You and Me are Meant to be ( chapter 10 )

348 2 1
                                    

     Naisipan nilang pumunta sa arcade bumili ng tokens si Rosalie at naglaro ng basketball. Binigay niya ang isang bola kay Kian.

Rosalie- one on one tayo gusto mo?

Kian- hindi ako magpapatalo sa'yo.
   
     Ayun na nga naglaro na silang dalawa hanggang sa pataas ng pataas ang score ni Rosalie kahit hindi naman ito marunong mag basketball. Lahat na yata ng ma laro sa arcade nilaro na nilang lahat maliban na lamang sa karaoke.

Toniet- sa susunod ka na lamang may klase na kami.
     Saad nito sa karaoke booth.
   
     Kanina pa nag-ba-vibrate ang cellphone ni Rosalie, hindi niya ito napansin hanggang sa makarating sila sa University. Nagpaalam na sila sa isa't-isa.

Ivory- mall tayo ulit pagkatapos ng klase.

Toniet- sige ba.
     Isang subject nalang ang meron sina Rosalie at Toniet ganun din kay Kian at Ivory tuwing biyernes maaga ang kanilang uwian.
     Chineck ni Rosalie ang cellphone nito at nagulat siya nang makitang maraming missed calls galing sa hindi niya naman kilala.

Rosalie's POV: sino 'to?

*ring-ring*

     Nag-excuse muna si Rosalie sa guro nito at lumabas sa corridor.

          Phone convo:

          Rosalie- hello?

          ???- hi Rosalie.

          Rosalie- sino 'to?

          ???- grabe nakalimutan mo na ako agad.

          Rosalie- pasensiya ka na hindi talaga kita kilala.

          ???- guess who?

          Rosalie- may kailangan ka ba? May klase pa kasi ako.

          ???- ganun ba.

          Rosalie- so, sino ka hu ba?

          ???- guess mo nga?

          Rosalie- tripping ba ito?

          ???- tripping? hindi a.

          Rosalie- kung hindi ito tripping baka siguro wrong number ka lang, sige bye.

     Inis na pinatay ni Rosalie ang cellphone nito.

Rosalie's POV: siguradong tripping yun.

     Napansin ni Toniet na parang naiinis ang kaibigan kaya tinanong niya kung anong problema.

Toniet- okay ka lang?

Rosalie- ang weird nang tumawag Toni.

Toniet- kilala mo ba?

Rosalie- hindi nga eh kahit boses hindi ko makilala kung sino.

Toniet- baka nang titrip lang yun.

Rosalie- mukha nga Toniet, nakakainis may pa guess-guess pa kung sino daw siya.

Toniet- hayaan mo na wag mo na ring sagutin.

Rosalie- block ko nalang yong number.

     Iniisip parin ni Rosalie kung sino yong tumawag, lalake ito kasi malalim ang boses hindi niya lang talaga kilala kung sino yun, hindi niya rin na block yong number nito. Pagkatapos ng kanilang mga klase gaya ng pinag-usapan kanina bumalik ulit sila sa mall at kagaya ng dati hindi sumama si Sandra.
     Nasa department store sila, tumitingin ng mga bags sinq Ivory at Toniet. Napansin ni Kian na ang tahimik ni Rosalie kaya tinanong niya kung okay lang ba ito.

You and Me are Meant to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon