1.14

2 0 0
                                    

Xianiah's POV

Kakarating lang namin sa rest house nila Raze dito sa Baguio.

"Sino sino ang magkakakwarto?" Tanong ni Timothy.

Hay! Yun talaga ang agad na tinanong.

"Kami ni Drew" sabi ni George.

"Okay. May tiwala ako sa bestfriend ko." Pagsang ayon ni Agatha.

Di parin ako makapaniwala na may kakambal siya.

At ang astig din niya.

"Okay" sabi naman ni Drew.

"Sa iisang kwarto lang kami ni Nick" sabi naman ni Timothy wala namang sumalungat.

Nako. Mukhang Rated SPG ang outing namin.

"Magkakwarto kami ng Girlfriend ko syempre" sabi ni Raze sabay akbay.

"Ayoko nga. Si Agatha ang room mate ko" sabi ko sa kanya.

Hindi ako pinapatulog neto eh.

Paano puro yakap eh hindi nako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Di wag. "Sabi niya sabay layo.

At nagtampo naman. Di ko nalang siya pinansin.

"Si Andrea ang karoomate ko"sabi ni Agatha.

"Oo nga. Magkakwarto na kasi kayo ni Raze baka palayasin pa tayo dito" sabi ni Andrea.

"Okay" tanging sabi ko at parang flash na bumalik sa pag kakaakbay si Raze.

"Ang bilis ah"sabi ni Van.

"So, kami ni Van ang magkaroom?"tanong ni Rain

"A-YO-KO"sabi ni Van

Gusto lang netong masolo si Andrea eh.

"Apat na room lang ang meron kami. Kaya pwede kang matulog sa sala kung ayaw mo" sabi ni Raze sa kanila.

"Okay kami na ni Ulan ang magkaroom" sabi ni Agatha.

At dahil jan. Makikita mo ang tuwa kay Rain.

"Pero Couz, what if rape-in ako netong VanVan nato" sabi ni Andrea

"Kaya kong labanan yang Van MO" Sagot ni Agatha at diniinan pa ang MO

"Kung marerape ka ni Van. Ginusto mo yun. "Sabi ulit niya.

"Hay! Oo na" sigaw ni Andrea sa kanya.

"So, Everything is settled."sabi ko.

"Ayown! Nabagok lang ang ulo, englisera na"sabi ni Timothy.

"Pumunta na nga kayo sa mga kwarto niyo"sabi ko sa kanila. Baka mamura ko pa sila eh.

"One last thing, Know your limitations." Sabi ni Agatha at pumunta na sa kwarto nila.

"Xianiah, i promise, gagawa man tayo ng bedscene yakap at halik lang. No make out and no sex" sabi ng gwapong boyfriend ko habang nakataas ang kamay na parang nanunumpa.

Hinawakan ko ang palad niya at ibinaba.

"I trust you. " sabi ko sa kanya.

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.

"Halika kana sa room natin"sabi niya sabay bitbit ng gamit namin.

----

Drew's POV

Dahil hapon na ng makarating kami, bukas nalang namin sisimulan ang paggala.

"Ganyan lang talaga susuotin mo?"sabi ko sa George na nakabikini at nakaheels lang.

OTTO AMICITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon