Agatha's POV
Sabado ngayon.
At sa wakas ! Magkakaroon ng kalayaan ang utak ko mula sa mga walang hiya kong kaibigan.Bumaba ako upang mag umagahan. Narinig ko ang mga usapan ng mga Brainless.
"Alam niyo ba? Parang di na kaibigan yung turing ni Miles satin" Malungkot na sabi ni Nick.
"Oo nga eh. Palagi niya tayong sinisigawan. "Ani Van.
"Palagi niya tayong minumura." Xianiah.
"Palaging pinapaalis." Raze
"Palayasin ko na kaya siya dito sa bahay?" Biglang sabi ni Tits sabay taas ng kanang hintuturo na parang nakaisip ng isang brilliant idea.
"Di pwede. "Ulan
"Oo nga, hindi pwede. Wala ng mananaway satin" sabi ni Raze
"Oo nga. Di pwede palaging mapupuno ng ungol tong buong bahay" pag sang ayon ni Van
"Hoy mga gago! Sa kwarto na nga namin ginagawa" pangangatwiran ni Tits
Hay! Kailan ba magbabago tong lalaking to.
"Ma-rape pako ni Raze"Sabi naman ni Xianiah.
"As if namang re-rape-in kita. Flat." Paninira ni Raze.
"Yung mga tinging hinuhubaran si Xianiah" tawang sagot Drew.
"Akala mo lang flat. Meron paring umbok yan. Ako nga flat nuon,kahihimas kaya lumaki" sabi naman ni Nick.
At nagsimula na naman ang kwentuhang SPG.
"Tama si Nick. Duh! Gusto mo ipakita ko pa sayo eh!" Taas noong sabi ni Xianiah.
"Hoy mga tangina!" Sabat ko sa walang kwentang usapan nila.
"Asan si Jaytee?" Tanong ko habang hinahanap ang kinaroroonan niya.
"Oo nga no. Wala na siya sa kwarto niya kanina nung tiningnan ko." Tits.
"Baka natutulog na naman sa banyo dun sa kusina" sabi naman ni Nick.
Yun din ang napansin ko.
Gustong gusto niya daw kasi ang amoy ng banyo."Wala siya dun. Dun ako tumae kanina " sabi naman ni Xianiah.
Barado kasi sa Cr ng kwarto namin.
Magka kwarto kami ni Xianiah.
"Hanapin na natin siya" sabi namim ni Van.
"O sige. Van dun ka sa labas. Tingnan mo mga halaman. Baka may rosos na dun" sabi ni DREw
Tanginang gagong to.
Iniwan ko na sila at ako na ang maghahanap mag isa.
Nalibot ko na ang buong bahay nila. Wala padin siya.
Walang katulong na mapag tatanungan kasi kapag weekends wala talaga sila.
Walang security guard sa back gate. Masyadong mataas ang gate at hindi ito kayang akyatin ng isang grade 3 students.Napaupo nalang ako dahil sa pagod.
Rain's POV
"Rain si Gata wala pa rin" sigaw ni Timothy
At wala paring balita kay Jaytee.
Kaninang umaga pa namin hinahanap ang batang si Jaytee. Itinawag narin namin sa Dad ni Timothy ang nangyari. Kaya naman, Napagalitan kami.
At ngayon pati si Agatha nawawala.
Unti unti akong kinabahan.
Nasan na kaya siya?Mag aalas dyes na ng gabi, wala parin si Agatha.
"Baka ano ng nangyari kay Milya"malungkot na sagot ni Drew.
"Kinalkal ko na kanina yung drawer niya. Kulang ng Dalawa ang baril niya. Wala naman siyang iniwang sulat kung sakali mang naglayas siya." Xianiah.
Ano na naman bang kabulastugan ang ginagawa mo ngayon Agatha ka?.
Marami siyang baril.
Pang self defense daw niya.Saming magbabarkada siya yung may pinaka matinong pag iisip.
"Tawagan kaya natin ung Daddy niya. " suhestiyon ni Van
"Basta ikaw ang kakausap"sabay sabay naming sagot.
Nakakatakot kasi ang Daddy Ni Agatha.
He's a mafia boss.
Kaya di na kami nagtataka kung bakit marami siyang baril."Yung motor niya wala" ani ni Nick.
"Delikado na to"Raze said
Delikado na talaga to.
"Tawagan niyo ang Daddy niya ako ang kakausap!" Sigaw ko sa kanila.
Nasa harapan kami ngayon ng nakalock na maindoor ng bahay nila Timothy.
"What is your problem kid?" Wika ng nakakatakot na boses sa kabilang linya.
"Si..si..si.." Tangina! Natatakot talaga ako. Ang bakla ko.
Sinapak ako ni Andrew.
"Tangina naman Drew!" Sabi ko habang pinupunasan ang putok kong labi.
"Gago! Sabihin mo na yung sasabihin mo" sabay saby na sabi ng anim
"Si Gata po nawawala" sigaw ni Timothy sa harapan ng phone.
Bigla nag Call ended.
"Hoy gago! Bakit Gata?" Pailing iling na sabi ni Raze.
Ni -dial ko na ulit ang number ng tatay ni Agatha.
Blaaaagg!!
Isang ingay ang umalingawngaw sa buong bahay.
Tumingin kami sa bumagsak na pintuan.
Isang batang dugyot.
Puno ng dugo ang damit.Si Jaytee.
Lumapit ito samin.
"Si Ate Gata" umiiyak na sabi ng bata. At tinuro ang pinanggalingan niya kanina
Mabilis akong lumapit.
Parang may kung anong napunit sa puso ko.
Sumunod ang iba.
Si Agatha.
May sugat sa dalawang braso.
Dumudugo ang tagiliran nito.
Hinawakan ko ang mukha niyang nangingitim na.Naririnig ko ang iyak ng iba.
Namumuo ang na rin ang luha sa mga mata ko.
Tangina! Wag ngayon Agatha.