Guys pag tiyagaan nyo munang basahin to. Para mas maintindihan nyo pa yung mga susunod na chapters. Ito po yung pinaka unang story na isusulat ko. Kaya sorry po kung may mga maling grammar or spelling. Comment nyo nalang po. Tas ieedit ko nalang po. Thank you. Sana po magustuhan nyo ito.
-Sofia Andrea Javier. Sya yung babaeng kahit anong iwas nya sa mga taong ayaw nya. Nag pupumilit padin ang mga itong maki eksena sa buhay nya. Lalo na ang katagang BAD-BOY.
Kahit anong pilit nyang iwasan ang mga ito sa buhay nya. Hindi padin maiaalis na makakita sya o maka sagupa sya ng mga ganitong klaseng tao.
Kahit ang kuya nyang si Khim Adrian Javier ay isa ding matatawag na dakilang bad boy. Ngunit iba sa ugali ng kuya nya ang mga na iincounter nya. Lagi syang ipinag tatanggol nito. Lalo na pag may lumalapit sa kanyang kagaya lang din naman ng ugali ng kuya nya.
Ngunit mag mula nang sumunod ang kuya nya sa daddy at mommy nya na nasa ibang bansa. Para maging katuwang ng mga ito sa negoso nila. Ay nagsimula nadin ang kamalasan nya.
Ethan Blake Dela Cruz- Lalaking kinatatakutan ng lahat. Kaya nitong pumatay gamit lang ang dalawang kamay nito. Matigas ang puso. At kahit kelan wala pang nakakapag patino nito. Kahit sa sobrang gwapo at sobrang perpekto ng lahat ng meron ito. Ay kahit sino mang babae ay takot itong lapitan. Ayaw na ayaw nitong nilalandi sya ng kahit na sino lang. Kahit salitang MAHAL. Wala sa diksyonaryo nya. Dahil nadin siguro sa pinag kaitan sya nito.
Isa din sa pinaka mayaman ang pamilya nya. At dahil busy sa pag tatrabaho ang mga magulang nya. Iisa lang talaga ang minahal nya. Sya si Lady Nathalie Dela Cruz. Ang nag iisa nyang ate at kapatid. Ito lang ang kaya nyang sundin. At alam din nyang may pake alam sa kanya. Ngunit sa sobrang laki ng business nila. Kinailangan din nitong pumunta sa ibang bansa para asikasuhin ang mga ito. At dun nadin nag simula ang pag babago nito ng ugali. Turn to a devil.
YOU ARE READING
Totally In-love With The Bad Boy.
RomanceSofia Andrea Javier. Babaeng pinanganak na allergy sa mga bad boys. Kung wala mang ganung allergy. Pwes ngayon meron na. Habulin kase sya ng mga bad boys. At lagi syang nabibiktima ng mga ganito. Pero kahit ganun. May pag asa kayang mag mahal sya ng...