Timothy's POV
"Andrew malayo pa ba tayo?" Tanong ni Nick kay Drew.
Kanina pa kasing drive ng drive tong lokong to. Nasa gitna na nga kami ng gubat kadradrive ng mokong nato.
"Sa pagkakaalam ko, sa manila yung bahay nila Gata hindi sa probinsya" sabi ko naman.
"Oo nga." Sabi ni Nick.
"Nawawala tayo" sabi ko naman.
"Pwede ba ! Timothy halikan mo nga yang girlfriend mo ng tumigil" sigaw ni Drew
"Ilang beses ba naming sasabihin sa inyo na Friends lang kamo" sabay naming sigaw
"Okay. FRIENDS! Lang kayo" tawang sabi ni Drew.
At talagang diniinan niya ang pagsasabi ng Friends.
Hindi na kami umimik at natulog nako.
Nagiging antukin nako. Dahil siguro sa mga nangyayari.
Huminto kami sa harap ng mataas na Gate.
"Hi Im Fred" biglang tunog ng Sensor?
"Andrew Lopez" sabi naman ni Drew.
"Okay. Welcome to the Del Monteverde Residences" sabi ng Sensor.
At bumukas ang gate.
At muli. Nasa gitna kami ng gubat.
Ang ganda ng View
May mga paliko-likong daanan.May nakalagay na sign board.
Sa south kami galing.
Sa West- Cruz- Del Monteverde
Sa East- Forbes - Del Monteverde
Sa North- Del Monteverde. Siguro main to.
Dun kami sa East. Kasi nga Forbes .
Forbes ata yung mama ni Gata.
--
Isang puting mansion ang natanaw ko.Pero nilagpasan lang ni Drew ang mansion.
Huminto kami sa harap ng isang kubo.
"Baba na. Napipi na kayo jan" pang aasar ni Drew.
Pumasok kami sa loob ng kubo.
Pero walang kagamit gamit ito.
"Drew Mali ata tayo ng napuntahan"sabi ni Nick.
May tinanggal siyang dingding ng kubo.
"Wag kang manira. Lagot tayo kay Gata neto eh"sabi ko.
Isang elevator ang bumulaga samin ng matanggal niya ang parte.
Bestfriend nga siya ni Gata.
Ang dami niyang alam tungkol kay Gata.
Sumakay kami sa elevator.
"Na-nasa Fourth Floor tayo?" Utal na tanong ni Nick.
"Woah!" Sabi ko ng makarating kami sa Ground floor. Este super ground floor pala.
"Sobrang baba dito. Baka makita na natin si Satanas" biro ko sa kanila.
"Tumahimik ka na nga lang" iritatong sabi ni Drew.
Tumingin ako sa paligid.
Walang hiya!
Puno ng Baril.
Bawat sulok may baril.
Sa kabilang parte ay mga sasakyan.
"Woah! Ang yaman pala talaga ni Agatha"hindi makapaniwalang sabi ni Nick.