[14] Rabbifé

21 1 1
                                    


Chapter 14

Rabbifé


Nagising akong katabi na si Leo habang nasa paanan naman namin si Ren na pilit na isinisiksik ang sarili sa natirang espasyo ng higaan ko.



Naalala kong binigay ni Leo kagabi yung uniforms namin at nakitulog dito. Kaya ngayo'y katabi ko na siya sa kama.




"Ang pogi hihi." bulong ko habang minamasdan ang mukha niya at dahan-dahang nilalaro ang kanyang mahahabang mga pilik-mata. 





He suddenly groaned and opened his eyes. Kaya naiwan ang hintuturo ko sa ibaba ng kanyang mata.




"Good Morning." he greeted. I gasped when I heard his husky voice and saw his sweet morning smile.





Bigla niya akong hinawakan sa may pulso at hinila ako palapit sa kanya. Sobrang nagulat ako sa akto niya kaya nanlaki ang aking mga mata.



"Sorry, I didn't mean to do that. It's just that you look so angelic when you—" paliwanag ko sa kanya but he shush me and spoiled me his dimple.





Masyadong malapit ang mukha niya sa mukha ko at dama ko ang mabango niyang hininga.





"A cute little girl in a good cozy morning." bulong niya and he silently chuckle.



Dali-dali kaming naghiwalay at nagpanggap na tulog nang biglang nagising si Ren, lumapit ito sa akin at naramdaman ko ang pagdapo ng kanyang labi sa aking noo.



"Good morning, master." bati niya at lumabas ng kwarto.





Nang hindi na namin maramdaman ang presensiya ni Ren, hinila muli ako ni Leo palapit sa kanya para idikit ang noo naming dalawa at sabay naming pinikit ang aming mga mata.





"He's annoying." panimula niya. I opened my eyes and saw him glaring at me.





"He's innocent." pagtanggol ko. Pumikit muli siya at hinawakan ang likod ng leeg ko. Inilapit niya ako sa kanyang dibdib at tuluyang niyakap. Syet na malagket.




"A-anong ginagawa mo? H-hindi ako si Angela." nauutal kong sabi habang kumakawala sa mga yakap niya.




Anong espirito kaya ang sumapi sa lalakeng ito? Sasabog na po yung puso ko maya-maya. Gabayan niyo po ako. Amen!

The Rabbit PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon