Chapter 1: Help me!

9 0 0
                                    

Hello guys. Sana maenjoy nyo itong first chapter. Thank you. Sorry din po sa mga bad words. Syempre bad boy eh. Natural na yun.

-
Sofia's Pov

Ang dilim dilim ng dinadaan ko. Napag disisyonan ko talagang dito dumaan sa park. 8:36 pm na. Kauuwi ko lang galing sa bahay ni Stephanie. Bestfriend ko.

Nagpasama kase akong mag asikaso ng mga aayusin para makapag transfer ako sa school nya. Nag suggest syang hatid ako. Pero sabi ko wag nalang. At may dadaanan pa ako.

Actually wala naman talaga akong dadaanan. Sinabi ko lang yun. Kase nahihiya na ako. Pero mukhang nag sisi.si na akong di pumayag. Nakakatakot dito.

Malapit lang kase dito sa park ang bahay namin. Kesa pag sa kabila pa dumaan.

Bigla nalang akong nakaramdam ng may sumusunod sa likod ko. Kaya binilisan ko nalang ang lakad. Maya maya liliko na ko sa isang iskinita ng may biglang may humila sa braso ko.

"Hey miss. Saglit lang. Nag mamadali ka eh. Sama ka muna sakin". Takot na takot ako. Nag pupumilit akong tanggalin ang mga braso ko na hawak nya. Pero ang lakas nya.

"Please bitawan mo ako!" Takot na takot na ako at parang bumibigat ang mga mata ko. Naamoy ko ang alak at sigarilyo sa kanya.

"Pag katapos kong gawin ang gusto ko sayo. Pakakawalan din kita miss". At dun na bumagsak ang mga luha ko na kanina kopa pinipilit.

Diko makita kung sino sya. Dahil sa sobrang dilim. At wala naman sigurong makakapansin sakin dito. Sa sobrang dilim ng paligid. Pero sumisigaw padin ako at nag babakasa kali.

"Tulong! Parang awa nyo na. Tulungan nyo ako!". Hanggang naramdaman ko nalang na may sumapol sa bandang tiyan ko. Sobrang sakit at parang nag didilim ang paningin ko.

"Wag kang maingay. Kung ayaw mong masaktan ulit". Oo sinuntok nya ako. At yun ang pinang hina ko. Bat nangyayare sakin to. Bat lagi nalang ganitong mga tao ang naiincounter ko

Hanggang my natanaw nalang akong ilaw. Mukhang nang gagaling yun sa sasakyan. Mukhang may napadaan pa dito. Kaya hinugot ko ang buong lakas ko para makasigaw kahit nanlalabo na ang paningin ko.

"Tu-tu loooooong..." Nauutal kong sigaw. Hanggang sa diko nalang namalayan ang nangyare.

Bumagsak nalang yung lalaking pumipilit sakin na isama ako. At ako ito nahihilo habang nakasandal sa pader. Sa bandang huli. Ang swerte ko padin pala talaga. Hanggang sa nawalan na ako ng malay.

Totally In-love With The Bad Boy.Where stories live. Discover now