~*~
~ Magic Duel ~
Seige's POV:
" Bakit mo tinanggap yung laban? "
Gulat na tanong ni Blake saken. Napabaling ako sakanya at napangiti bago sumagot." Wala naman tayong ibang choice. "
Sabi ko sakanya.Totoo namang wala akong choice. Papatayin silang lahat ng haring 'to kung hindi ako pumayag na lalaban.
" Ikaw. Ituloy mo na yung pagbukas sa selda. "
Utos ng mayabang na hari kay Tryze habang tinututukan ng baril. Kahit duguan ang isang kamay ay pinulot niya yung susi sa sahig at ipinasok sa keyhole." Paalala lang, Nocturne. If you ever try anything after he unlocks the cage, hindi ako magdadalawang isip na magpa-ulan ng bala sa mga kasama niyo. "
Pahabol niya pang saad bago buksan ni Tryze yung bakal na pintuan ng selda. Hindi sumagot ang kasama ko sa loob at tiningnan lang siya ng seryoso.Gusto kong sugurin siya nang nakalabas na'ko sa selda pero nakatutok talaga yung dalawa niyang baril sa kaibigan ko. Tsk.
Agad niyang inutusan si Tryze na muling i-lock yung selda pagkatapos kong lumabas. Ayaw niya talaga bigyan ng pagkakataon si Nocturne.
" Oh tapos? Sa'n kami lalaban? "
Medyo pabiro kong tanong habang nakatingin sa babaeng makakalaban ko. Si Namia. Kilala ko siya dahil siya lang naman ang parating nandito para bantayan kaming mga nakakulong na players." Wag kang excited. Doon pa kayo lalaban oh. "
Itinuro ni Dash yung caged arena sa gitna kung saan naglalaban yung mga preso tuwing may random duels na nagaganap dito.Bakit pa ba ako nagtanong kung saan kami lalaban? Common sense namang sa battle cage.
" Kaya mo yan Seige. "
Mahinang sabi sa'kin ni Tryze nang dumaan ako sa harap niya habang tinutungo ko ang arena sa baba. Tumango ako at ngumiti para hindi na siya mag-alala pa.Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung kaya ko ba talaga ang babaeng 'to. Hindi ko pa siya nakikitang lumaban eh, kahit level niya hindi ko alam. Ang alam ko lang, magka-guild sila ng hari. Le Executioners.
Bago ako nakababa sa unang level ng dungeon ay nahagilap ko pa ang natatakot at nag-aalalang mga mukha ng tatlong bagong members na kasama ni Tryze habang seryoso at may tiwala naman ang nasa ekspresyon nina Blake at Brawn.
Matagal na nila akong nakasama eh. Kaya alam na nila ang kaya kong gawin sa laban. Pero itong mga bagong members? Naiintindihan ko kung bakit sila natatakot.
Nakasalalay sa laban na'to kung makukulong ba sila o hindi, tapos hindi pa nila gaano kakilala yung naglalaban para sakanila. Matatakot at mag-aalala rin ako kapag ako yung nasa sitwasyon nila.
Nakapasok na kami ni Namia sa cage at ini-lock na ng bwesit na hari yung pintuan. Wala akong pake kahit i-lock niya pa yan. Wala naman akong balak tumakas, papalag ako ng buong tapang.
" Alright! Everything is set! Pwede na kayong magsimula kung gusto niyo. "
Medyo excited niyang wika pagkatapos niyang umakyat muli sa pangalawang level para makapanood ng maayos.~
PvP Request:
Namia is inviting you to a battle![ Accept ] [ Decline ]
~
BINABASA MO ANG
Medievus Online
Fiksi Ilmiah"Bagay na bagay sa'kin ang mundong ito." All rights reserved (2017) @ Nathaniel Estremadura Highest ranking on Sci-Fi: #22 (8/25/2017)