1.22

1 0 0
                                    

Agatha's POV

"Del Monteverde" tawag sakin ni Hailee.

"Hindi mo ba nakikitang iniistorbo mo ako" ako

"Its all about Mrs. Adamson"sabi niya.

Naging interesado ako.

"Alam mo bang buhay pa siya?" Natatawang sabi niya.

"At alam ko kung nasaan siya" sabi niya ulit.

"So,Asan?"tanong ko.

"Old Trinity Hotel."sabi niya.

Galing kami doon. Pero wala ang mama ni Tit doon.

"Sasabihin ko sayo kung san banda pero..tutulungan mo akong makaalis dito. "Sabi niya.

Alam kong watak watak na kami.
Pero importante parin sila sakin.

"Hindi ka marunong tumakas by yourself? Poor naman" sabi ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Tumakas ako pero nahuli ako agad." Sabi niya.

"Bobo mo naman pla"sabi ko.

She rolled her eyes.

"Game na. "Sabi ko sa kanya.

"Anytime pwede kang lumabas dito kasi wala pang patunay na may pinatay kang tao"sabi neto.

"Nasa labas kotse ko. "Ako

---
"Ano! " bulyaw ko sa kanya.

Mag a acting daw kami.
Kwanyari hostage ko siya hanggang sa makapasok kami sa kotse.

"Anong problema"tanong ng pulis.

*sinampal ko si hailee ng malakas. Kitang kita ko sa mukha nya ang gulat.

Dalidaling pumunta sa loob ang mga pulis at inilayo kami sa isat isa.

Gabi ngayon.
At konti lamang ang nakaduty.

Kinuha ko ang baril ng pulis na nakahawak sakin at binaril ito sa paa.

Ganon din ang ginawa ni Hailee.

"Salamat sa sampal" sarkastikong sabi niya.

"Welcome" nakangiting sabi ko.

Tumakas kami sa kulungan.
At siguradong pag nakita nila ulit kami,ikukulong na talaga nila ako.

--
Nagdrive ako papuntang Old Trinity Hotel.

"Wala ang IG ng gantong oras dito. Pero may nakabantay sa mama ni Timothy"sabi neto pagpasok namin.

Sinundan ko siya habang nagmamasid sa gilid gilid.

Wala nga ang IG.

Bakit nila bihag ang mama ni Tit?

"Demonyo ka talaga!" Sigaw ng isang babae mula sa loob ng kwarto.

Sumilip kami sa loob.

May isang lalaking pilit ginagahasa ang babae-ang mama ni Timothy.

"Isang lalaki. Isang lalaking magugulat ka kung sino ang bumihag sa kanya." bulong ni Hailee.

"Kakatok ako at pupunta ako sa loob. May gagawin ako. Manuod ka at gawin mo ang lahat para mailabas ang mama ni Timothy"sabi niya sakin.

Kumatok siya.
At pumasok.

Niyakap niya mula sa likod ang lalaki at itinulak papunta sa loob ng cr ng kwarto.
Agad na sinarado ni Hailee ang pinyo.

Tanging mga ungol ang naririnig ko.

Bakit kailangang tulungan ako ni Hailee?.

Lumapit ako sa Mama ni Tit

"Agatha"sabi sakin

Kilala niya ako.
Niyakap niya ako at umiyak siya.

"Demonyo siya. Demonyo"bulong niya sakin.

Lumakas ang ungol na nagmumula sa kwarto.

Ayaw kong iwan si Hailee.
Bahagya kong binuksan ang pinto ng Cr.

Napapikit ako sa nakita ko.
Malaswa.
Sobrang laswa.

Minulat ko ang mata ko.

"Hailee"tawag ko.

"Sino--Agatha?" Tanong ng lalaki.

Nagulat ako.
Siya.
Yung ama ni Tit.
Pero bakit niya ginagawa to?

"Bakit po. Bakit!" Sigaw ko

May hawak akong baril.

Inayos niya ang pantalon niya.

"Bakit? Hindi ko alam kung BAKIT!" Sigaw neto sakin.

Saktong sigaw niya ng bakit, dahil sa gulat ko naiputok ko sa kanyang dibdib ang Baril.
At unti unti siyang bumagsak.

"Tara na "sabi ni Hailee at hinila ako

Tinulungan namin ang mama ni Tit.

Hindi ako nakaimik.
Bakit ba ang daming manloloko sa mundo?

Hinatid namin sa bahay nila Tit yung mama niya.

"Wag ho kayong magsasalita" sabi ko sa kanya at iniwan na siya

"Ano? San na tayo ngayon?" Tanong ni Hailee.

"Yung kanina? "Tanong ko.

"Kanina ?yung sa CR? Sanay na ako dun. Ako yung dahilan kung bakit nandoon yung mama ni Timothy."sabi niya.

Tahimik lang akong nakikinig sa kanya.

"Iniutos ng Dad ni timothy sakin na kunin ang mama ni Timothy dahil nanlalalaki daw eto. Pero hindi ko alam na kahayupan ang gagawin neto sa kanya"sabi niya.

"Punta tayong probinsya namin. Makikifiesta tayo" sabi ni Hailee.

Nagpalit kami ng pwesto at siya na ang nagdrive.

"Wooh!" Sigaw ng mga tao.

Sumakit ang ulo ko.

May isang babaeng sinakay sa van.

"Okay ka lang? "tanong ni Hailee.

"Arghh! "Sigaw ko dahil sa sakit ng ulo

Agatha natatakot ako.

Hubaran niyo ang babaeng yan.

Wag siya!

Maawa kayo sakin.

--
Masakit ang ulo ko.

"Okay kana?" Tanong ni Hailee.

Nagflashback lahat ng nangyari.

"Hindi. Hindi ako ang pumatay sa mama ni Rain" ako.

"Huh?"pagtataka ni Hailee.

"Pupuntahan ko siya ngayon"ako.

OTTO AMICITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon