Chapter 7
Stars can't even beat it
Saoirse's POV
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kay Leo, napakahirap ko ba para gawin niya ang lahat ng iyon? Dinala ko na nga yung pitaka ko para sana mailibre ko si Rabbit Prince sa sarili kong pera. Pero anong ginawa niya, hindi porket may-ari siya nitong building na 'to uutusan niya lahat ng staff na kung ano mang bibilhin ko dito ay libre.
Pero dapat nga masaya ako hindi ba? Pero nakakasakit lang kasi ng pride, parang sinabi niya na rin na isa akong hampas lupa. Kaya gusto kong manalo dito sa event para malibre ako sa sarili kong effort.
"Punta na tayo dun sa nireserve kong table natin." sabi ni Angela sa amin. Si Leo naman, hindi ko alam kung anong nangyari pero yung mukha niya parang najejebs. Madami namang banyo dito sa mall, ba't ayaw pa niyang pumunta.
Nang nakaupo na kaming apat sa sinabi nilang assigned table for Mr. Roque (edi wow), nagsimula na rin mag salita ang MC. Ang gandang tignan ng paligid kasi madaming taong umattend, siguro dahil sa prize.
"My fellow hares and bunnies, signing up is already over. We have a total of 138 girl contestants and 54 boy contestants. Phew that's a massive amount of contestants. 30 judges will start the observation now. Good luck and Happy Easter, everybody." Saad ng naka costume rin na MC bago bumaba doon sa may stage.
"Leonille okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Angela kay Leo. Baka na-empacho na yan kaya ganyan ang itsura.
Lumingon ako kay Rabbit Prince na tahimik na nakaupo sa tabi ko. Itong isa naman ito, nakakanosebleed kung kakausapin mo. Turuan ko kaya mag-tagalog? Pero marunong naman siyang umintindi, baka tungangs lang talaga siya.
"Yes." Mabilis na sagot ni Leo at tumingin sa judge na papunta sa amin.
Kinalbit ko itong si Rabbit Prince, lumingon naman siya kaagad. "How do I look?" tanong ko sa kanya habang naka-lukot yung labi ko sa kakangiti.
"You're the cutest bunny in the whole universe." Nabigla ako sa sinabi niya at dagdag pa nang kurotin niya ako sa pisngi.
"Leonille look at them, they are so sweet, why don't we do the same?" yaya naman ni Angela kay Leo. Suminghap lang si Leo at hinawakan nang mahigpit ang kamay ni Angela; napangiti naman ito ng napakalawak, mas malawak pa sa Pacific Ocean.
"Ahm, Ren do you want something to eat?" madaldal ba talaga itong si Angela, bakit kanina pa siya dada ng dada?
Oo nga pala, Ren ang ipinangalan ko sa kanya dahil yan ang second name ni Papa. Nasa ibang bansa kasi sila ni Mama, palagi naman nila ako pinapadalhan ng pera pero pang tuition ko lang 'yon. Hindi naman kasi ganun kalaki ang kinikita nila. At Orion kasi para siyang isang Star, galing naman siya ng moon hindi ba?
BINABASA MO ANG
The Rabbit Prince
FantasíaA historical and fantasy story about a prince who escaped from the moon and got stuck in the apartment of an unemployed girl who struggles to find a job and a lover. PS. This is not based in any historical story, this is my own thoughts.