayo tumuloy." Alok ko sa kanya at hinila na siya bago pa siya magreklamo.
Mga ilang minuto na ang nilakad namin ngunit hindi pa kami nakakarating sa bahay at ubos na rin ni lolo ang miryendang ibinigay ko sa kanya.
"Lolo, sorry po ah, medyo malayo-layo kasi yung bahay sa pinag-isteyan niyo kanina. Pero promise po, konting kembot nalang at makakarating rin tayo doon." Tumawa ako ng parang ewan para hindi mapagod si lolo.
"Titiisin ko ija, kahit hanggang saan pa yan." Kaloka si lolo, humhugot pa sa lagay na 'to.
Pagkatapos ng mahabang lakbay namin ni lolo, nakarating rin kami sa bahay ko. Yes, proud na proud ako sa bahay ko kahit parang isang kwarto lang ang laki niyan at malayo sa mga pinapasukan kong trabaho. Tago rin ang bahay ko, hindi madaling manakawan.
Pinapasok ko muna si lolo sa loob at pinagtimpla ng malamig na juice. Gosh, gutom na talaga ako. Kumuha ako ng dalawang baso at nilagyan ang mga iyon ng natempla kong juice.
Inilapag ko ang mga ito sa munti kong lamesa.
"Lolo oh, inom po kayo ulit. Alam kong napagod kayo sa paglalakad kanina." Sabi ko kay lolo pero bigla siyang tumayo.
Nagulat na lamang ako ng bigla siyang may hawak na stick, ni hindi ko alam kung saan yun nagmula. Wala naman akong stick na ganyan ka haba dito sa bahay at wala rin siyang hawak-hawak kanina.
"Lo, 'wag niyo po akong paluin, alam ko pong wala akong biscuit or crackers pero please upo na po kayo. Atsaka 'yan lang po ang budget ko, hehe" Pakiusap ko kay lolo.
BINABASA MO ANG
The Rabbit Prince
FantasíaA historical and fantasy story about a prince who escaped from the moon and got stuck in the apartment of an unemployed girl who struggles to find a job and a lover. PS. This is not based in any historical story, this is my own thoughts.