~ Chapter # 6 ~

1K 66 7
                                    

~*~

~ Wanted ~

A.N: At dahil maikli lang ang previous chapter, babawi ako sa chapter na'to! Enjoy reading ~

Meichii's POV:

Binabaybay namin ni Jin ang daan papunta sa kagubatan ng Goblin's Grove, kung saan ko kukunin ang quest para makapagpalit ng secondary class. Hindi namin kasama si Axel dahil nasa ibang area ang NPC na kukuhanan niya ng quest para din sa pagpalit o pag-upgrade niya ng class.

"Haays. Bakit ba kailangan pa kitang samahan?"
Nababagot na saad ni Jin habang kinakamot ang kanyang matulis at mahabang tenga. Tch! Hilig talaga mag reklamo ng isang to!

"Dahil gusto ko ng kasama sa paggawa ng quest."
Mataray kong sagot saka binilisan ang paglakad, nakikita ko na ang entrance ng kagubatan sa hindi kalayuan.

"Ano ka ba, Mei? Alam mo bang isang solo quest ang kukuhanin mo? Ibig sabihin hindi pwedeng may kasama ka, bawal yun."
Paliwanag niya habang pinipilit na sabayan ang mabilis kong paglakad, alam ko naman ang lahat ng sinasabi niya, hindi ako noob sa mga RPG games!

"Sabi ko gusto ko ng kasama, hindi ko sinabing gusto ko ng katulong sa quest."
Sagot ko saka umirap sa hangin. Ayaw ko lang kasi na nag-iisa, mabilis akong malulungkot pag ganon.

"Sus! Gusto mo lang talaga akong makasama eh."
Nakangising saad niya. Aba! Kahit kailan talaga makapal tong si Jin eh noh?

"Aray!"
Sambit niya pagkatapos ko siyang batukan sa ulo.

"Bagay nga yan sa'yo, Mokongjin."
Inis kong tugon saka umirap ulit, nasanay na ako sa tinatawag ko sakanyang 'Mokongjin' mula sa pangalan niyang 'Mokujin'.

"Wag mo nga akong tawagin sa inimbento mong nickname?"
Medyo galit niyang saad. Yes! Naasar na siya! Hahaha!

"Bahala ka, Mokongjin."
Pang-asar ko pa saka dumila para mas lalo pa siyang mainis.

Mariin siyang nagbuntong hininga at biglang tumalikod.

"Bye."
Mahina niyang paalam at sinimulang maglakad pabalik.

Ay nagtampo?

"Hoy! Saan ka pupunta?!"
Sigaw ko pero patuloy parin siya sa paglalakad.

"Mokongjin! HOY!"

"Sorry na! Bumalik kana dito!"

"Jin!"

Sawakas napahinto rin siya nung narinig niyang tinawag ko siya sa gusto niyang nickname, humarap siya at lumakad pabalik sa kinaroroonan ko.

Pinagod niya lang sarili niya... Abnormal.

"Sabi ko na nga ba eh, ayaw mokong umalis."
Nakangiting saad niya saka ginulo ang brownish kong buhok. Tch! Nasira tuloy yung nakaayos kong bangs!

"Che! Hindi ako aso!"
Mataray kong sagot saka hinawi ang kamay niya mula sa ulo ko, ayaw na ayaw ko talagang may ibang humahawak sa buhok ko.

"Tara na nga! Sayang ng oras!"
Dagdag kong saad saka pumasok sa kagubatan.

"Haha! Aye aye, ma'am!"
Natatawa niyang sagot habang nakasunod sa'kin.

Pagkapasok namin sa Goblin's Grove ay bumungad samin ang isang bulletin board kung saan nakasabit ang mapa ng buong area, dali-dali akong lumapit dun para tingnan kung saan matatagpuan ang village.

"Mabuti naman at may map guide na agad sa entrance pa lang."
Komento ni Jin habang sinusuri din ang mapa sa board.

"Ayun!"
Sambit ko at tinuro ang village area sa gubat.

Medievus OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon