You and Me are Meant to be ( final chapter 15 )

490 10 13
                                    

  Biglang tumunog ang cellphone ng dalaga at pareho silang nagulat ni Kian.

Kian's POV: ano ba yan. Panira ng moment..

     Tinanaw ni Rosalie ang cellphone nito at may mensahe mula kay batman.

Kian- sino yan?

Rosalie- s-si batman...    Nauutal na sabi ng dalaga.

Kian's POV: panira talaga ang batman na yan!

Rosalie's POV: hai....natigil pa, ang boang kasi sumulpot pa! Pero buti na nga lang, kinakabahan kasi talaga ako...hai next time. Kung may next time pa....

     Kasunod na araw sinundo ng binata si Rosalie. Nang nasa loob na ng kotse tahimik lang sila pareho. Ilang minuto ang nakalipas nakarating na rin sila sa University.

Kian- um....Rosalie?

Rosalie- yup?

Kian- about last night...

Rosalie- okey lang.

Kian- it's just that...I can't help myself.

Rosalie- can't help yourself?

Kian- you make me wanna kiss you.     Nagulat si Rosalie sa sinabi ng binata.

Rosalie's POV: O_O can't breath...

Kian- I think I'm-----

Rosalie- oh! Look at the time, hali ka na baka ma-late na tayo.

     Dali-daling bumaba si Rosalie sa sasakyan, kinakabahan siya mabilis na talaga ang tibok ng kanyang puso. Habang lumalakad sa hallway iniisip pa rin ng dalaga ang sinabi ni Kian na "you make me wanna kiss you".

Rosalie's POV: I make him wanna kiss me?..

     Hinawakan na lamang ni Rosalie ang dibidb niya pagdating niya sa silid-aralan, agad siyang umupo. Lumapit naman si Toniet at Sandra sa kanya.

Toniet- anyari sa'yo?

     Kinuha niya ang kamay ni Toniet at nilagay sa kanyang dibdib.

Toniet- grabe!! May humabol ba sa'yo? Ang bilis ng tibok ng puso mo.

Rosalie- si Kian kasi Toni eh...

Toniet- bakit anong nangyari?

     Binulong niya kay Toniet ang nangyari kagabi at ang sinabi nito kanina.

Toniet- kiss!!?

     Tumingin ang mga kaklase nila sa kanila.

Rosalie- wag kang maingay..

Toniet- hinalikan ka niya?

Rosalie- almost.

Sandra- hinalikan? sino?

Toniet- ni Kian si Rose.

Sandra- ano!!?

     Tumingin naman ulit ang mga kaklase nila sa kanila.

Rosalie- almost. Kinakabahan nga ako.

Toniet- Rose baka ito na. Magtatapat na siya sa'yo.

You and Me are Meant to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon