1.08

3 1 0
                                    

11

Van's POV

Sila na may love life.

Si Timothy may Nick.
Si Raze may Xianiah.
Si Agatha ,kay haba ng hair, may Drew at Rain

Si Van?
Si Van na gwapo?
Si Van na malaAdonis ang katawan?
Si Van na... Hmm. Walang talent? Hahaha. Alam ko namang magdrums.

Heto, wala.
Walang wala pagdating sa Lovelife.

"Van baby"sabi ng mahaliparot na parang tuko na makakapit sakin.

Tinanggal ko kamay niya sa braso ko.

Letche!

Nakakairita na sila.

Tapos na ang Intrams.
Extramurals na ang next.
Kaso next month pa yun.
Makikilaban sila Raze at Rain  sa ibang school. Si Agatha nakuha na sa Volleyball team ng school. Si Xianiah, makikicompete narin ng Cheering. Ako, si Drew, Nick at Timothy magchicheer lang.

*beep! -tunog ng phone ko.

Nagdra drive ako(ng motor) pero tinignan ko parin phone ko.

Isang malakas na sigaw ang narinig ko.

"Magpapakamatay ka na bang shokoy ka?" Sigaw ng babaeng ang pangit ng boses. Sakit sa tenga.

Nakamotor din siya.
Hininto ko yung motor ko.

At tinanggal yung helmet ko.

"Ngayon? Sabihin mong shokoy ako." nanggagalaiti kong sabi sa kanya.

"Shokoy " sabi niya.

Tinignan ko siya ng masama.
Letche tong babaeng to.

Bumaba siya ng motor niya.

"Take your helmet off" sabi ko sa kanya.

Umiling siya.

"Okay. I understand. Your a shrimp."sabi ko sa kanya.

Di niya ko sinagot.

Tinanggal niya yung helmet niya. Biglang nag slowmotion ang paligid ko.

Siya yung crush ko nung high school. Yung crush kong pinsan ni Agatha.

"Andrea Del Monteverde"sabi ko.

"Alexander Ivan Lee, long time no see"sabi niya sakin sabay ngisi.

Bakit ba sa dinami dami ng taong makikita ko, tong Andrea na to pa yung nakita ko.

Hays.

Binasted niya ko nuon.
Masakit sa pride na mabasted ang isang gwapong nilalang tulad ko.

Ngumiti ako ng nakakaloko.
Pangit lang ang ang walang ganti.

Sumakay ako sa motor.

Pinaharurot ito paalis.

Pero bumalik rin ako at dumaan ako sa naipong tubig sa kalsada.

"Maligo ka naman kasi"sigaw ko sa kanya habang palayo. At iniwan siyang nag ngingit ngit sa galit.

Katulad rin siya ng pinsang niyang puno ng kabulastugan ang ugali.

Mura dito mura doon.

"Long time no see, Andy" sabi ko sa sarili ko at tuluyan ng umalis

Andrea's POV

Walang hiya yung lalaking yun.

Tangina niya.
Humanda siya.

~

OTTO AMICITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon